Kabanata 11

603 18 0
                                    


"Ano na naman ang ginagawa mo dito? At kailan ka pa lumuwas ng Ilocos? Are you okay? Wala na bang masakit sa katawan mo?" sunod sunod kong tanong sa lalakeng naglakas loob pumasok sa condo ko.

"Easy lang babe. Isa-isa lang dapat ang pagtatanong" he playfully said habang nakataas ang kamay na animoy sumusuko sa mga pulis.

I snorted. Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng kaniyang sagot.

"First, gusto lang kitang dalawin" then he smiled. Inirapan ko naman ito. "Second, noong isang araw lang. Gusto ko kasing makita ka ulit." nag-akto akong babatukan siya na siya namang inilagan niya. "At okay na okay na ako. Magaling ang doctor ko eh" tatawa-tawa niyang sumbat sa akin.

"Di mo ba ako na-miss?" tanong niya habang nakangiti. Para siyang asong nagpapacute sa amo sa itsura niya. Gusto kong matawa dahil sa asal niya.

"Mangarap ka" saka ko siya tinalikuran. Nakita ko pa siyang ngumuso bago sumunod sa akin.

"Bakit ka tumakas sa inyo?" tanong ko habang naghahanda ng makakain namin kesyo daw guto siya. Pumunta lang ata ito dito para kumain eh.

"Ayaw ko do'n. Nakakasawa na saka gusto kitang makita." saad niya habang nakapangalumbaba sa mesa at tinatanaw akong magluto.

"Drave you should listen to your doctor. Hindi 'yang gumagala diyan. And how did you manage to find my place?" takang tanong ko sa kaniya.

"You're my doctor Lore. Ikaw ang unang gumamot sa akin kaya ikaw ang doctor ko. And I have my ways" I snap my forehead. Childish!

"Okay fine. Pero ang ginawa ko lang ay i-first aid ka. Samahan mo ko mamaya. Punta tayong ospital para masuri ka ulit" bilin ko.

"Again. Bakit ba bini-baby niyo ako? Hindi na ako bata" pagmamaktol niya. Hindi nga bata. Isip-bata naman.

"Drave you're just 18. Bata ka pang talaga. Hindi man sa edad, sa ugali mo naman" dahil sa sinabi ko ay napanguso siya.

"Fine" he said and gave up his childish arguments.

Bakit ba kasi Ito nandito? Pinasundo ko na siya sa pinsan niya noong nakaraang linggo pero bumalik pa rin dito. Iba din.

Si Drave 'yong nasaksihan kong naaksidente noong nasa Ilocos ako. At nito ko lang nakaraang linggo nalaman na pinsan sila nina Adrian at Keith. Eh kasi naman parang walang pakialam noon si Adrian sa nangyari. But I bet, he doesn't know.

Pero nagpapasalamat na rin ako na nandito siya. Kahit papaano, nababawasan ang lungkot na aking nadarama. Hindi ko masyadong naiisip ang mga problemang aking pinagdaraanan.

Saktong labas namin sa condominium nang makita ko si Keith. Prente itong nakasandal sa kaniyang sportscar habang nakasuot ng mamahaling sunglasses. Inalis niya ang suot na salamin ng matanaw ako. Pero nangunot ang noo nang mapansing kong sino ang nasa likuran ko na sumusunod sa akin.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong niya habang nakaturo sa pinsan. Kumaway naman ito na parang bata.

"Hayaan mo na. Buti on time ka ngayon" simple kong saad habang tinitingnan ang relo.


"Ang sabihin mo buti nakarating ako. Nasa'n ba kasi ang kotse mo?" tanong nito. Naalala kong iniwan ko ito sa club kagabi dahil kay Adrian ako sumabay.

"Nasa club" simpleng sagot ko na siyang nagpatingin sa kanilang dalawa sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay. Agad naman silang tumingin sa iba. Alam kong magtatanong mamaya si Keith tungkol sa mga nangyari base na rin sa mukha niya pero pinagsawalang bahala ko lang ito.

Hiram na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon