CHAPTER 25

24 0 0
                                    

AMARA'S POV

Thank God, it's our day off today. It's already weekend to be exact. And, I'm glad to spend my weekend here at my parent's house. I want to be here than my condo 'cause I can't even feed myself there alone. Gugutumin lang ako doon, kaya mas mabuti nang nandito ako kila Mommy. Actually, siya lang ang kasama ko pati mga maids, kasi may trabaho pa si Daddy ngayon.

"Mom, are you sure you're not going  to your shop?"- I asked her. Nasa kitchen kami ngayon, naka-upo ako sa counter habang hinihintay ko siyang matapos sa pagluluto niya ng fried chicken.

We decided to make our snacks. Yeah, fried chicken for snacks.

"Of course, ang dalang mo lang bumisita dito, susulitin ko na. Hihi!"- she giggled. Natatawang umiiling na lang ako dahil sa kaniya.

I volunteered to prepare our sauces when I noticed she's about to finish frying. How I missed her cooks.

"Huwag kang maninibago sa luto ko, Amara Irish.. Alam kong puro masasarap na pagkain ang natitikman mo kay Chef Guivara."- tumawa si Mommy sa biro niya, pinilit ko ring matawa doon kahit konti.

It's been few days after that incident happened between us. Out of the corner of my eye, I witnessed him as a cold person, not that much. He's being formal to everyone, except for me. He really did not bother me anymore. Iniiwasan niyang makasabay kaming dalawa ni Samuel, lalo na sa'kin. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin o kinakausap man lang, maliban na lang kung nasa script ba sa show na kausapin niya ako.

'Is it better now?'

Yeah, I think it is. He's doing great avoiding me. Para bang naging stranger kami sa isa't-isa. But, is it just me or I am really not comfortable with that treatment?

Tss. Comfortable my ass. Basta alam ko gusto ko 'tong nangyayari.

"Let's go.. Manood tayo sa sala."- yaya sa'kin ni Mommy. Dinala niya na 'yong fried chicken drumsticks, habang ang dinala ko naman ay 'yong mga sawsawan pati na rin juice namin.

Para kaming nagmumukbang habang nanonood ng TV. Lol. Mother and daughter's bonding.

"Masarap ba?"- she suddenly asked me. Tinignan ko siya sabay ngiti.

"The most delicious fried chicken I've ever tasted."- tsaka ako kumagat ulit na naging pagsabay namin sa pagtawa.

Ganito kami ka-close ng Mommy ko, mas masaya sana kung nandito si Daddy tapos naka-mood siya. Si Daddy kasi madalas seryoso at istrikto, kaya madalas kaming dalawa lang ni Mommy ang nagbobonding.

"Baby, si Miguel nasa TV, oh."- she pointed the television.

Nakita ko nga siya na pinapalabas ngayon sa TV. Nilakasan ni Mommy para marinig namin 'yong sinasabi nito.

'Oh? He got invited to the famous Philippines show?'

Na-imbitahan siya sa 'Search for the Star'? Damn. 'Yon 'yong show na magkakaroon ng guest, tapos 'yong guest na 'yon ay papasikat na. I never been invited there, both Samuel and I.

Miguel's already sitting at the heart shaped couch, while Penny Galvez, the famous host of this show, is sitting the single couch. Puro sigawan ang naririnig naming dalawa ni Mommy, marahil ay maraming tao sa studio na 'yon.

"Mr. Guivara, did you expect that you're going to become a popular chef of your show with the SamAra?"- Penny asked him with full of smile in her face. 'Yong malakas na sigawan biglang nawala bago siya sumagot.

Beauty From The Pain. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon