Kabanata 9

568 16 0
                                    

Huminga muna ako malalim bago pumasok sa loob. Alam kong late na ako sa dinner dahil talagang isinadya ko.

Bumati ang mga katulong ng makita ako papasok sa masyon. Dumeritso ako sa dining area dahil alam kong nandoon na silang lahat.

"Sorry I'm late" I said and went directly to mom and dad and kiss their cheeks. Tumayo rin Rhia para yakapin ako. Tumayo si Adrian.

"Lore, this Adrian" pakilala ni Rhia kay Adrian, "Adrian this is my twin sister, Lore" he extended his arms which I accepted. Isang lapat lang ng aming mga kamay ay ramdam na ramdam ko ang libo libong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko.

I smiled at him. I noticed the way he looked at me. So serious yet so mysterious. Bumitaw kami sa isa't isa. Tumabi ako kay mommy na siyang kaharap ni Rhia. Kaya kaharap ko ngayon si Adrian na tinitingnan pa rin ako na para bang isa akong misteryo sa kaniyang paningin.

Kumuha ako ng makakain. Daddy started talking lightly about business. We exchange opinions about it. Paminsan minsan din ay tinatanong nila Adrian tungkol sa pagpapatakbo nito sa kanilang business.

Napapansin ko ang madalas paglagay ni Adrian ng ulam sa plato ni Rhia kahit pa di ko sinasadyang tingnan ang mga ito sa ginagawa. Agad nagngitngit sa selos ang aking loob dahil sa nakikita.

"When did the two of you started dating? Faith didn't even tell us about it. I am still shocked until now hija, hijo." mahinhing wika ni mommy sa dalawang nasa harap ko.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay mommy. Hindi ko nais na tingnan sila.They answered an specific time. Kinalkula ko sa aking isipan ang sinabi nila. So may mahigit apat na buwan na sila pero nalaman ko lang ang tungkol sa kanila a months from now.

"Kailan naman kaya itong si Hope?" mom playfully asked me. Muntik na akong masamid dahil sa pagkakabaling ng usapan sa akin. I looked at Adrian who's looking at me with his usual deep intense eyes. I looked away from his stare.

"I bet mommy she already broke up with her boyfriend. I think doctor din 'yon. This passed few days, napagkamalan niyang ako siya. He's pleading me not to dump him" Rhia said chuckling recalling her experience. I remember Zach, the one she's talking. Nakipaghiwalay ako sa kaniya tulad ng rason sa mga nauna ko ng naging boyfriend. I don't feel the love that I want. 'Yong feeling na gusto kong maramdaman na nararamdaman ko lang kay Adrian.

I can clearly picture the senario. Madalas mapagkamalan siyang ako lalo na sa mga naging boyfriend ko. Kung si Rhia may pagkakonserbatibo pagdating sa mga lalake ako naman ang kabaliktaran niya. Boys flocked on my feet pero sa kaniya lang talaga ako bumigay. Isang senario ang sumagi sa isip ko. I remember him pumping in and out on mine. Shocks! I crossed my legs when I feel it pulsating. I bit my lips. Damn it!

"Oh cut the crap Rhia" I said but she just chuckled more. Nang tingnan ko si daddy ay napapailing lang ito sa aming dalawa.

"I think you should find a serious relationship hija" mommy said making me pout. Hindi na lang ako sumagot at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nauna ng lumabas sina Rhia sa akin matapos ang dinner. Nagpaiwan muna ako saglit para tingnan ang kalagayan ni mommy. Mabilis ang kaniyang recovery galing sa pagkakaopera na siyang nagpasaya sa akin. Palabas na ako ng may mapansin ako. Kahit medyo madilim sa parteng iyon ay kitang kita ko kung paano sila maghalikan sa loob ng kulay itim na BMW na katabi ng kotseng dala ko kanina.

Para akong naipako sa kinatatayuan ko hindi makagalaw dahil sa nakita. Natapos ang halik at titig na titig pa rin ako sa kanila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng magawi ang tingin ni Adrian sa akin. He drove his car away from our mansion but his eyes filled with unexplainable emotion remained looking at me.

Nang makaalis sila ay saka ako huminga ng malalim. Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pinipigilan ang aking paghinga. Parang tinutusok ang puso ng milyong milyong mga karayom dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Sumakay ako sa sasakyang dala ko. Gusto kong magmukmok sa bahay ko pero ayaw ko rin. Mas nararamdaman ko ang kalungkutan kapag nag-iisa ako. Hindi ko namamalayang nagmamaneho na pala ako sa madalas kong puntahan na bar tuwing gusto kong magliwaliw.

Marami akong kakilalang nakasalubong na gustong samahan ko sila sa table nila pero umayaw. Dumeritso ako sa may bartender at umupo sa mataas na stool na naroon.

"Margarita" wika ko sa bartender na nakatingin sa akin.

Nakakatatlong order na ako ng mapansing kong may umupo sa katabing stool ng kinauupuan ko. Wala akong balak mag-entertain sa gabing ito kaya di ito tinapunan ng pansin.

"One order. The usual" napabaling agad ako ng tingin sa kararating lang dahil sa boses na iyon. And to my surprise, he's here sitting next to me.

Nangunot ang noo ko. "What are you doing here? Where's my sister? Did she know that you're here?" tuloy-tuloy kong tanong sa kaniya.

Napatingin naman ito sa akin. Tulad ng madalas niyang tingin sa akin 'pag tinititigan ko siya. Dark. Deep. Intense. Desire. Wait... what?

I cursed myself. Maybe just my imagination.

Hindi siya sumagot imbes ay isang lagok niyang ininom ang order niya saka diretso akong tinitigan sa mata.

"Who are you?" tanong niya na siyang nagpakabog sa aking dibdib. Para itong lalabas sa ribcage ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"Seriously Adrian, you just met me a while ago and now your asking me that? What do you think... I'm Rhia?" I laughed to hide the uneasiness and the nervousness I'm feeling right now. Fuck!

But he didn't find humor on what I've said. He remained serious. Balak kung tumayo at iwan na lang siya doon dahil baka mamaya may mapansin pa siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako dahil do'n.

"Ano ba binatawan mo nga ako!" agresibo kong saad at inagaw ang kamay kong hawak niya pero di siya nagpatinag.

"I said. Who are you?" he asked with firmness in his voice. I shivered not because I'm afraid but because he looks so hot.

Get hold of yourself, Lore. Damn it.

"Lore, ikaw ba 'yan?" nabaling ang tingin ko sa isang kakilala pero agad itong lumayo ng makita akong may kasama. Lumipat ang tingin ko kay Adrian na masama ang tingin sa papalayong lalake.

Agad akong nanlumo nang ibaling niya sa akin ang tingin. Kinaladkad niya ako palayo sa kinauupuan ko. Maraming mga lumilingon sa amin pero walang nagtangkang lumapit o kumausap sa amin. Tumitingin lang sila. Nahihiwagahan kong ano ang nangyayari.

Tuloy tuloy lang sa pagkaladkad sa akin si Adrian hanggang sa makarating kami sa liblib at madilim na parte ng club. Lumingon ako sa paligid. Wala akong masyadong makitang mga tao dahil karamihan ay nasa dance floor. At kung meron mang natira ay iilan lang mga naglalampungan.

"Ano bang ginagawa mo ha? Nasasaktan ako" pagalit kong wika. Tiningnan niya ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Binitawan niya naman ito ng mapansin ang higpit na pagkakahawak niya dito. "Look! Kung napagkamalan mo lang ako na si Rhia pwes nagkakamali ka. This is Lore you're talking with... not your fiancee" may pait na pagkakasabi sa huli.

"I know" maikling wika niya. Napalunok ako. Pakiramdam ko may iba pa siyang ibig sabihin. Slowly, he lifted my chin through his hand. Nanlaki ang mga mata ko.

Ngayon ay nakatitig kami sa isa't isa. Para akong tutupukin sa apoy dahil sa init ng kaniyang titig. Even though it is dark, I could see the glimpse of desire in his eyes. With that, I felt the heat slowly rising inside me ready to come out any moment.

"It doesn't matter now who really you are because I can always find a way to know you more than what you could imagine" he whispered near my ear. Tumayo ang mga balahibo ko sa hininga niya na tumatama sa balat ko. I froze because of what he just said. Anong ibig niyang sabihin?

In a flash, he's already holding my waist and pinned me on the wall crashing his lips against mine. Pakiramdam ko lumulutang ako sa langit dahil sa galak na nararamdaman. Without a second thought, I kissed him back. Enjoying the contact we're sharing at the moment.

Hiram na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon