"Pumasok ka na" masuyo niyang saad siya sa akin. Nasa condo unit kami ng kapatid ko at inihatid niya ako dito.
"Sige. Ingat ka sa pagmamaneho" wika ko. Hinalikan niya ako sa labi. Masuyo. Matamis. I kissed him back. This is where it ends. Bumitaw ako sa halik saka tinitigan siya sa mata.
Umalis na siya at wala na sa paningin ko pero nakatayo pa rin ako sa labas ng condo ni Rhia. Makalipas ang ilang minuto ay kumatok na ako. Bumukas ito at tumambad sa akin ang nakangiting kapatid ko.
"How's your trip Lore?" she asked.
"Ayos naman. 'Yong problema sa company naayos na ba?" kahit alam ko naman ang sagot ay tinanong ko pa rin.
"Ah yes." she simply said.
Ang dami naming pinag-usapan. Nagtanong siya ng kung ano-ano at sumasagot naman ako pero iniiwasan ko ang tungkol kay Adrian. Wala naman ata siyang napapansin kaya kuwento rin siya ng kuwento sa akin.
Nang makauwi ako sa sarili kong condo ay agad akong nagbabad sa bathtub. Pagod ako pisikal at emosyonal. Nagmumuni-muni ako. Bakit ko pa pinalampas na mahulog ang loob ko sa kaniya.
Tears fall on my eyes. Isa isa hanggang sa di ko mapigilan ang pagtulo nito. Napahikbi ako. Umibig ka na nga lang sa pag-aari pa ng kapatid mo, Lore.
Hindi ko masisi si Rhia dahil ako rin naman ang pumayag sa kagustuhan niya. Kung hindi ako pumayag sa kagustuhan niya di rin sana ako nagkakaganito. Hindi sana nahulog ang loob ko sa kaniya at hindi sana ako umiiyak ngayon dito.
Tumayo ako para magbanlaw. Muntik pa akong madulas dahil sa sariling kagagawan. Sumalang ako sa shower at pinatulo ang tubig doon.
Hinayaan ko ang sarili kong malugmok sa kalungkutan ngayon. But tommorow back to my real self, the old Lore.
Isang linggo na ang lumipas mula noong bumalik ako galing Ilocos. Busy ako sa ospital kaya kahit papaano ay hindi ko masyadong naiisip ang mga pangyayari.
"Doktora kailangan po kayo sa ICU" saad ng isang nurse na nagmamadaling lumapit sa akin.
Agad akong kumilos saka siya sinundan ng lakad. Nag-aagaw buhay ang pasyente na naroon kaya agad akong lumapit. May mga nurse na nakabantay doon kasama ang isang katulad kong doctor.
Inihahanda na ang makina para dito.
"1... 2... 3 clear"
Dalawang beses nilapat ang makina sa katawan ng pasyente bago ito nagkaroon ng pulso. Nakahinga ako ng maluwag.
"Regularly check his vitals and if something happened, report to me immediately" I told to the nurse, the one who called me.
"Yes doc" she simply said and nodded. I walked passed her and visited my patients.
"Doc ganda kailan po ako pwedeng umuwi?" ngumiti ako sa tanong ng batang pasyente ko.
"Soon baby, when you're okay" malumanay kong sagot sa tanong niya.
"Kailan po? I hate here. Buti na lang po meron po kayo na maganda kong doctor" napatawa ako sa inosenteng sinabi niya.
"You have to eat first your food so that you'll become stronger and then you'll go home once you're healed, okay?" tumango ako sa nagbabantay sa kaniya na agad namang tumalima. Pinapakain kasi ito pero ayaw kaya buti na lang napadaan ako.
Nang naubos na nito ang pagkain niya ay saka ako nagpaalam na aalis muna. He's suffering from ulcer. Batang bata pero may ulcer na. Mahilig sa junk foods pero ayaw namang kumain ng masusustansyang pagkain. Napailing ako dahil sa sitwasyon nito.
"Bye doc Ganda, balik po ulit kayo ah?" magiliw na wika nito na siyang nagpatango sa akin. Tuwang tuwa naman ito dahil sa sagot ko.
Matapos dalawin lahat ng pasyente ko ay napagpasiyahan kong bumalik sa opisina ko. Saktong pagkaupo ko ng mag-ring ang cellphone na nakapatong sa lamesa.
Rhia...
Her name was plastered on the screen. I swipe the accept button. Binungad ako nito ng masayang tono. Binati niya ako. Mayamaya pa ay tumungtong na siya sa totoong sadya kung bakit siya tumawag.
"Lore, go home just this once. You've been busy all day in the hospital. I miss you" litanya nito sa kabilang linya. Mukha itong nagdradrama na madalas niyang gawin kapag may gusto siyang gawin para rito.
Napatawa ako dahil sa inasal niya. "Okay fine"
"We'll be having dinner with Adrian" tuloy nito na siyang nagpapawi sa ngiti ko. Tumikhim ako saka sinabing darating ako para sa dinner.
Nanghihina akong sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko matapos ang tawag ni Rhia sa akin. Napabuntong-hininga ako. Nakaramdam ng kalungkutan sa kaibuturan ng aking puso. I guessed this is it. Time to meet him again. Not as Rhialynne Faith but as Lorelie Hope.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope