"You're the most beautiful bride I've ever seen Lore" napatingin ako kay Justin mula sa kaharap na salamin. Nakasuot ito ng asul na polo na kaparehas ng suot ni Rhia na bestida. Napakagwapo nito sa paningin.
"Of course, she is." sabat naman ni Rhia na kanina pa nakamasid sa amin.
"But you're the most beautiful girl I've ever seen Rhia." biglang wika ni Justin na kung may iniinom lang ang kapatid ko'y alam kong kanina pa nasamid.
"Seriously Justin? This is my day... you shouldn't ruin it. You should atleast support me" matabang saad ko.
"I did already. But Rhia is more-"
"Justin!" pampuputol ni Rhia na siyang nagpataas ng mga kamay ni Justin na parang hinuhuli siya ng mga pulis.
Napangisi ako dahil sa mga gawi nila. Natawa ako sa ginawang pagsuko ni Justin sa bangayan nila ni Rhia. If I know...
Natigil lang sila sa pagbabangayan ng bumukas ulit ang pinto ng dressing room at iniluwa iyon ng magkapatid na Mondragon kasama si Drave. Agad akong tumayo at lumapit kina Keith at Drave saka sila mahigpit na niyakap.
Noong nagtungo kami sa Ilocos ulit ay wala siya doon dahil nasa ibang bansa daw ito at ngayon lang ulit darating sa bansa dahil sa kasal.
"Omy gosh! I miss the both of you" saad ko habang yakap yakap sila. Nakita kong nakangisi si Keith na tumingin kay Adrian gayundin si Drave.
"Easy Lore. Magugusot damit namin pati na rin 'yong sayo."Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at nakangiting tumingin sa kanilang dalawa.
"Babe, you still have time. You can marry me instead just drop him." wika ni Drave saka binulong ang huling sinabi. Napatawa ako dahil sa kalokohan niya.
Narinig kong tumikhim si Adrian kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya habang tagos kung makatingin sa pinsan niya.
"May oras din para ipatapon kita sa Ilocos" matigas ang saad nito sa pinsan na siyang nagpamutla dito.
"He's still scary! Jeez! I'm having a goosebump babe." bulong bulong nito sa akin.Kahit tumanda man ito ng tatlong taon, he's still the teenage boy I saved in Vigan.
"Baby I'm jealous. Mas inuna mo pa sila kesa sa akin." paglalambing ni Adrian sa akin. Nakarinig naman ako ng mga aktong nagsusuka.
"Gross!"
"Yuck!"
"I swear I won't be like him, Rhia"
Sabay sabay na saad ng mga kalalakihan sa loob ng kuwarto.
"Pag kayo nakahanap din ng mamahalin niyo, mas sobra pa ang gagawin ko sa inyo. Tandaan niyo 'yan" matigas na boses ni Adrian na siyang nagpailing sa aming magkapatid.
"Never!" sabay sabay ulit nilang sinabi.
Natigil lang sila sa pagbabangayan ng pumasok ang kambal kasunod nila sina mommy.
"Look! Look, mommy. Am I as beautiful as you?" bungad na tanong ni Dean na sinundan naman ni Dylan.
"Me too mommy daddy. Am I handsome like daddy?"
"Of course my babies. You're beautiful Dean and also Dylan, you're handsome as your daddy." nakangiting saad ko. Tumingin ako kay Adrian na matamang nakatingin sa amin. Alam kong kahit di niya sabihin ang nararamdaman niya ay masaya siya sa kaloob looban niya.
"Tara muna sa labas mga babies." saad ni Rhia kasunod ang mga tao sa room hanggang sa kami na lang ni Adrian ang natira.
"You're beautiful Lore and you're mine. Only mine." masuyong saad niya habang hawak ang pisngi ko. Pinatakan niya ako ng halik sa labi. Nanunuyo.
"I'm yours and you're mine too." I said lovingly.
"I love you"
"I love you more"
--
Kabado ako habang hinihintay ang senyas ng wedding coordinator. Nang makita nag hudyat na pwede na akong pumasok ay dahan dahan akong naglakad sa mahabang pasilyo ng simbahan. Kasabay ng pinili naming tugtugin ay siyang unti unting pagpatak ng aking mga luha.
Sa dulo ng nilalakaran ko, nandoon at naghihintay ang aking minamahal... matamang nakatingin sa akin habang ako'y hinihintay.
My heart is filled with joy. Di ko lubos akalain na darating ang araw na tuluyan ko na siyang makakasama ng panghabang buhay. Sa kabila ng mga sakit at pagsubok na aming pinagdaanan ay nagawa pa rin namin itong lampasan at makarating sa puntong ito ng aming buhay.
Nakangiti akong bumaling sa kaniya nang ibigay ni daddy ang kamay ko sa mga kamay niya.
"Alagaan mo ang isang prinsesa namin Adrian"
"I will dad."
Sabay kaming tumuntong sa harap ng pari at sa harapng Diyos. Ilan pang seremonyas ang dumaan nang palitan na ng vows sa pagitan naming dalawa.
"No words can possibly express the vow that I give to you now - it is an ineffable part of myself that I place in your care as we join together. Nagsimula man tayo sa maling paraan but here I am in front of you,in front of your family, to my family and to our friends, in everyone's eyes, promising that my love for you will be an ever flowing spring, never dinished and always sweet and life-giving." ang kaninang di maawat awat na pag-iyak ko ay nagtuloy tuloy dahil sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
"... I promise to love you, to be your heart, to keep a flame alive for you in my heart." pagpapatuloy niya. Pansin kong medyo mamula mula na ang kaniyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha na nais kumawala sa kaniyang mga misteryoso at may intensidad niyang mga mata.
"They say love is a many splendored thing, constantly changing and evolving. My love for you will be ever changing like a chimera and ever growing like a verdant valley. From this day forward, let us build a home together with our children filled with love, laughter, joy and light, when two become one we create a family, built on love. I love you Lorelie Hope Villanueva-Mondragon."
Hindi ko na mapigilang siilin siya ng halik sa kabila ng di pa natatapos na seremonya. Patuloy sa pag-agos ng mga luha ko. Kumawala siya sa mga halik ko saka pinunasan ang mga luha ko.
"I love you too Mr. Mondragon." masuyong saad ko bago ko muling maramdaman ang mga labi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope