Chapter 8
James's P.O.V
Aahh ang sarap humiga.. Tingin sa kanan..tingin sa kaliwa. Haizt! Ano ba naman yan. Kahit san ako tumingin mga pictures. na nakakairita n akikita ko. Feeling ko parang ako yang nasa picture eh, ang nakakainis kasama yang babaeng iyakin. Bumangon ako sa pagkakahiga ko, balak kong tanggalin yang mga pictures masakit sa mata eh.
Tinitigan. Kong mabuti yong malaking picture sa itaas ng headboard ng kama,. Sino ka ba polaris? Bat magkamukhang magkamukha tayo? Napabuntong hininga tuloy ako. Kinakausap ko yong alam kung hindi sasagot.
Tinanggal kuna yong mga pictures na nakasabit sa dingding maliban sa malaking tinititigan ko kanina..
Oh ayan hindi na masakit sa mata, hehe.
Biglang bumukas ang pinto. Hindi ba marunong kumatok yong taong to?
Aaahhhhhhh!! Anong hinawa mo dito?? Bat nawala yong mga pictures ni polaris!? Diba sabi ko naman Sayo wala kang babaguhin dito sa kwartong to? Bat nangingiilam ka ng gamit na hindi naman sayo!!
Wala naman ako binago dito ah, tinanggal ku lang yong mga bagay na masakit sa mata.. Paaaakkkkkk!! Naramdaman kong may dumampi sa pisngi ko. Masakit sya ha. Ano bang mali ang nagawa ko.eh totoo namang masakit sa mata yong mga yon ah. Araw araw mo nanga ng nakikita tong babaeng to pati ba naman sa kwarto ko makikita ko sya. Kayo diba kayo naiinis pag ganon.?
Wala kang karapatan sabihin yang mga bagay na yan!! Kung gusto mo dun ka sa salas matulog!!
Nakita ko malapit na sya umiyak. Bakit ganun, ganun nalang ba kahalaga tong lalaking to at lagi syang umiiyak.Ok ok sorry na. Ibabalik kuna yong mga pictures. Haizt nakakainis naman! Wag ka ngang umiyak sinabi nang ayoko sa babaeng umiiyak eh.
Haizt ano ba naman to, ngayon lang ako nag sorry ah , sa babaeng ito pa!Pinunasan na nya yong mga luha nyang tumulo kanina.
Bilisan mo,! Kakain na tayo.
Lovely's P.O.V
Nakakainis talaga.! Hindi ba sya nakakaintidi? Kelangan ba paulit ulit para maintindihan nya? Haizt!
Oh kayong dalawa upo na kayo at kakain na..- mama ko.
Sige po tita ano pong ulam? Hehe
Abah ang tukmol ha, feeling close kay mama. Pork adobo , caldereta at salad talbos ng kamote. Masarap yan paburito nga lahat yan ni polaris eh hehe.. Mama! Ay ummm sabi kasi ni lovely yan yong lutuin ko eh hehe.Oo nga pala nag aaway ba kayo kanina.? Ahh hindi po tita kasi------ pinutol ku yong sasabihin nya.
Kasi tin anggal nya po yong mga pictures ni polaris mama. Walang gana kong sabi.
Pagkatapos nun wala nang nagsalita pa. Pumunta na ako sa kwarto ko, pagkatapos kong mag shower nahiga na ako.. Sinasariwa ko yong mga alala namin ni potpot koh, hanggang sa nakatulog na ako..
James's P.O.V
Hindi ako makatulog kaya pumunta muna ako sa terrace. Hindi ko alam pero iniisip ko yong polaris na yon eh..iniisip na nilang ako sya?? Hayyy. Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.
Gusto mo ng coffee? Oh ginawan na kita.:) tita ikaw po pala hehe.
Hindi kaba makatulog?- mama ni lovely.
Opo eh, namamahay lang po siguroh ako.masasanay ka rin pag nagtagal na. Pwede ba tayong mag usap saglit?? Ah sige po tita. Upo po kayo.
Mj sana maintindihan mo kung bakit ganun yong anak ko. Oo mj tawag sakin ni tita konti lang tumatawag sakin ng mj si daddy lang ata at relatives namin.
Ayoko ng bumalik yong dati eh. Kung nakita mu lang sya nung panahon na yon. Sana wag mo munang gagalawin yong mga gamit ni polaris dun sa kwarto ha.? Opo tita. Sorry po. Pero sino po ba si polaris?
Alam mo ba dati ayaw na ayaw nyang binabanggit namin yong oangalan nya? Pero simula nung dumating ka nagbago na. Hindi na sya nagagalit, hindi ku alam kong nakikita nya sayo si polaris..
Kung nakikita nya sakin yong lalaking yon, lagi silang nag aaway kung ganun haha nakakatawa naman.Sinisisi kasi ni lovely ang sarili nya kung bakit nawala si polaris.
Alam mo ba nung araw na yon, yon yong oinakamasakit na nangyari samin lalu na kay lovely. 2nd aniversary nila, bday din ni lovely. Masaya silang dalawa, buong araw silang nagcelebrate. Alam mo yun , yong hinding hindi na sila mapag hiwalay nun eh hehe. Pero lumabas si lovely, makikipagkita raw sya saglit kina jonalyn. Nung mga 7pm , nagpaalam sakin si polaris. Susunduin raw nya si lovely sa mall. Hindi ku alam yon na pala yong huling pag uusap namin. Dun sa highway , ang sabi ng mga nakakita nka stop yong light kaya naglakad na sya. Pero may isang kotse na napakabilis. Nabangga sya. Hit and run. Si lovely naghihintay sya sa harap ng mall, wala syang kamalay malay nag aagaw buhay na si polaris.ummmmm mga 10 nung dumating si lovely sa hospital. Alam mu bang nagising bigla ni polaris, lahat nga ng mga doctor na nadon nagulat kasi makina nalang ako bumubuhay sakanya nun.. Bago nawalan ng buhay si polaris nasabi nya kung ganu nya kamahal ang anak ko. Pagkatapos nun, wala na sya. Alam ko kung gano nila kamahal ang isat isa. Sinisisi nya ang sarili nya,. Alam mo ang masakit? Yong gusto mung icelebrate yong bday nya ng masaya, pero sya nagluluksa. Nasasaktan ako sa kwento ni tita sakin, naaawa ako kay lovely. Haayyyy. Nako hindi ko napigilan yong luha ko nakakahiya naman sayp iho. Sige matulog kana,. Sige po tita gudnyt po. Paalis na sana ako ng bigla nya ako tawagin ulit.
Mj, wag mo sasabihin kay lovely about dun sa kwinento ko sayo ha?
Sige po tita. :) i smiled.
Nung nasa kwato na ako. Haaaayyyy. Napabuntong hininga nalang ako. Humiga na ako sa kama, tinititigan ko yong nasa picture.hanggang sa nakatulog na ako..
Waaaahhhhh naiiyak ako habang nagsusulat.ang skit naman kasi yong pangyayaring ton eh.. Huhuhu. Pag nakwento na lahat haayyyy.. Ummmmm last update ku muna tong ngayong week. Kelangan kong mag review. Hoooo tapos next year kasama pa ako sa first batch na mag peperform sa front office kalerki naman nun..
Vote lang po kayo ng vote !!
Enjoy!!!!:)))))
BINABASA MO ANG
loving you is my happiness
Teen Fictionby: lovelyannrmacaranas isang taong..isang taon na ang nakakalipas simula nung nawala saakin ang pinakamamahal ko.. At ang angbmasaklap sa araw pa mismo ng anniversary namin, at ang pinaka masakit sa lahat sa araw pa ng kaarawan ko. pano ako magigin...