Naalimpungutan ako sa pakiramdam na para akong lumulutang. Nilapag ako sa kama ng kung sino mang may buhat sa akin. Ilan pang sandali ay narinig ko ang papalayong yapag at pagbukas ng pintuan. Mayamaya pa ay narinig ko na ang rumaragasang tubig mula doon.
Nagising na ako ng tuluyan. Dumilat ako saka dahan dahan na umupo. Sumandal ako sa may headboard. Pumipintig sa sakit ang ulo ko. Nahimasmasan na rin ako mula sa pagkakainom.
Inilibot ko ang tingin sa kuwarto kong na saan ako. Dim light coming from the lamp just beside the bed kung saan ako nakaupo. I could see the black and white interior of the room. Katulad ng guestroom ni Adrian kung saan ako natulog noon mas malaki at malawak lang ito kumpara doon.
Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? At paano ako nakarating dito? Mga tanong sa aking isipan.
Bumukas ang pinto at lumabas siya doon suot ang isang towel na nakapulupot sa kaniyang baywang habang may hawak na isa pang towel na pinapampunas niya sa basang buhok. Napalunok ako dahil sa nakita pero umiwas din ako ng tingin.
"What am I doing here?" I asked. Hindi siya sumagot. Isnabero niya akong tiningnan saka nilapag sa kama ang ilang mga damit. Alam ko na agad ang ipinapahiwatig niya. Tumayo ako at kinuha ang mga damit saka pumasok na sa banyo.
I showered then changed afterwards. Oversized shirt and a boxer. Natatabunan ang pang-ibabang suot ko dahil sa hanggang hita na damit ko na nagmumukhang maikling na bestida habang suot ko.
Lumabas ako. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama habang naghihintay sa paglabas ko. Tumayo siya ng makita ako.
"Let's talk" he said. His face was dark and angry but I could see the glimpse of sadness in his eyes. He reached for my hand and pulled me to sit on the bed. Nagpaubaya ako sa gusto niya.
He faced me. Hinuhuli ang aking mga mata pero nanatili ang mga ito na nakatitig sa sahig. Ayaw kong makita niyang unti-unti akong nadudurog. I felt like I'm going to cry any moment kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa.
"Gusto ko ng umuwi" napapikit ako ng mapansing gumaralgal ang aking boses.
"No. Hanggat di tayo nag-uusap." saad niya saka pinaharap sa kaniya. "Look at me" utos niya pero hindi ko kaya. Unti-unti ng pumapatak ang mga nabubuong luha sa aking mga mata.
Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya. He looked stunned when he saw me crying.
"Pagod na ako Adrian. Tama na muna. Tama na. Suko na ako" My voice broke. I looked at him pleading. "Ano pang pag-uusapan natin? Huli na ang lahat. At kung ito ang parusa ko sa pakikipagrelasyon sayo kahit na alam kung kayo ng kapatid ko, pwes ito ako. Durog na durog. Hindi ko na kaya Adrian. Tapusin na natin ito"
"No baby, you have me. We can fix this mess. Maybe may iba pang paraan para matapos ito. Just... just don't give up yet baby." punong puno ng pagsusumamo ang kaniyang boses habang nakatingin sa akin. He looked hurt.
"But you are bound to marry her. Please Adrian, I don't want to hurt my sister. Just stop this" I whispered. I am very weak.
"How about me? You're hurting me" ramdam ko ang sakit habang sinasabi niya iyon.
"Tama na Adrian. Tingin mo ba sa akin, hindi nasasaktan? Look, I'm a mess. Just please I want to go home now"
"But I love you" he reasoned out. Nagulat ako dahil sa sinabi niya.
"You love me, what about my sister? Do you love her too?" I asked him. I looked at him, tears still falling in my eyes. "Tao lang ako Adrian. Nasasaktan. Napapagod. Ayaw kong maging pangalawa habang buhay. Ayaw kong maging kahati ng kahit sino man especially not to my sister!" I screamed hoping he'll understand my point.
BINABASA MO ANG
Hiram na Sandali (Completed)
Romance"If you asked me if I love him, I'd lie" -Lorelie Hope