Kabanata 20

631 15 0
                                    

Tiningnan ko ang relo na suot ko. Hatinggabi na nang makarating kami sa villa. Bumaba ako sa van and to my surprise, nandito at hinihintay kami ng isang taong di ko kailanman makakalimutan sa tanang ng buhay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked Adrian. There's a cold and intense aura radiating in him. His stares were like daggers.

"We need to talk" even his voice were cold screaming power. He looked furious for unknown reason which makes me feel chills down to my spine. Nawala ang kagustuhan kong matulog matapos ang mahabang paglalakbay.

Tumingin ako sa mga anak kong buhat nina Justin at ni yaya Gina. Sumunod naman ang tingin ni Adrian sa mga ito.

May kung anong emosyon na dumaan sa kaniyang mga mata matapos makita ang kambal.

"Sige na Lore. Kami na ang bahala sa mga bata" bulong ni Justin sa akin. Pansin kong kumuyom ang mga kamao ni Adrian.

"Sige"

I looked at Adrian and saw his cold stares at us. Naglakad ako sa may pool at sumunod naman siya sa akin.

"Adrian-" pagsisimula ko agad siyang sumabat sa akin ng mapag-isa kami.

"Paano mo nagawang ilihim sa akin ang lahat ng ito Lore?" matigas ang boses na tanong niya.

Akala ko noon kaya kong sabihin sa kaniya di na ako kakabahan. Na okay lang magtapat sa kaniya na hindi ako nasasaktan. But I'm wrong. Definitely wrong. Dahil ngayon pagkakita ko pa lang sa kaniya, para na akong tatakasan ng ulirat.

And I don't know but I felt something very very weird inside me, something making me nervous.

"Ayoko na ng gulo Adrian. Kasal ka na sa kapatid ko at ayaw kong dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya 'pag nalaman niyang nagkaanak tayo" saad ko. I concluded his already married to my sister.

"Kasal? Bakit 'yan ba ang sinabi ng lalakeng kasa-kasama mo ngayon?" tanong niya. Malamig ang kaniyang boses at may diin ang bawat salitang ibinibigkas niya.

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya buti na lang at medyo madilim sa parteng ito kung asan kami dahil may hindi masyadong maliwanag ang lamp post na naroon.

"No. But it doesn't matter anyway" I said biting my lips to stop myself saying more embarrassing words.

Naglakad siya palapit sa akin. I moved backwards because of his sudden move until he hold me and let me sit in the sun lounger.

Nagulat ako dahil sa ginawa niya. My eyes got wider when he leaned to me closer making me gulped in nervousness.

"Well, it does matter to me" he whispered in my ear. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil do'n. And I could butterflies fluttering in my stomach.

Oh gosh!

Napahinga ako ng maluwag ng lumayo siya sa akin ng konti.

"Magpahinga ka na. But we're not done talking yet. We have lots of things to talk about" he said with so much authority in his voice.

"O-okay" nautal ko pang sambit.

Tumayo ako mula pagkakaupo. Tumalikod ako sa kaniya at naglakad papasok pero natigil nang magsalita ulit siya.

"And I want to meet them too" he almost whispered and I could hear how his voice cracked.

"S-sige"

Nagmamadali akong pumasok sa loob na hindi na siya tinatapunan ng tingin pero no'ng nakapasok na ako ay sinilip ko siya. Nakita kong paalis na siya habang hawak ng isang kamay niya ang sentido niya.

Hiram na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon