Kabanata 33 : Paghahanda

12.9K 883 88
                                    


"Maglalaan ang Agta ng mga pana at palaso," sambit ni Raniag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maglalaan ang Agta ng mga pana at palaso," sambit ni Raniag.

"Gayon din ang Samtoy sa mga bangkang panlayag," dagdag ni Babacnang Darata.

Isa-isa nilang inihain ang kanilang maitutulong sa nalalapit na digmaan at nakamamanghang masilayan ang kanilang katapatan sa Hara.

"Ang Golot ay magbibigay ng kaukulang bahagi ng makakain ng mga mandirigma," saad ni Apo Lawig.

"Mga sandatang pinatalim ng mga bato ang maibabahagi ng Idjang," pagtatapos ni Mapalon Arayu.

Bakas sa kanilang mga mukha ang kanilang pinapasang tungkulin bilang pinuno ng kanilang mga nayon. Tahimik akong nagmamasid sa kanilang mga mungkahi nang bigla na lamang sumilay sa aking paningin, hindi lamang ang kanilang mga marka, kundi ang kanilang mga pintakasi: sina Apo Init Urduja, Apo Bulan, Apo Tala ng Kaboloan; Apo Angalo ng Samtoy; Apo Pawi ng Agta; Apo Iraya ng Idjang; at Apo Lumawig ng Golot.

Agad kong iniyuko ang aking ulo at nagbigay galang sa mga diyos at diyosa na narito sa Balay Parsua. Ngayon lamang nangyari na nagpakita ang higit sa dalawang diyos at diyosa sa kanilang tunay na hilagyo. ngunit hindi batid ng mga pinuno ang nangyayari sapagkat sila ay abala sa pagpupulong. Handa na akong tawagin ang kanilang pansin nang ako ay pigilan ni Apo Angalo.

"Hindi na kailangan pa," aniya.

Sa pagkakataong ito ko lamang napagtanto kung gaano kahirap huminga sa kanilang harapan. Ang ganitong uri ng pagtitipon ay bihira, lalo pa't kamakailan lamang ay hindi nagparamdam ang mga diyos at diyosa sa loob ng mahabang panahon.

Tulad ko ay nakamasid sila sa mga pinunong kanilang nais pagsilbihan. Saka ko lamang napansin na nakatitig na sa akin si Urduja nang tawagin niya ang aking ngalan.

"Sayi. Tila wala ang iyong isipan sa pook na ito."

Agad akong napayuko. "Ipagpaumanhin ninyo, Hara."

Muli akong napatingin sa mga diyos at diyosang nakaligid sa amin at salungat sa kanilang sinambit, bakas sa kanilang mga mukha ang kanaisang sila ay bigyang galang at pansin.

"Hara, mga iginagalang na Datu," aking saad. "Nais kong ihayag na narito ang inyong mga pintakasi."

Sa pagbitiw ko ng mga katagang iyon ay nagbago ang badya sa kanilang mukha—una'y pagkagulat na agad napalitan ng saglit na kalituhan, ngunit mas nanaig ang kanilang kapitagan tungo sa kani-kanilang mga pintakasi. Halos sabay-sabay silang lumuhod at nagbigay galang bagaman hindi nila nakikita ang mga ito.

"Isang madugong digmaan," hayag ni Apo Init mula sa likuran ni Urduja. "

Ang kanyang nagbabagang mga sandata ay kanyang ipinatong sa balikat ni Urduja at muling sumilang ang kanyang marka sa ulunan ng Hara. Ganoon din ang ginawa ng iba pang pintakasi habang si Bulan ay patuloy lamang na nanatili sa aking tabi.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon