CHAPTER 48

39 0 0
                                    

KYLE'S POV

Gago talaga 'tong si Claire kahit kailan, eh. Nabudol ang tangina, pagkatapos gawin 'yong ano, 'di man lang inisip kung may mabubuo ba o wala. Pucha! Hindi ba nag-pills 'yong babaeng 'yon? Tsk!

Hindi namin alam na may naka-sex siya, wala rin siyang sinabi tungkol sa lovelife niya dahil ang alam namin, wala talagang boyfriend 'yan. Tapos bigla malalaman namin buntis amputa. It's not that we're against with her pregnancy, pero hindi pa siya handa, nag-aaral pa siya! Tapos ang malala pa n'yan, ayaw sabihin sa amin kung sinong nakabuntis sa kaniya.

'Bubugbugin talaga namin kapag sinabi nitong si Claire 'yong lalaking 'yon.'

"Nasaan na raw si Miguel?"- tanong sa'kin ni Liam pagkalabas sa kwarto ni Claire.

Naka-sandal lang ako dito sa tapat ng pinto, hinihintay si Miguel. Ewan ko nga kung saan na napunta si Gian, ang sabi bibili lang daw ng makakain, eh.

"Papunta na daw, galit na galit. Ikaw magpaliwanag doon kapag dumating, ah?"- ngumiwi ako. Baka mamaya ako pa ang durugin ni Miguel sa galit niya, mas mabuti nang si Liam na lang.

Anak ng tokwa naman kasi. Sinugod namin si Claire dito sa hospital dahil dehydrated siya, hindi makakain o maka-inom man lang madalas. Alam ko kapag buntis, talagang maselan sa pagkain 'yan, kaso 'yong babaeng 'yon pinakita na lahat-lahat ng pagkaing pwede niyang kainin, tinatanggihan pa rin. Hays.

Kaya sobrang putla na niya, baka makasama sa baby 'yong hindi niya pag-kain.

"Hindi pa rin ba sinasabi kung sinong nakabuntis sa kaniya?"- tanong ko kay Liam. Umupo muna siya sa gilid kung saan maraming nakahilerang upuan doon.

"Sabi niya ayaw niya daw masira 'yong reputasyon ng lalaki."- napamasahe siya sa sentido.

"Oh? Papaano siya? Pwede pang mapahamak ang sarili niya, Liam. The doctor said it may cause the baby's activity level significantly declines, because her pregnancy is really sensitive. Kapag naging severe ang nausea niya, pwedeng malagay sa pangani---"

"No, she won't. Huwag mong isipin 'yan."- seryosong tinignan niya ako kaya napatakip ako sa bibig.

Pasensya na, 'yon kasi talaga ang sabi ng doctor kanina. Puta! Nag-aalala rin kasi ako, 'no! Tinatago sa amin ni Claire 'yong walanghiyang naka-score sa kaniya para hindi masira 'yong reputasyon?

Ano ba siya? Kataas-taasan, gano'n? Artista? Oh, baka naman presidente ng Pilipinas ang pinatos nitong babaeng 'to? Hindi niya iniisip ang sarili niya at ang bata. Tss. Mas gugustuhin niya bang maging single mom at lumaking walang ama 'yong anak niya?

'Gg. Walang gustong lumaki sa broken family. Gg talaga!'

"Oh, mga dre. Kumain na muna kayo d'yan, bumili akong take out malapit sa hospital na 'to."- si Gian, dumating na pala siya. Meron siyang bitbit na tatlong paper bag na may tatak na KFC.

Nilapag niya 'yong dalawang lalagyan sa tabing upuan ni Liam, habang 'yong isa bitbit niya pa rin.

"Ipakain mo 'yan sa kaniya, nandoon gising pa."- tumango lang si Gian sa sinabi ni Liam bago pumasok ng kwarto.

Uupo na din sana ako para makakain, nang may mapansin akong lalaki na nagmamadaling naglalakad papunta sa amin. Dumating din sa wakas si Miguel, pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa amin, nang manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.

Hala! Hala!

Putangina? Bakit nandito siya?

"Where is she? Is she fine? Anong sabi ng doctor?"- sunod-sunod na tanong sa'min ni Miguel, pero pareho kaming natigilan ni Liam, hindi namin nasagot ang tanong niya.

Beauty From The Pain. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon