Mula sa kinauupuan kong sasakyang SUV ay kitang kita ko ang malawak na lupain at sa gitna nito ay ang napakalaking Spanish style na mansyon na napapalibutan ng mga naggagandahang mga halaman.
Unti-unti ay bumukas ang malaking gate na nasa harapan ko. Tumulak paloob ang sasakyang sumundo sa akin mula sa airport. I opened the window to see the view from the outside. Mula sa kinauupuan ko'y iginala ko ang mata ko sa paligid. Ibang iba sa kinalakhan kong lugar. I can see the leaves dancing with the wind.
Ramdam na ramdam ko rin ang sariwang hangin humahampas sa mukha ko na nagmumula sa mga naglalakihang mga punong kahoy. After a few minutes, nakarating na rin kami sa pinakasentro ng lupaing ito. There I saw him waiting outside with some maids.
Bumaba ako mula sa sinasakyan ko. Ngumiti siya ng makita ako kaya ngumiti rin ako pabalik. This is harder than I thought. Nakita ko na siya sa mga pictures pero iba pa rin pala sa personal. Kung gwapo siya sa mga pictures mas gwapo pa siya sa personal.
With those thick eyebrows and deep dark intense eyes. Manipis at mamula-mulang labi. Tama lang ang haba ng buhok niya which makes him look more hotter. Even though he's smiling at me, I can still feel the intimidating aura from him. Mukha siyang arogante pero alam kong hindi. Base na rin sa pagkakaalam ko.
Yumakap ako sa kaniya saka hinalikan sa pisngi bilang pagbati. Ganun din ang ginawa ko sa kalalabas lang na ginang mula sa loob, ang mama niya.
"Hija nakarating ka na pala, pasensiya na at kalalabas ko lang. Kamusta ang biyahe?" nakangiting tanong sa akin ng ginang.
"Ayos naman po tita" I said as I smile. I looked at Adrian who's looking at me with those intense eyes. There's something with those eyes that I can't even tell animo'y para akong misteryoso sa harap niya and I can't stand looking at those eyes so I looked away.
"Sige hija pasok ka at ng makapagpahinga ka na. Medyo mahaba-haba rin ang biyahe mo. Linda, kayo na ang bahalang iakyat ang gamit ng senyorita niyo sa magiging kuwarto niya." mabilis niyang utos sa mga kasambahay na naroon saka inakay ako sa loob ng mansyon nila.
Kung maganda ang panlabas na anyo ng mansyon mas maganda naman dito sa loob. Sa magkabilang gilid ay ang engrandeng staircase with red carpet na may kulay gintong hawakan. Sa magkabilang gilid nito ay nakalagay ang mga inukit sa kahoy na dragon na animo'y nagsisilbing bantay. Sa itaas ay nakabitin ang malaking chandelier that makes the living room look more elegant and grandiose. Sa napakalawak na sala nakalagay ang mga mamahaling sofa at may glass table sa pagitan ng mga ito.
Karamihan sa mga gamit ay mga antique pero makikitaan mo na maayos na naalagaan at nalilinisan kaya nagmumukhang bago. Ang mga muwebles ay kakikitaan mo ng karangyaan ganun din ang mga pasong may mga nakalagay na halaman.
I looked at the piano just below the hanged mysterious family painting. Ngumiti ako dahil doon pero napawi dahil sa naalala. I remember myself as a child playing piano with my mom smiling at me as my audience pero unti unti ay naglalaho ang mga ito. Parang bulang nawala sa hangin.
I was snapped out from my thoughts nang magsalita si Adrian na nasa tabi ko.
"Are you okay?" kakikitaan mo ng pag-aalala ang mga mata nitong nagtanong sa akin.
"I'm fine medyo pagod lang sa biyahe" I said as I smile assuring that I'm okay. He relaxed nang makumbinsi siya sa sinabi ko.
"Mom ihahatid ko na siya sa kuwarto niya para magpahinga." mabilis nitong saad kay tita no'ng makapasok kami sa sala nila na agad pinaunlakan ng kaniyang ina.
Napaigtad ako ng nilagay ni Adrian ang kamay niya sa bewang ko and guided me to the long grandiose staircase. Nagulat ako sa simpleng lapat lang ng kamay nito sa katawan ko ay libo-libo ng mga sensasyon ang idinulot nito sa aking katinuan. Why am I feeling this way?
Nang makarating kami sa nakatakdang kuwarto ko ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Sabay kaming pumasok doon. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bewang ko sa pag-aakalang aalis na siya pero niyakap niya ako.
"I miss you Rhia" masuyong saad niya. Para akong batong naipako mula sa kinatatayuan ko dahil sa napagtanto. Hindi ko magawang suklian ang mga yakap niya dahil sa pagkakabigla. Agad naman siyang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin.
"Sige na magpahinga ka na." sambit nito saka agad lumabas sa kuwarto ko.
Nanghihina akong napaupo sa queen size bed na naroon. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ako nandito dahil sa pangalang iyon. Rhia.
Ngumiti ako ng mapait sa sarili ko. May kasalanan din naman ako kung bakit ako nandito. Kung hindi ako pumayag sa gusto ng kambal ko ay wala rin sana ako rito.
Yes! I'm not Rhialynne Faith Villanueva but her identical twin Lorelie Hope Villanueva. And I'm here to make presence to her fiance and boyfriend Klieve Adrian Mondragon in terms of her absence.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope