"Oh natagalan ka?" inosenteng tanong ni Rhia sa akin while Keith was looking at me silently asking me through his eyes.
"Medyo maraming gumagamit eh" I said and shrugged. Umupo ako. Ilang minuto pa ay sumunod na dumating si Adrian.
"Baby, how's the talk? Naayos ba ang problema sa transaction niyo ng magiging investor ng company niyo?" Rhia asked Adrian with a smile on his face. I cocked my eyebrows at him but he just smirk.
I looked at Rhia and felt guilty.
"It's good. It's a real deal. Anyway, let's eat" sagot niya kay Rhia.
Humiwalay kami sa isa't isa nang pauwi na kami. Hinatid ni Adrian si Rhia. Ako naman ay kay Keith sumabay. Magkaiba rin kasi kami ng building ni Rhia. Sa Ayala ako habang siya naman sa Rockwell.
I'm laying in my bed when my phone beeped.
'I'm home. Miss you.'
-Adrian
Para akong lintang binudburan ng asin dahil sa message niya. Hindi mapakali. Nanggigigil. Kinikilig ako sa di malamang dahilan. Kinapa ko ang aking pisngi. Mainit. Alam kong pulang pula na ang aking mukha.
I typed but stopped. Anong sasabihin ko?
Dahil sa pag-iisip, wala tuloy akong ibang nasend sa kaniya kundi ang napakasimpleng "okay". Ano ba kasi dapat ang isasagot sa message niya?
Naghintay ako ng reply pero walang dumating. Close ended naman kasi ang reply ko. I mentally snapped myself. Maybe he already fell asleep.
Ayaw ko munang isipan ang sitwasyon namin. Gusto ko lang malunod sa kasiyahang nararamdaman.
Weekend.
I woke up feeling fresh and alive. Malayo sa pakiramdam nitong mga nagdaang araw. I think this is happiness.
I'm planning to just stay at home after buying some groceries.
Nagulat ako ng may nag-doorbell. My forehead creased. Wala akong inaasahang bisita ngayon.
I opened the door. Agad namalagi sa aking labi ang mga ngiti dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Good morning" Adrian said and entered to my condo. Namamangha pa rin ako. Di makapaniwalang nandito siya ngayon. He roamed his eyes around. Malawak man dito, mas malawak naman sa penthouse niya. Mas kompleto din ang mga kagamitan doon kumpara dito.
Dumeritso siya sa may sofa at naupo doon. Animo'y isang modelo na nagsasagawa ng pictorial. Hindi siya naka-corporate. But wearing casual clothes. Polo. He looks so hot and yummy and... Crap!
He's staring at me from head to toe. It's too late to realized that I am just wearing my usual attire whenever I'm at home. Short shorts and a sando.
"Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Not yet. Ipagluto mo ako" he requested.
"Stay there then. I'll just cook" I said then went to my kitchen. Nagluluto ako ng mauulam namin nang maramdaman ko siya sa likod ko.
"I told you to wait there. Malapit na 'to" sabi ko na di siya nililingon. Hindi siya nakinig. Naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sa akin. He snaked his arms around my waist making me jumped a bit. I shiver. Volts of electricity roll out inside my body. Running in every parts of my vein.
"Adrian umupo ka muna" nanginginig ang boses ko sa di malamang dahilan. He didn't bother though. Instead he put his chin in my shoulder. I glanced at him. He's facing my facing almost kissing my cheek.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope