Hindi ko alam kung paano akong nakauwi sa condo ko na hindi naaksidente sa daan papunta dito since my eyes were all blurry because of the tears still falling from it. Pinagtitinginan ako ng mga tao na nasa lobby ng condominium dahil sa patuloy kong pag-iyak bago pumasok sa elevetor.
When I reached the 20th floor where my pad was, nagulat ako sa taong naroon sa harap ng pintuan ko. Nakatayo. Naghihintay. Galit at alam kong malapit ng mawalan ng pasensya habang naghihintay sa akin.
Malalaki ang kaniyang mga hakbang papalapit sa akin nang makita ako.
"Why did you leave me there alone, Lore?!" he spat me angrily. Nang makalapit nang tuluyan at nakita akong umiiyak ay umamo ang kaniyang mukha pero may galit pa rin sa kaniyang mga mata.
Tiningnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa nanlalabo ang mga ito sa luha.
"Umalis ka na Adrian, please" I almost begged him.
"No. Ano bang problema? Something happened?" he asked worriedly.
"Just go! I don't want to see you ever again. Not even a glimpse" bitterness was clear in my voice as I shouted at him.
"Hindi ako aalis dito. Not until you tell me what the fuck is wrong with you?!" he asked responding to what I've said. Nadudurog ang puso ko sa mga tanong niya.
"Alam na niya ang tungkol sa atin so please leave me alone Adrian. I want to be alone" I pleaded.
"Bumalik na tayo sa totoong mundo Adrian. 'Yong ikaw at si Rhia tapos ako naman babalik sa sarili ko, 'yong wala ka sa buhay ko. Itigil na natin ang kabihangang ito. Nakakasakit na tayo ng mga tao at higit sa lahat sa kapatid ko." mahabang kong litanya.
"Totoong mundo? Kahibangan? What the fuck are you talking about? Hindi ba totoo ang mga nangyari sa atin?" tanong niya tila ba hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Please just go!" mataas na ang boses na pagkakabigkas ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ano ba Adrian? Nasasakal ako!" pagpupumiglas ko.
"Hindi, Lore. Please 'wag ganito. We can fix this together but not in this way. Ipaglaban mo naman ako." punong puno ng pagsusumamo ang boses niya.
"Mahal ka ng kapatid ko at wala akong laban doon dahil mahal mo rin siya"
"Oo mahal ko siya" saad niya na siyang nagpaguho sa mundo ko. "Mahal ko siya noon bago kita makilala. Ikaw na ang mahal ko. And I love you more than anything else. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba basta mahal kita at wala ng iba pa" he told me.
"Bakit di na lang natin tanggapin Adrian na sa simula't sapol pansamantala lang ang lahat ng ito. Magpapakasal ka na"
"Hindi pansamantala ang mga ito para sa akin Lore. You are my everything and I'll be forever smitten to you. Kung kailangan kong kausapin si Rhia para rito, gagawin ko basta't manatili ka lamang sakin" pagmamakaawa niya.
Mas lalong tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.
"Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin Adrian. Sinaktan na natin siya. Nasaktan na siya kaya 'wag na nating dagdagan pa" saad ko. Pinilit kong alisin ang mga kamay niya na nakayakap sa akin.
Tiningnan ko siya sa mata at pilit na ngumiti sa kaniya.
"Umalis ka na Adrian" I said and leave him dumbfoundead.
Pagkasara ng pinto ay napasandal ako sa likod ng pintuan. Tahimik na umiiyak. Nalulungkot. Na matapos ang masayang mga alaala kasama siya ay magtatapos sa ganito.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Dragoste"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope