Kabanata 23

596 12 0
                                    

"What are you thinking?" he asked. Kinuha ng isa niyang kamay ang kamay ko habang ang isa naman ay nakahawak sa manubela.


Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi at hinalikan ito.

"I'm just thinking. Kung hindi ba ako nakipagpalit kay Rhia noon at siya talaga ang pumunta dito sa Ilocos, magiging ganito ba tayo ngayon? Magiging tayo ba kaya?"

Ilang beses ko rin pinag isipan 'yan. Kung hindi ba ako pumunta noon sa kanila, makikilala ko pa kaya siya bago siya ikasal kay Rhia?

Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang magiging sagot niya. Samantala, seryoso at deritso lang ang tinging ipinupukol niya sa kalsada. Hanggang sa makarating kami sa malawak na bakuran ng kanilang mansion ay tahimik lang din siya pero hawak hawak pa rin ang kamay ko.

Naiwan sa Manila ang mga bata kasama nina mommy. Gusto nilang suluhin ang mga apo.Mayamaya pa ay nakaparada na siya ng tumingin siya sa akin. Seryoso man ang kaniyang mukha kakikitaan naman ng pagmamahal at iba pang emosyon ang kaniyang mga mata.

"I will always find ways to have you mine. Always remember that so keep it in you mind" he said. He leaned a bit so he could reached my lips. He kissed me passionately which I've accepted gladly.

Hinihingal pa ako ng magkahiwalay ang aming labi.

"I love you" ngumiti ako sa kaniya.

"I love you more and our twins"

Lumabas kami sa Range Rover. Magkahawak kamay kaming sabay na pumasok sa minsan ko ng napuntahang masyon, at paulit ulit na inaasam na puntahan ulit. I smiled.

"Hija, welcome back." tulad noong una akong pumunta dito ay di pa rin nagbabago ang malugod na pangtanggap niya sa akin sa kabila ng kasinungalingang iginanti ko sa pangtanggap nila sa akin.

Alam na nila ang tungkol sa akin at maging sa mga anak ko. At masaya akong tinanggap nila ako sa pamilya nila. We've been planning to marry at the end of this month.

Tumingin ako sa likuran ng ginang at nakitang andoon si Keith. Kinindatan niya ako dahilan upang mas lalong humigpit ang hawak ni Adrian sa mga kamay ko.

Tinapunan ko ng pansin si Adrian at nakitang madilim ang tinging ipinupukol sa kapatid. Hinaplos ko ang kaniyang braso kaya sa akin naman nabaling ang tingin ni Adrian. Tinaasan ko siya ng kilay. Narinig ko pang tumatawang umalis si Keith papasok sa sala ng mansion.

"Pasok kayo ng makapagpahinga na kayo. I know mahaba ang byahe niyo" iginiya kami ni tita Claire sa malawak na sala habang nakasunod ang mga katulong na may hawak sa iilang gamit namin.

"Asan na nga pala ang mga apo? Bakit di niyo kasama?" tanong ni tita.

"Ah tita, naiwan po kina mommy. Gusto daw munang masolo" sagot ko pabalik sa kaniya.

"Ah gano'n ba..." nakitaan ko ng paghihinayang ang mukha ni tita ngunit kalaunan ay ngumiti rin.

"Maybe after sa kanila, sa amin naman sila..." she chuckled, "One more thing hija, you're going to marry Adrian soon... cut the tita and call me mommy" she requested and smiled at me.I hesitated but then I smiled back at her, "Sure m-mommy"

"Mom tama na po 'yan. Pagod po kami sa byahe. Magpapahinga lang kami. Tsaka na po tayo mag-usap mamaya." Adrian said.

"Oh. Okay. Rest then." she said and excused herself.

Iginiya ako ni Adrian paakyat sa engrande nilang staircase.

It's like deja vu. Tulad noon, hawak niya rin ako sa baywang. But this time, I am here, not as Rhia but me, Lore... and I know he's mine.

Para akong lumulutang sa sobrang kasiyahan. Naglilibot ako sa kaniyang kuwarto habang siya naman ay nakaupo, matamang nakatingin sa akin.

"Come here" mababa ang boses na saad niya. Parang may sariling buhay ang aking mga paa at sinunod ang nais niya. Pakiramdam ko ay hindi umaapak ang aking mga paa sa sahig.

Nang makarating ako sa kaniyang harapan ay hinuli niya ang aking mga kamay. Dinala niya ito sa kaniyang mga labi at marahang hinalikan.

Mayamaya pa ay pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing kami'y nag-iisa.

Yakap yakap niya ako mula sa aking likuran. Napakapayapa ng aking puso. Ilan pang sandali ng may naramdaman akong malamig na bagay na nakatutok sa aking palasingsingan. Suminghap ako. Di mawari kong ano ang reaksyon.

"I know you said yes already when I proposed to you but I don't have any ring that time, Lore" napangiti ako dahil sa naalala. Totoong wala siyang singsing na binigay sa akin dahil sa biglaang pag-pro-proposed. "But today I want to give you this ring as a symbol for my promised to you that I'll love you for the rest of my life and I intend to keep it until my last breath."

Nag-umpisang magtuluhan ang aking mga luha dahil sa sobrang saya na aking nadarama.

"You know, you don't have to do this. Ikaw lang sapat."

"I know." ngumisi siya sa akin. Di ko mapigilan ang sarili kong halikan siya. Parang may mga nagliliparang mga paruparo sa aking tiyan ng lumapat ang aking mga labi sa kaniya.

"I love you" he said and continue to kissed me.

"I love you too."

Hiram na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon