CHAPTER 9

42 3 46
                                    

A/N: Don't forget to read my other stories. :P

...

3RD

"What took you so long, Samuel?!"- nanggagalaiting tanong ni Mr. Lua ang sumalubong kay Samuel na kasalukuyang hinihingal papasok ng conference room.

Dumeretso ang binata papunta sa kwartong ito dahil 'yon ang binilin sa kaniya ng matanda. Bumungad sa kaniya dito, ang mga bagong mukha ng ka-sosyo ni Anthony, na naka-upo na sa sari-sariling pwesto sa pa-oblong na table na nandito.

"I'm sorry, Tito.. But, Irish is---"

"Forget it. Let's start!"- ma-awtoridad na sambit ng matanda.

At, nag-simula na nga ang meeting ng ibang board members na umaalok ng offer sa kumpanya ng mga Lua at Kim.

Sa ganitong edad ni Samuel at Amara, hindi maikakailang sanay na sila sa ganitong sitwasyon. The both of them are the face of Lua and Kim's company. And, time will come, sila na rin mismo ang magte-take over ng mga ito galing sa kanilang mga magulang.

"Katulad ng sinabi ko kanina, Chairman at Sir Samuel, napag-usapan namin na ibahin naman ang mga products na ine-endorsed ng ating sikat na models. Let's move on from those fashions and let's try something new and interesting. We, your Board members, voted for advertising some.. foods? Some dishes on a show where cooking is actual. What do you think, Mr. Lua?"- may pinakitang iba't-ibang klaseng dishes na may kasamang ingredients sa may malaking projector na nandito.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki na nabanggit bago lumingon ulit sa mga ka-business nilang nagpe-present ng kanilang suggestion.

"That's right, Mr. Chan.. Magkakaroon sila ng isang variety show kasama ang isang veterans and professional chef, and that chef will cook one dish each episode."- dagdag pa ng isa na naka-upo.

Tumango ang CEO, at saka niya sinulyapan si Samuel na nakanguso't parang nag-iisip.

"It's fine for me. Panigurado namang magkakaroon sila ng mataas na rating sa show na silang dalawa ang magkasama. Their tandem is now popular in Asia. So, why not? Right, Samuel?"- lahat sila tumingin kay Samuel at inabangan ang isasagot nito.

Huminga muna ng malalim ang binata, pagkatapos ay pinag-krus ang mga braso sa kaniyang dibdib.

"Does the show will be the same with others? May napapanood akong mga gano'n sa TV, Tito. So, I was thinking because it's somehow common?"- kunot noong sagot ng binata.

"No, Samuel.. Well, it is a bit common like what you've said. Pero, iba itong sa inyong dalawa ni Ms. Lua. You two known as a love team, kailangan bigyan iyon ng konting twist."- paliwanag ng kaharap nitong matanda ring lalaki.

Sumilay ang pilyong ngiti ng binata dahil naging interesado ito sa sinabi ng kaharap. Nag-dekwatro ito sa ilalim ng lamesa at saka niya inalis ang pagkaka-krus ng mga braso niya.

"Just like?"- taas ang mga kilay nitong tanong.

"Cuddle. Be sweet to each other.. Act like as if you're in love."- nakangiting sagot ng nasa gitna nila na nakatayo.

Sa isiping iyon, hindi mapigilang hindi mapangiti ng malapad ni Samuel. Dahil, gusto naman niya ang dalagang ka-love team niya, bakit naman siya tatanggi sa gano'ng bagay, 'di ba? Hindi na niya inisip kung posible bang magkaroon sila ng show, basta ang prayoridad ng binata, ay ang dalaga.

Wala sa sariling napakagat nito ang mga labi sa kilig niyang nararamdaman, pero nang mapabaling ito sa gilid niya na kung saan ay nandoon ang ama ni Amara, ay kaagad itong umayos at sumeryoso ang mukha.

Beauty From The Pain. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon