Day 3

302 18 1
                                    

Day 3

Curiousity

Caxton's POV

Gumising ako...hindi ko alam anong nangyari sakin kagabi, tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Franz na nakahubad ng tshirt. Kinuha ko yung tshirt niya at nilagay sa kanyang mukha. Sabi kong bawal maghubad eh.

Tumayo ako at pumasok sa CR. Naligo ako at nagsipilyo, nilagay ko yung toothbrush ko at agad namang lumabas. Pumasok agad siya at nilock yung pinto.

"Your toothbrush taste like Cherry with Strawberry dribbles." Aish, well...bibili ako bukas ng bagong toothbrush. Pumunta ako sa kama ko at nakita ko yung bag niya. Binuksan ko at tinignan yung laman.

May Cellphone, wallet at mga damit niya. May nakita pa akong boxers sa loob kaya sinara ko na yung bag. "What are you looking for?" Ayy takte...tumingin ako sa kanya at nasa harap ko na pala siya. Tinulak niya ako at dahan dahan siyang pumatong sakin. Nung nandun na siya sa harap ko at sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya ay parang nagsparkle yung mga mata niya. "Uyy, ano ginagawa mo?"

"Anong hinahanap mo sa mga gamit ko?"

"Wala...curious lang ako"

"Hays...dont let curiousity take over your body. It will lead you to many troubles."

"Opo, sorry na...pwede ka na bang umalis?" Umalis naman siya at kumuha ng mga damit sa kanyang bag. Pumasok muli siya sa CR at nagbihis. "Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw kung pwede." Ayy hala.

"Huy, seryoso ako. Anong gusto mong kainin?"

"I will order us some food. No need to cook." Sabi niya at lumabas siya sa CR. Kinuha niya yung cellphone niya at lumabas. Kinuha ko yung testpaper ko at ballpen, pumasok naman siya na may dalang dalawang box ng pizza.

Pumunta siya sa kusina at dun nilagay yung box. "Kumuha ka ng plato. Kakain na tayo."

"Pero dalawa lang naman tayo tapos dalawang box naman yun."

"Dami mong reklamo kumain ka na nga." Kumuha nalang ako ng plato at kumain. Medyo bad mood siguro siya ngayon pero bat naman siya bad mood?

"Bat ka nakahubad kanina at bat ka sa kama ko natulog?"

"Mainit kasi tapos wala ka namang hinanda na higaan para sakin kaya tumabi nalang ako sayo."

"May ginawa ka ba sakin?"

"Wala, ano ka ba? Akala mo papatol ako sayo? Huh, stop dreaming." Ehh? Making sure nga lang. Hindi ako sure sa kanya kasi pagdating pa lang sa mukha ay parang may balak ng gawin.

Kinuha niya yung isang box at nilagay sa kanyang plato habang ako ay isang slice lang. "Kaya mo ba yan?"

"Nope...kung anong matitira dito ay kakainin ko mamaya." Nagsimula na siyang kumain.

After eating pumunta kami sa sala at umupo sa sofa. "Sige simulan na natin tong test na ito."

"Anong paborito mong laro?"

Falling For Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon