AMARA'S POV
Hindi na ako nagtagal pa sa bahay nila Tita Thea nang mapagtanto kong nandoon pala si Miguel. Kaagad akong nagpaalam at sinabing may aasikasuhin pa ako. I did not saw him after our encounter in their kitchen, but his car is still in front of their house. Habang pa-uwi ako sa condo, naiinis ako na nahihiya!
Naiinis ako sa kaniya dahil sa mga sinasabi niya sa'kin, pero nahihiya rin ako dahil naabutan niya ako sa bahay ng Mommy niya. Damn it. Does it matter to him if I was there?
'Bakit ba siya nakiki-elam?'
Eh, ano naman kung nandoon ako? Hindi naman siya 'yong ipinunta ko doon, at ang kapal naman ng mukha niya para bisitahin ko siya. Tss.
"Screw you, Guivara."- I hissed inside my car.
This is not good. Habang tumatagal, mas naiinis ako kapag nakikita ko siya. Huwag niyang dumating sa puntong mapuno ako't hindi ko makontrol ang sarili kong gawan siya ng masama. I am now seeing him as my number one enemy, aside from Samuel, who is also my foe.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela hanggang sa makarating ako sa building ng condo ko. I parked my car before wearing my sunglass. Dumeretso na ako para makarating agad sa kwarto ko.
Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang lambot ng kama. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
****
Mag-aalas singko na ng gabi nang magising ako, tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang mga natanggap na messages kaninang tulog ako.
---
From: ManagerTake a rest, Amara. Do not stress yourself, stay gorgeous.
3:40PM.
---
From: SamuelBabe, hindi pa tapos pictorial ko. Nababadtrip na nga ako, gusto na kitang makita.
4:30PM.
---
From: Liam OngGlad you're okay. Keep it up, Amara.
4:50PM.
---I just smiled when I read Liam's message. Since we exchanged numbers, the three started texting me sometimes. Little by little, I must admit na bumabalik na ang loob ko sa kanila dahil wala naman silang ipinakitang masama sa akin at puro mabubuti lang.
Tumayo na ako para magtungo sa banyo tsaka naligo. Wala naman akong ibang gagawin kaya napagpasyahan kong mamili na lang muna ng mga pagkain ko dito sa condo. Hindi nga naman tama na palagi akong kumakain ng galing sa labas, kasi baka mamaya may lason pala 'yong ibang pagkain d'yan sa labas.
So, I did what I planned to do. Nagsuot ako ng cap at black face mask para maiwasan ang anumang mangyari kapag nagkataong may nakakilala sa akin. It took me thirty minutes to buy these ingredients, food, snacks and milks. Nagpatulong ako sa valet service na buhatin lahat ng nasa compartment bago niya ipark 'yong kotse ko.
"Here."- I gave him a tip after putting these bags in front of my door.
Nagpasalamat siya sa'kin at saka umalis na. Pabalik-balik ako sa kitchen at labas ng pintuan ko dahil hindi ko naman mapagsabay lahat. No'ng huling plastic bag na ang kukunin ko, nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na paparating.
'Bullshit! Why is it him, again?'
Nandito na naman siya, kanina nandoon lang kila Tita Thea. Ano bang problema niya?
I can't help to glared at him as soon as he reached his door. Mas nakaramdam ako ng inis dahil nakukuha niya pang salubungin ang mga titig ko tapos nakangisi pa siya!
BINABASA MO ANG
Beauty From The Pain. (On-Going)
RomanceShe gave love, but, she only received pain from the person she loved the most. And, then, when she came back--- fuck her soft heart--- are they worthy for her forgiveness? What if there's a reason behind their foolish actions towards her? What if th...