Kabanata 18

574 15 0
                                    

I want a peaceful life away from the trouble I've created. Umalis ako sa amin at nagpakalayo layo. Guess what, sa Zambales ako nagtungo. How ironic isn't?

Justin, Adrian's best buddy, was the one who help me. He let me stay in one of his villa in Subic Bay.

I told him every detail about what happened to Adrian and me. Hindi siya makapaniwala sa una but he promised me he won't tell Adrian about me being here.

Hindi rin alam ni Keith na narito ako though alam kung pinaghahanap na ako no'n. Walang nakakaalam kung na saan ako, pati magulang dahil wala akong sinabihan kahit ni isa bukod kay Justin.

"They've been looking for you. Wala ka ba talagang balak sabihin sa kanila kung asan ka?" minsang natanong sa akin ni Justin na sinuklian ko lang ng ngiti.

3 years...

3 years have already passed.

Wala ako naging komunikasyon sa kanila. Ni balita tungkol sa kanila ayaw ko ng marinig. Hindi rin ako nagtanong kung ano na ba ang nangyari kay Justin. Kung natuloy ba ang kasal o hindi. I didn't ask any question regarding to them. At hindi rin naman ipinilit ni Justin na sabihin ang kung anong balita mula sa kanila.

Namuhay akong payapa sa lugar na ito kasama ang mga anak kong kambal na babae at lalake. Isinilang ko na sila dito sa Zambales. Magtatatlong taon na sila nitong darating na linggo and Justin were preparing a birthday party for the both of them at kahit na sinabi kong simple lang dapat ay siya pa rin ang nasunod, mas gusto daw niya ng bongga para sa mga inaanak.

He's been staying here a lot in Zambales. At miminsan na lang umuwi sa Manila sa kanila. And he's been spoilding my babies a lot.

Hazel Dean Villanueva and Clive Dylan Villanueva, my twins. Right, I used my own surname.Dean looked just like me while Dylan looked like a younger version of Adrian. Unang tingin mo pa lang sa kaniya, alam mo na kung sino ang ama.

"He's looking for you, Lore" sambit ng boses sa may likuran ko. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.

"And why is that?" I asked.

"I thought you don't want to know?" saad niya habang nakangisi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"And I thought you promise not to bring it up? Anything that is related to them" sinabi ko pabalik sa kaniya. Napatawa naman siya.

"Fine, you win again. Pero di mo ba talaga gustong sabihin sa kaniya?" ulit niyang tanong. I was about to answer when my kids called me to join them in the pool.

Sa mga nagdaang taon, natutunan kong tanggapin ang lahat. Nakayanan kong labanan ang lahat ng pasakit, ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. At kuntento na ako sa meron ako. Kuntento na ako sa piling ng mga anak ko.

"Mommy can you please give me my duck" Dean asked me politely. Sa murang edad, they can already speak fluently. I must say, they are smart, talented and good looking kids.

Iniabot ko sa kaniya ang laruan niyang dilaw na pato.

"Here baby. Be careful okay"

"Mommy I want to go with Papa Justin" malalaki ang matang napatingin ako kay Dylan dahil sa request niya.

"Baby hindi pwede, your papa is going to work there. It's not good for you to go with him. And you're too young baby. No going with you papa" matigas kong saad. May pinalidad sa boses ko.

For god's sake, aatakihin ata ako sa puso sa mga pinagsasasabi nitong anak ko.

"But mommy I want to go and I'm not a baby anymore, I'm a big boy now" he said pleading with his hands on action.

"Yeah me too mommy..." nagulat ako nang makisali rin si Dean sa kapatid. Nanlaki ang mata ko.

"Sige na payagan mo na sila. Kasama naman nila ako" pinanlakihan ko ng mata si Justin dahil sa pag-aayon sa mga anak ko.

"Please mommy..."

"Please" they are pleading to me and I can't do nothing about it. They are just so adorable doing that.

"Okay fine" agad naman silang nagbunyi dahil sa pagsang-ayon ko. "But I'll go with you" mas lalo silang natuwa sa sinabi ko. Nag-apir pa sila na magkapatid.

"Are you sure? Sa Manila ang punta natin baka nakakalimutan mo" tanong niya naninigurado sa magiging sagot ko.

"It's okay. Malawak ang Manila so okay lang. Di naman siguro kami magkikita kita di ba? And besides I want to go with them too" saad ko. I assured him na magiging okay lang ako kahit di siya mukhang kumbinsido sa mga sinabi ko.

"You can just stay with the kids here. Kakausapin ko na lang sila" he said softly.

"No. No. No. No. It's okay. Really. Okay lang talaga Justin" saad ko. Umiling iling pa ako para makita niyang okay lang talaga sa akin.

"Okay then. Kids we're going to Manila" wika ni Justin saka humarap sa mga bata. Nagtatatalon naman sa tuwa sina Dean at Dylan dahil sa sinabi ng kanilang papa.

"Yaya pakidamitan mo na ang mga bata. Baka magkasakit pa sila" I requested. Kanina pa kasi naliligo sa pool ang mga bata.

"Opo ma'am. Dean. Dylan. Tara na" pag-aaya niya sa mga anak ko.

"Are you really sure about that Lore?" he asked again mukhang hindi pa rin kumbinsido.

Umupo ako sa sun lounger. Sumunod naman siya.

"Okay lang talaga, Justin. Besides matagal na 'yon, I've already move on" paninigurado ko sa kaniya.

Tinitigan niya lang ako. Naninimbang kong totoo ang mga sinabi ko. I laughed at him.

"Don't stare me like that Justin. You look funny. Tsaka wala ka bang tiwala sa akin?"

"Fine. May tiwala ako sa 'yo" he gave up.

Umalis na siya dahil may aasikasuhin pa siya samantalang nanatili naman ako doon na nakahiga sa sun lounger. Nagbabad ako sa ilalim ng maulap ngunit mainit na panahon.I watched the disappearance of the sun below the horizon. Nakakamanghang tingnan ang mga likha na ito. It makes me appreciate the beauty of life more.

Tumayo ako at nagpasyang pumasok na sa loob dahil pagabi na rin. Nakita ko sa may living room ang mga anak ko na nanunood kasama ang yaya nila ng Oggy and the Cockroaches na madalas nilang pinapanuod sa TV. Magkatabing nakaupo sina Dean at Dylan sa couch habang may hawak na pagkain sa kanilang mga hita. Samantala, nakaupo naman sa carpeted floor ang yaya nila habang may hawak din na pagkain. They are all focused on what they were doing.

A smile suddenly crept on my lips because of the sweetness of my twins. Malapit talaga sila sa isa't isa. They always support and protect each other.

Just like us before.

Rhia and me.

Hiram na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon