Nitong mga nagdaang araw ay ginugol namin ang oras namin sa isa't isa. We spend our time do horseback and for our quality time.
Tinawagan din ako ni Keith para kamustahin and I told everything except the fact that me and his brother make out and I'm slowly falling inlove with him.
Di rin ako masyadong makasagot sa kapatid ko dahil sa guilt na nararamdaman. I don't want to lie to her but I don't want also to know that I'm betraying her.
Para makapag-isip ng mabuti, umalis ako sa mansyon ng di nagpapaalam kay Adrian. Gamit ang kaniyang sasakyan ay pumunta ako sa sentro ng bayan. Bibili na rin ako ng mga souveneirs dahil tumawag kahapon ang kapatid kong uuwi na siya at magkikita na lang kami sa Manila bukas makalawa.
Ayaw ko man pero kailangan. Kahit sa maikling panahon na kasama ko siya ay natutunan ko siyang mahalin sa mas higit pa sa dapat.
I bought different key chains with different size. Vigan. I'll miss this place. Binisita ko ang mga napuntahan namin ni Adrian noong minsang namasyal kami. I took pictures at them.
Those will serve as memories that I was once here with him.
I asked someone to take a picture of me in the old Spanish village. Ngayong di ko siya kasama parang may kulang.
Nagpasalamat ako sa taong kumuha ng picture ko saka umalis doon. Iniwan ko ang sasakyang dala ko sa isang sikat na restaurant sa lugar kaya naglalakad lang ako. I will be back there later though.
Nang tiningnan ko ang dalakong cellphone ay nakita kong pasado alas dose na kaya nakaramdam na ako ng gutom. Naglakad ako papunta sa restaurant ng makasaksi ako ng isang aksidente.
Isang motor ang bumundol sa isang poste. Agad na nagsilapitan ang mga taong naroon at nakiusyoso.
Kahit na parang nawalan ako ng dugo sa mukha dahil sa nakita ay matapang pa rin akong lumapit doon.
"Excuse me. I'm a doctor" saad ko saka ipinakita ang lisensya na siyang nagpapatunay sa katauhan ko. Agad namang nahawi ang daraanan ko at nakita ang lalakeng nakahiga sa kalsada.
Duguan ito buti na lang at wala siyang tama sa ulo sa tulong ng helmet na suot nito dahil kung hindi mas mahirap ang sitwasyon niya.
Iginala ko ang mata ko at nakita ang isang may edad na babae.
"Kindly please call an ambulance" I said to her and she quickly nodded then call.
Kinapa ko ang pulso ng lalake at nakitang tumitibok pa ito. Ginawa ko agad ang paunang lunas na kailangang gawin at kahit kulang sa materyales ay naprovide naman ng isang establisyemento na malapit sa pinangyarihan ng aksidente.
Natapos ako sa paglapat ng first aid kit nang dumating ang ambulansya. Dali-daling isinakay ang lalake. Sumama ako sa loob dahil na rin sa request ng isang nurse na naroon.
Tanaw ko na ang hospital ng maging conscious ito. He smiled weakly at me. After that he feel unconscious again.
Naipasok na siya sa emergency room ng lumapit ang isang doctor sa akin.
"Thank you for the big help miss. I heard you're a doctor" he said politely.
"Ah yes, I'm a doctor in Manila" I said then excused myself.
Pagharap ko pa lang sa may pintuan ay nagulat na ako dahil sa taong naroon. He's looking at me with those hawk like eyes. Tahimik akong nanalangin na sana hindi niya narinig ang mga sinabi dahil kung hindi buko na ako.
Dahan-dahan akong lumapit kay Adrian na matalim pa rin ang titig sa akin. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumagal ang tingin niya sa duguan kong damit. Medyo nalagyan ng konting dugo ang topper ko kaya walang alinlangan ko itong inalis leaving my inner sleeveless clothes.
Agad lumapit sa akin si Adrian at ipinatong ang suot niyang leather jacket sa akin. Ngayon ko lang napansin ang mga tingin ng mga taong dumadaan sa lobby ng hospital.
Oh crap!
Kinaladkad niya ako hanggang sa sasakyang dala niya na nakaparada sa harapan ng ospital.
He opened the door and dragged me to the passenger seat. Alam kong galit siya pero may pag-iingat pa rin sa mga kilos niya.
We were silent the whole drive. I wanted to talked but I stopped myself knowing its my fault why he's in this foul mode.
Nang makita ko ang restaurant kong saan nakapark ang sasakyang ginamit ko kanina ay di ko na maiwasang magsalita.
"Wait Adrian, 'yong sasakyang ginamit ko kanina..." I said softly but he cut me out.
"I'll just ask someone to get it later" he said coldly making me shift on my seat.
Matapos no'n ay di na uli siya nagsalita pero nangangati ang dila ko so I couldn't stopped myself anymore.
"I'm sorry" marahan kong saad pero humigpit lang ang pagkakahawak nito sa manubela. To eased his anger I placed my hand on his right thigh. Tiningnan niya lang ito saka ibinalik ang tingin sa kalsada at nagmaneho ng mabilis.
He opened his mouth to say something but he didn't tell anything. Nanlumo ako. Nakarating kami sa mansyon ng di siya nagsalita kanina sa biyahe.
"Go get change" three words but it breaks my heart. Umalis siya doon ng di ako hinintay.
"Ay saan ka bang nagpupuntang bata ka. Kanina ka pa namin pinaghahahanap. Nag-aalala ang senyorito Adrian sayo" napatingin ako sa nag-aalalang katulong na naroon sa sala.
"Manang Linda pasensya na po. Nawili po ako sa pamamasyal kanina" ngiting saad ko saka humingi ng paumanhin. May kasalanan ako dahil di na ako nagpaalam kaya may karapatan silang magalit sa akin.
"Ay ikaw na bata ka. Bakit duguan ang damit mo? May nangyari ba?" tanong niya sa akin. Naalarma sa hawak kong damit.
"Ah wala po, pasensya na po ulit" saad ko saka nagmamadaling umakyat sa kuwarto ko.
Nagbabad ako sa bathtub na naroon. Iniisip ang mga pangyayari. Hindi ko namalayan ang oras at ng tingnan ang oras sa selpon ko na nakalagay malapit sa uluan ko ay pasado alas sais na ng gabi. Naramdaman ko na rin ang gutom ko since di ako nakapagtanghalian kanina kaya dali-dali akong nagbanlaw ng sarili.
Nasa dining room na ako pero wala pa rin si Adrian. Nag-aalala na ako ng husto. Nalaman ko sa isang kasambahay na naroon na nagpapaakyat ito ng makakain sa kaniyang kuwarto. Kumain akong mag-isa sa hapag at nakaramdam ako ng kalungkutan.
I don't want us to part in this way.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope