"Bakit pa ba natin kailangan maghiwalay baby?" paulit ulit na tanong ni Adrian sa akin sa kabilang linya ng telepono.
"Adrian, it's for the tradition. Wala namang mawawala sa atin kung susubukan natin di ba?"
"Fuck! Who suggested it?" napatawa ako dahil sa pag-aalburoto niya.
"It's your mommy Adrian"
Di ko na mapigilang tawanan siya ng malakas ng sunod sunod na ang naging mura niya sa kabilang linya.
"Baby are you laughing at me?" di ko siya sinagot sa halip ay tinawanan ko pa siya ng malakas.
"Baby..." natigil ako sa pagtawa nang naging malambing ang kaniyang boses.
"I miss you..." saad nito na siyang kasabay ng pagpintig ng aking puso. "I miss your kiss... your touch..."
Nag-umpisang gumapang ang init sa aking katawan sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
"I miss everything about you"
"T-tama na Adrian" saad ko. Natitigagal sa kaniyang pinagsasabi.Siya naman ngayon ang tumawa.
"What? Don't you miss me too?" nanunudyong tanong niya.
"Oh shut up Adrian!" kahit di ko tingnan ang sarili ko ay alam kong pulang pula na ako dahil sa mga salitang namumutawi sa kaniyang bibig.
"I better hang up now. Parating na ang kapatid ko. I love you. Bye!"
"But..."
I ended the call. Sakto namang pagbukas ng pintuan ng kuwarto ko.
"Hey twinnie!" humalik sa aking pisngi si Rhia. Hawak niya ang kamay ko habnag hila hila niya ako papunta sa aking kama.
Tinitigan ko siya. Nakapagtatakang napaka hyper ata niya ngayon. Pansin ko ring iba ang kintab ng kutis niya ngayon.
"What happened to you?" takang tanong ko sa kaniya.
"Ha?! Meron ba? Wala ah"
"Wala daw eh para ka ngang tenedyer na pinansin ng 'yong crush sa lagay mo na 'yan eh" panunukso ko sa kaniya na mas lalong nagpapula sa kaniyang mukha.
"Shut up, Lore!"
Ilan pang sandali'y sumeryoso na ako sa usapan namin. Mula noong nagpunta sila sa Zambales ay doon lang ako nakahingi ng tawad sa kaniya ngunit gusto kong ngayon ay mas masinsinan ang pag-uusap namin bago ako tuluyang ikasal kay Adrian bukas.
"I'm happy that you're finally giving him chance." I opened up. Nagulat siya dahil sa sinabi ko kaya naman ay napatitig siya sa akin.
"What are you talking about, Lore?" ngumiti ulit ako sa kaniya.
"I know about you and Justin." sambit ko. "I'm sorry but I think you need to open your heart again after what happenen. You've been limiting yourself Rhia."
Alam kong nagmumukha akong katawa tawa dahil heto ako ngayon, inaalok ang kapatid kong magkaroon ng panibagong karelasyon sa kabila ng nangyari sa kanila ni Adrian and I'm the fucking reason why their relationship was wrecked.
Nakatulala lang sa akin si Rhia. Siguro, ilang beses na niya akong isinumpa dahil sa mga ginawa ko. But here she is, supporting our relationship with his ex fiance.
"Mahirap... Lore. Nahihirapan ako."
"I know and I'm sorry. I'm your sister but I'm the one who inflicted the pain in you first. Alam ko rin na mahirap ng magtiwala para sa 'yo dahil rin sa kasalanan ko. You can curse at me all day but I'm telling you he's genuine." nakaangiti kong saad. mAy bahid na rin ng luha ang aking mga mata katulad niya.
"L-Lore..."
"Alam ko Rhia na ako, kami ni Adrian ang dahilan kong bakit di mo magawang buksan ang puso mo sa iba. At kung paulit ulit na hihingi ako ng tawad ay gagawin ko mapatawad mo lang ako sa mga sakit na dinanas mo."
"Lore noon pa man ay pinatawad na kita dahil mahal kita... kapatid kita. Oo. Sinisisi kita noon kung bakit biglang naging ganoon ang pakikitungo sa akin ni Adrian but part of me were also blaming myself. Kung sana ay di kita sinabihang magpanggap na ako sa Ilocos at binigyan siya ng oras ay di sana mangyayari ang lahat ng ito. But I'm happy I did, dahil kung hindi di ka sana magiging masaya ngayon kapiling niya. Kung tutuusin ay napakalaki ang sakrispisyong nagawa mo para ilayo ang mga pamangkin ko sa kanilang ama dahil sa kahilingan ko na di ka na magpapakita kay Adrian and I'm very sorry for that. Please forgive me."
Nakapag-usap na kami noon at nakahingi na rin ng kapatawaran sa isa't isa but this one, parang tuluyan ng nawala ang mga bagay na patuloy na sumasagi sa aking isipan.
"I'm sorry too and I forgive you."
"Same here twinnie. I'm sorry"
Napatawa ako gayundin siya.
"Hay anubayan! We should be happy sa huling gabi ng pagiging Villanueva mo but here we are crying. Ang drama mo kasi Lore!"
Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Nagpunas ako ng luha.
"Anong madrama! Parehas lang tayo no." saad ko naman. Natigil lang kami ng may kumatok sa pintuan at iniluwa 'yon ni Dean dahil si Dylan ay nagpaiwan kay Adrian.
Napangiti ako.
"Mommy I want to cuddle."
"Then come here baby. Your tita and I will cuddle you."
"Yehey!"
Agad siyang sumampa sa kama at nahiga sapagitan namin ni Rhia.
"Sleep tight baby. Good night Rhia"
"Good night"
That night, I sleep peacefully with a smile on my face waiting for the next day to come. My wedding day.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
عاطفية"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope