"She called off the wedding"
Nalunod ako sa malalim na pag-iisip dahil sa sinabi ni Adrian. How come? Why did she called off the meeting? As far as I can remember, she clearly said to me that she loved him. What happened?
"Mommy who's that?" I was snapped out in my thoughts when Dylan asked me.
Kasama ko si Adrian at nakasunod siya sa akin dahil gusto niyang makilala ang mga bata. Akala ko noon mahihirapan pa akong kumbinsihin siya na may anak kaming dalawa pero heto at siya pa ang unang gustong makakilala sa mga anak ko.
"Mr. you came" magiliw namang saad ni Dean nang makita sa likuran ko si Adrian. Dylan took a glance then back to his book.
Hindi ko alam kung paano magsisimula. Kinakabahan din ako sa magiging reaction ng mga bata.
"Ah Dylan, Dean... about your daddy-" naagaw ko ang atensyon nilang dalawa dahil sa sinabi ko.
"Is daddy here, mommy?" Dean cut my words. Her eyes immediately flew to the man at my back.
"Ahh-"
"Daddy!" di ko na nasabi ang gusto kong sabihin dahil agad ng tumakbo si Dean kay Adrian na sinuklian naman ng ama. Nakita kong medyo maluha luha na rin si Adrian.
"I can't believe it daddy" yakap yakap pa rin ni Adrian si Dean.
Tumingin ako kay Dylan. Sumisinghot siya pero di pinapahalatang umiiyak dahil sa nangyayari.
"Dylan..." agad tumakbo ang anak kong lalake sa ama. "Daddy..." kung kanina na ay kino control niya ang pag-iyak ngayon ay hindi na. He's punching his father's shoulder.
"I thought you don't want us anymore daddy. You never visited us" pagtatampo niya sa ama. Umiiyak na ako dahil sa senario. Nakita kong nagpupunas na rin ng luha si yaya Gina dahil sa nakikita.
"I thought you don't love us. You're never there in our birthdays"
"I'm sorry babies. I'm sorry. Daddy's here already. I'm sorry I took so long" Adrian whispered to the twins. Humigpit ang yakap niya sa dalawa. He looked at me with teary eyes.
I looked away. Pinipigilan kong humagulhol at lumikha ng ingay para di maantala ang moment nilang mag-aama.
Matagal ko ng alam na gustong gusto ng mga bata na makita ang kanilang ama. Kahit di nila sabihin sa akin, alam kong nangungulila sila sa pagmamahal ng isang ama.
I'm so selfish!
Kung hindi ko ba nilayo ang mga anak, hindi mangyayari ang nakakaiyak na pangyayaring 'to? Kung ipinaglaban ko ba siya noon, di kami magkakaganito? Kung hindi ba ako nagpakalayo layo at intinuloy namin ni Adrian ang relasyon namin... There's so many what if...
Halos isang oras na rin silang nag-iiyakang mag-aama. At wala akong ibang ginawa kundi tingnan lang sila. Ayaw ko silang abalahin.
Ilang pang sandali ay nakatulog na sila sa bisig ni Adrian. Kalong kalong niya si Dean samantalang si Dylan naman ay ginawang unan ang kandungan ni Adrian.
Samantala, hinahaplos naman ni Adrian ang buhok ng mga bata. Nakangiti habang tinitingnan ang mga ito. I can't help but to smile. This is the perfect image I've been longing. I've been dreaming all the time. A complete family with him.
Hindi ko maiwasang kunan sila ng litrato. Napakagandang tingnan. Animo'y isa talagang kompleto at masayang pamilya.
Iniwan ko sila sa sala at pumunta sa kusina. Tumulong ako kay yaya Gina sa paggawa ng meryenda. Tahimik lang ako ng magsalita siya habang pinagtutuonan ng pansin ang ginagawang sandwich.
"Ma'am ang gwapo pala ng tatay ng mga alaga ko. Akalain mo 'yon ma'am, nakikita ko lang siya sa mga magazine ng pinsan ko at talaga namang saksakan ng gwapo pero ang makita siya sa personal sheyt ma'am, ang yummy ho pala talaga. Manang mana kay Dylan. Kamukhang kamukha" yaya Gina said. Nakatingin pa siya sa itaas ng kisame habang hawak ang pang ibabang bibig.
"Hay naku Gina, tigil tigilan mo ako sa mga 'yan ha! lahat naman ng lalake dito sa villa pinagpapantasyahan mo" saad ko. Naiiling sa mga pagpapantasya niya.
"Sus ito namang si ma'am oh, selos ka lang kasi" saka niya ako tinawanan.
"Hay nahihibang ka na Gina. Ipagpatuloy mo na nga 'yang ginagawa mo. I'll just see them" saad ko habang naghuhugas ng kamay sa lababo.
"Sus ma'am di pa kasi aminin. Pero ma'am hindi naman sa nakikialam ako pero bakit ho nga pala kayo di magkasama ni sir Pogi? At bakit ngayon lang niya alam na may anak pala kayo sa kaniya?" tanong niya. Nakakunot ang noo habang nakabaling sa akin at naghihintay sa magiging sagot ko.
Natigil ako sa pagpupunas sa kamay ko. I smiled at her but I know it didn't reach my eyes. Hilaw ang mga ngiti ko.
"Marahil minsan mas mabuti na lang na sumuko at bitawan ang taong mahal mo para di ka na makasakit sa iba pang tao. Para hindi ka kamuhian lalo ng mga minamahal mo sa buhay at itinuring mong mahalaga sa iyo." makahulugan kong sinabi. Napatanga lang siya sa akin.
"Ang haba ng hugot ma'am. Feeling ko tuloy ang lalim ng pinagdaanan niyong dalawa ni sir Pogi. Pero ma'am bagay na bagay ho kayo. Kailan di kaya ako magkakaroon ng kasing gwapo ni Sir?" bungisngis niya. Napapahagikhik pa siya sa mga sinabi.
Natawa ako sa reaksyon niya.
"Sige Gina ilabas mo na lang 'yan mamaya 'pag natapos muna" pagpaalam ko sa kaniya.
Lumabas ako sa kusina at dumeritso sa sala. Naabutan ko siyang dahang dahang inaalis ang ulo ni Dylan sa hita niya kaya lumapit ako para tumulong sa kaniya.
"Adrian ako na..."
Binuhat ko si Dylan at naglakad palapit sa kanilang kuwarto. Sumunod naman siya sa akin habang buhat din si Dean.
Inihiga ko siya sa kaniyang kama at kinumutan gano'n din ang ginawa ko kay Dean matapos itong ihiga ni Adrian. Nangingiti ako habang pinagmamasdan sila. Para silang anghel na bumaba sa lupa.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay ni Adrian na yumakap sa bewang ko. Humilig ako sa kaniyang katawan habang pinagsisiklop ko ang aming mga kamay. I was leaning on him like my life depends on him.
"I know sorry isn't enough to forgive me. Hindi rin sapat iyon para punan ang mga panahong ipinagkait ko sa inyo ng mga bata" I said. May bumabara sa lalamunan ko dahilan upang pumiyok ako sa pagsasalita.
"Shhh! I'm at fault too. May kasalanan tayong dalawa kaya 'wag mong isisi sa sarili mo lahat ng pangyayari na ito. Let's just keep this as a lesson for the both of us." he said and held me tightly.
Tama siya. Aral ang nangyari sa amin tatlong taon na ang nakakalipas. Magsisilbi iyong pagsubok sa aming pareho.
"And I wanna marry you as soon as possible" he said making me shocked.
Kinalas ko ang yakap niya sa saka ko siya hinarap. I looked at him disbelief. Di ako makapaniwala sa mga sinabi. Oo, alam ko na di natuloy ang kasal nila ni Rhia pero itong sinabi niya...
"W-what?" my mouth was half open. "How about Rhia? Adrian, hindi ibig sabihin na may anak na tayo... pwede ko pa rin naman silang palakihin ng-" he shut me up using his lips.
"I love you and I intend to live with the rest of my life with you and our children. I wanna marry not because of them but because my heart belongs to you" masuyo niyang sinabi. My heart softened because of what he said. Nakakataba ng puso.
Bilang sagot, ako na ang humalik sa kaniya na siya namang malugod niyang tinanggap.
"I love you too Adrian" I said in between our kisses.
"And I wanna marry you and spend the my life with you" saad ko ng bumitaw kami sa isa't isa. Natigil siya at hinawakan ako sa pisngi.
Smile was written in his handsome face.
"Oh fuck! Yes!" para siyang nanalo sa lotto sa sobrang kagalakan.
"I love you" paulit ulit niya akong pinugpog ng halik na siyang nagpatawa sa akin.
I can't help but smile. Finally, this is the best thing happened in my life after three years without him.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope