Traydor. Tanga. Malandi. Tawagin man ako ng ganiyan. Ako man ang masama sa tingin ng iba pero nagmamahal lang ako. At sa kasamaang palad ang taong mahal ko pag-aari pa ng kapatid ko. Sa kaniya pa tumibok ang puso ko.
Tahimik akong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Adrian. Nakayuko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Paminsan-minsan ay tumitingin ako pagilid sa kaniya.
Tahimik. Walang imik. Walang nagsasalita sa aming pareho habang nagmamaneho siya. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang nakakunot ang noo.
Lumingon ako sa may bintana malapit sa akin ng mapansing lumiko ang kotse niya. Madilim man ang paligid, alam kong hindi ito ang daan na tinatahak namin patungo sa building kung nasaan ang unit ko. My eyes widened when I look outside. Labas na kami ng Makati Avenue.
Ilan pang sandali ay nakarating kami sa BGC. He parked his car when we reached Pacific Plasa Towers.
Anong ginagawa namin dito? Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Tiningnan ko siya. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig habang tahimik akong hinihitay na makalabas sa sasakyan.
"It's my place" I heard him say when we reached the penthouse. His place? Of course it is.
Lumabas ako sa private elevator at sinundan si Adrian na naglalakad papasok sa loob. Iginala ko ang mga mata ko sa kaniyang pad.
Nagsusumigaw sa karangyaan ang lahat ng nasa paligid. From the high-end appliances, finest materials fitting, luxurious flooring.
Huli na para sumagi sa aking isipan na pumasok ako sa penthouse ni Adrian na di man lang nag-iisip. I'm now in his living room, looking my eyes around. Perfect taste that match him. Lahat ng maliliit na detalye, bawat sulok ng lugar ay alam mong pinag-isipan ng mabuti.
Black and white is the theme of the room with a touch of silver which makes it more elegant. The air is filled with extreme aura of power and success.
I walked towards the glass wall and watched the view of the city skyline glittering like stars in the sky. Napakagandang tanawin.
"Nice place" I told him to start a conversation.
"Thanks" he shortly replied. I faced him and saw him silently staring at me with deep eyes. "Why I am here?" I asked him.
"Because I want you here" he replied shrugging his shoulder.
"What?!" I exclaimed almost screaming. "What the hell are you thinking? Ihatid mo na ako. I want to go home." I said angrily. Nagmartsa ako palabas pero nahuli niya ang kamay ko dahilan upang matigil ako sa paglalakad.
"Bitawan mo ako." galit kong sigaw pero ng makitang mas galit siya kaysa sa akin ay napaurong bigla ang dila ko. Para akong kuting na nagngangangawa sa harap ng isang leon na galit.
Matalim niya akong tiningnan.
"Kung merong may karapatang magalit ako 'yon Lore" may diin na pagkakasabi niya sa pangalan ko.
"You. Fooled. Me" madiing sabi niya. I can almost the hear the of his teeth. Napalunok ako sa takot. May bumabara rin sa lalamunan ko. Di ako nagsalita. Di alam ang sasabihin kaya napayuko ako.
"Am I a joke to you? Anong tingin niyo sa akin? Laruan na pwede niyong lokohin? Magpalit kayo ng katauhan at paglaruan ako?"
Nanghina ako dahil sa tanong niya. Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko. Nagulat ako. He knew! May ideya na akong alam niya pero 'yong nanggaling mismo sa bibig niya...
Nanubig ang mata ko at nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. Isa-isa. Hanggang sa bumuhos ito.
"I-I'm sorry" I said.
Paulit-ulit. Umiiling ako habang hawak ang mukha ko. Di makatingin ng diretso sa kaniya.
"It's not my intention to fool you... It's just that..." I reasoned out while apologizing. Di matuloy ang sasabihin.
"Tell the whole fucking story before I lost my temper to you Lore" he said and I cringed because of his tone.
Labag man sa kalooban ko, sinabi ko lahat. I was crying the whole time telling the story to him while he's listening carefully to what I've said.
Nakatulugan ko ang pag-iyak kaya pagkagising ko ay napakasakit ng aking mga mata. Namumugto ang mga ito.
Nagulat ako ng makita ko si Adrian na nakatayo sa paanan ng kamang kinahihigahan ko. Nakasuot ng puting sando at cotton shirt. Typical house attire. Looking at me coldly.
"I'll drive you home" he said coldly and went out to my room.
"Oh..." tiningnan ko siya palabas sa kuwartong kinalulugaran ko. Diretso lang siya sa paglakad. He gave me one of his guestroom dahil masyado ng malalim ang gabi ng matapos kaming mag-usap.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkirot nito. Pero kahit gayon man ay pilit pa rin akong tumayo. Nag-ayos ako at lumabas na rin ng kuwarto. Naabotan ko siya sa labas na nag-aayos ng itim na necktie niya. He's in his corporate attire. Ito ang unang beses ko siyang makitang nakasuot ng pormal na damit. At hindi ko maitatanggi na talaga namang nakapagwapo niya sa porma.
Tinapunan niya lang ako ng isang tingin nang makita ako at iniwan doon. He entered the private elevator and wait me there before pressing the groundfloor where he parked his car.
Silence filled the air until we reached the ground. Hinatid niya ako sa Raffles Residences sa Makati Avenue.
Huminga ako ng malalim. "Thank you" I said. He didn't say a word. Tumango lang siya saka pinaharurot ang kotse niya.
Hindi ako pumasok sa ospital. Wala akong ganang magtrabaho. Pakiramdam ko may mabigat akong pasanin sa balikat dahilan para mapagod ako kahit wala naman akong ginagawa.
I've been laying in my bed and staring the ceiling for almost an hour now. Galit siya. I know that. Maliwanag pa sa isang kristal.
Umupo ako saka bumangon. Para akong zombie na naglakad patungo banyo. I filled the tub with warm water and put rose scented soap.
Agad nanuot sa aking balat ang sakit nang magbabad ako pero kalaunan ay nag-relax din. I closed my eyes and enjoy the soothing water.
"I don't care any of your bullshit. Your sister is the one I care. She's the one I love and not some impostor" saad niya. Desperado na patawarin niya ako. Ramdam kong dinudurog ang aking puso dahil sa sakit ng kaniyang mga sinabi.
Nagpaulit-ulit ito sa aking isipan. Nagising sa pagkakatulog. Parang isang bangungot.
I gasped hard. Iniahon ang ulo. Muntik na akong malunod. Mabilis pa rin ang aking paghinga. Hinihingal pa rin ako na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.
Nagulat ng marinig ko ang doorbell sa labas kaya nagmamadali akong tumayo at nagsuot ng roba.
Agad akong nagbihis saka binuksan ang pintuan dahil kanina pa ito nagdodoorbell kung sino man ito. Without looking at the screen, I opened it and to my surprise here he is standing in front of me.
Nangunot ang noo ko. Ano na naman ang ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope