Hinihingal siyang tumabi sa akin matapos ang mainit na pagtatagpo. Hinawakan niya ang ulo ko saka nilagay sa kaniyang braso at ginawang unan. Pagod ako. Pero hindi nakatakas sa aking isipan na may nangyari ulit sa amin.
Huminga ako ng malalim. Inayos niya ang kumot na tumatabon sa hubad naming mga katawan. He kissed me on my forehead when he's done.
"We're going to Zambales after this" he said. His lips were still on my forehead. I looked at him asking silently.
"She's going abroad tommorow" he simply said. I now understand. It's like we're escaping. Cheating escapades.
Tumango ako. Ayaw ko ng makipag-argumento. Huli na 'to.
Nasa biyahe kami ng magring ang phone ko. I looked at it.
Keith.
I answered his call. Tumingin lang sa akin si Adrian na nagmamaneho.
"The hell Lore! Ano 'tong nalaman ko na kasama mo si kuya ngayon?" inilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
"You told him?" I asked Adrian showing him my cellphone.
"Yes" he simply said and nodded. Diretso ang tingin sa kalsada.
"Oo" nanghihina kong sagot.
"I hope you know what you are doing Lore" saad niya sa kabilang linya. Marami pa siyang sinabi hanggang sa pinatay niya ang tawag.
Kailangan pa naming sumakay ng bangka para makarating sa sinasabing isla ni Adrian.
Habang lulan kami ng bangka ay tumitingin ako sa tubig dagat. Napakalinaw nito na nakikita ko na ang mga coral reefs sa ibaba. Ang daming isdang lumalangoy. Iba iba ang klase. Iba ibang kulay.
Tuwang tuwa kong tinuro kay Adrian ang mga nagkukumpulang isda. Ngumiti lang siya sa akin.
Medyo may kalayuan ang isla na tinutukoy niya. Labinlimang minuto bago namin marating iyon. Iginala ko ang mga mata ko ng makarating kami. Napakaganda. Kulay asul na karagatan. Puting puti na mga buhangin na akala ko sa Boracay kulang makikita. Napakapino ng mga ito.
Malawak ang isla. May mga recreational activities akong nakita sa may bandang kanan ko. Sa harapan ko, nakatayo ang isang hotel resort. May mga turista akong nakikitang naglalakad sa dalampasigan.
May lumapit sa amin na di ko kilala at kinausap si Adrian.
"Buti naman at nakabisita ka ulit dito" saad nito saka yinakap sa panlalakeng paraan.
"Yeah" maikli niyang sagot.
Tumaas ang kilay ko ng lumipat ang tingin ng lalake sa akin. Napanganga ito ng makita ako.
"And this beautiful lady is...?" tanong niya habang palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Adrian.Hinawakan naman ako sa baywang ni Adrian. Sus! Selos lang 'to eh
"Lorelie, my girlfriend" he said in an unfriendly look.
Girlfriend. Napakasarap sa pandinig. Tila musika sa aking tenga.
"Woah, easy pare." saad niya habang nakataas ang kamay kay Adrian. "Justin" pakilala nito sa akin saka inilahad ang kaniyang kamay na agad namang binaba ni Adrian.
"Dude, nagpapakilala lang" saad niya kay Adrian na matalim lang ang titig sa kaniya.
"Kung hindi man pansin, I'm he's best buddy" Justin whispered to me like a secret na ayaw iparinig sa iba. Then he run away.
"Justin, you bastard! Come back here!" Adrian shouted making people near the shore looked at us. Tatawa-tawa ako sa kanilang dalawa. Never thought he has a bestfriend. Lumipat ang tingin sa akin ni Adrian.
Matalim akong tinitigan.
"What?" I asked cockily.
"You liked him? Akin ka. So stop flirting with him" he frowned. Mas lalo akong napatawa.
"Stop it. It's cocky" I said chuckling.
"Damn woman. Answer me." he demanded. I reached his lips and kissed his lips to stop him from whining. He's smiling widely when I pulled away.
"Yeah. You said you love me" he said smirking. Namula naman ako.
I pulled him towards the hotel. Sinalubong kami ng mga crew para sabihing ang room namin. Maybe nakapagbook na si Adrian before we came here.
Iisa lang ang kama sa room na kinuha ni Adrian. Iginala ko ang mata ko, hindi man kasing lawak sa inaasahan ko, napakaganda naman ng design. Every part of the room was properly attended.Lumabas ako sa balkonahe. Kitang kita ang asul na dagat mula sa kinatatayuan ko.
Naramdaman ko na pumulupot ang mga kamay ni Adrian sa baywang ko. Nakatayo siya sa may likuran ko. I hold his hand. Leaning my back on his body like it's my only support to carry on.
Sana hindi ito magwakas pero alam ko isang araw, kailangan ko ng magparaya.Tahimik akong tumitingin sa paligid habang nagsasaya sa pakiramdam na kasama at kayakap siya.
Nang medyo dumidilim na ay inaya niya ako sa loob para sa hapunan. Pumunta kami sa restaurant ng resort na ito.
Napag-alaman ko kay Adrian na pag-aari ng islang ito ni Justin na ginawang pasyalan dahil sa ganda ng tanawin kaya siya nagpatayo ng resort dito.
Nagsilingunan ang mga babaeng nasa isang table ng pumasok kami sa restuarant. Pakiramdam ko hindi ako kasama ni Adrian kung makatingin sila sa kaniya na para bang lalapain na nila ito.
Dumiretso kami sa pandalawang upuan malapit lang sa kanila. Pinaghila ako ni Adrian ng upuan dahilan upang umiwas ang kanilang mga tingin.
Serves your right bitches. Napangisi ako sa isipan.
May lumapit sa aming isang waiter at tinanong kong anong order namin. Tiningnan ko ang menu na nakalapag sa mesa. Karamihan sa mga nakalagay doon ay puro mga seafoods at iilan lang ang nakita kong ibang recipe.
I ordered maple bacon salmon and oyster rocketfeller while Adrian ordered salmon steak and crab bisque.
Umorder na rin ako ng dalawang espesyal halo-halo nila.
"Add two glasses of water please. Thank you" I added.
"Anything else ma'am, sir?" she asked politely. Umiling ako.
"No. That's all" I said. Matapos umalis ang waiter ay kinuha ni Adrian ang kaliwang kamay ko. Bumaling ako sa kaniya siya. Seryoso siya sa harap ko habang tinititigan ako.
Kumportable ako kasama siya kahit tahimik lang siya. Doon ko kasi napapansin ang iba pang mga bagay tungkol sa kaniya.
Mayamaya pa ay dumating na ang mga order namin.
"Thank you" wika ko sa waiter.
Matapos kaming kumain ay siya na ang nagbayad sa bill namin. Madilim na ang gabi nang lumabas kami. May iilan kaming turistang nakasalubong habang pabalik sa room namin.
Naupo ako sa may balkonahe. Tinititigan ang mga mga bituin sa kalangitan habang nasa likuran ko siya nakayakap sa akin.
"Ilang araw tayo dito?" tanong ko. Ayaw ko mang pag-usapan ang tungkol dito ay alam kong at the end of this, lalayo na ako sa kaniya.
"Five days" he said nestling his nose on my neck. I smiled bitterly.
"Okay so what are your plans for tomorrow then?" pinasigla ko ang boses ko saka umikot ng konti para tingnan siya.
"Ikaw kung anong gusto mo" he said and kissed me on my lips.
Under the moon and stars witnessing us, I kissed him back.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope