Day 9
Signs of Love
Caxton's POV
"Totoo ba yung sinabi ni Denise sakin? Nagdate daw kayo ni Franz kahapon?" Tinignan ko siya at kita kong may spread na rumors dito sa loob. Rumors lang kahit totoo naman, pero friendly lang yun hindi yun about ano...yah.
"Huy, totoo ba yun?"
"Hindi yun totoo, maybe nagpsread lang siya ng rumors tungkol samin."
"Ahh, i see...feeling ko na may gusto si Denise sayo. Mas maganda pa ay ligawan mo na siya." Tinignan ko si Tristan at kita kong excited siya. Liligawan ko ba si Denise? Alam ko naman na may gusto siya sakin first day ko pa dito. Actions niya ay medyo weird tapos minsan ko silang nakikitang mag-away ni Franz dahil sakin.
"Tristan ano sa palagay mo kung niligawan ko si Denise?"
"Well paningin ko ay maging masaya si Denise pero di ko alam sayo. Tanong ko muna, gusto mo ba siya or may iba kang gusto?"
"I already confess to Franz na gusto ko siya, ano mangyayari sakin?"
"Wait...you confessed?"
"Yeah, bakit?"
"Nothing...kaya pala lagi siyang lapit ng lapit sayo."
"Ano sa paningin mo?"
"Maging masaya si Denise ngunit ikaw ay hindi. Katulad lang ng mga novels at lovestories na yung bida ay pinilit lamang sa isang tao na hindi niya gusto dahil business or ano pa yun." Nanonood toh siya or nagbabasa kasi alam niya eh.
"Sa paningin mo kung kaming dalawa ni Franz ay magkasama."
"Kita kong maging masaya ka at si Franz din ngunit may isa or dalawang tao na maging hadlang sainyo."
Alam ko kung sino yung isa ngunit, sino pa yung isa? Tinignan ko si Franz at nagwave lang siya sakin with a simple smile. Pagkatapos ng class ay may iniwan si Maam na assignment samin.
"I want you all to be with your partner and do some research on global warming and tell me what is your perspective." Perspective ko man ay parang tanga yung tanong mo, alam mo naman na negative yung mga answers namin tapos pwede naman nilang sabihin na---ok pabida na tuloy ako.
"Bukas sa bahay ko. Dun tayo gagawa ng research natin." Sambit niya at agad naman siyang umalis. Nakatingin si Tristan sakin na pagtataka pero medyo kinikilig naman. Pumunta kami sa Canteen at bumili ng pagkain. Pagkatapos ay umupo kami sa upuan namin.
"Para sayo daw toh." Tulak niya yung isang topperware na may note ng pangalan ko. "Kanino yan galing?"
"Dunno, it was here before us." Tinignan ko yung note abd analyzed kung kanino yung hand writing. "Hmmm...may pagkain ka tapos may nagbigay pa sayo, akin nalang yan. Alam kong hindi mo yan mauubos." Kinuha niya yung pagkain ko.
"Hoy! Akin yan."
"Not anymore...hahaha" binuksan ko yung topperware at nakita ko na may kanin at itlog at hotdog. May sulat din kasabay sa pagkain. "Eat well baby. Love you."
"Yieee...feeling ko kay Franz yan galing. Ang sweet niyong dalawa, daig pa kaming magjowa." Sambit niya sakin at nagpatuloy sa kanyang ginagawa kanina. Kumain, may jowa din si Tristan kaso babae lang yung sa kanya tapos si Zyrues...hindi ko alam kasi hindi kami close ng ganun. Madalas lang kami maguusap at lagi siyang busy sa kanyang jowa.
Tinignan ko si Franz at nagwave lang siya sakin habang nagsmile sakin. Siya nga yung naghanda ng pagkain na ito. Kinain ko yung pagkain at nung natapos ay iniwan ko lang yung toppeware sa mesa. Medyo crowded yung lugar niya kaya hindi ako nakapasok dun.
Pumasok ako sa classroom at kinuha yung tshirt ko. Kinuha ko yung susi ng CR namin. May Public CR naman yung school kaso ayaw ng mga classmates kong gumamit nun kaya nagpagawa sila ng private CR nila.
Habang naglalakad na corridors ay medyo walang tao. Parang may class sila pero bakit wala akong naririnig na teacher nalelesson?
"Caxton...there you are."
"Ohh, hi Denise."
"San ka pupunta?"
"Sa CR...magbibihis."
"Ahh, sama ako." What?!
"Pardon?"
"Sasama ako sayo magbihis."
"Uhmmm...i change my mind dun nalang pala ako sa room magbihis." Dumaan ako sa corridor patungo sa CR namin.
"Hindi yan ang daan pabalik sa classroom mo." Sigaw niya kaya tumakbo ako at agad namang pumasok sa CR. Medyo malaki yung CR at may tatlong toilets kaya pumasok ako sa isa at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas naman ako.
"Ughh."
"Franz? Paano ka nakapasok na nasakin yung susi?"
"May susi din ako...ako yung isa sa mga holders ng susi ng CR at kay Jake na susi yung ginamit mo dito." Hindi ako nagsalita at parang isang akward time ito ngayon. Akala kong lalabas siya pero nandito parin siya nakatitig sakin.
"Uhmm...aalis na ako." Lumapit ako sa pinto ngunit hinaranangan niya ako. Nakatingin lang ako sa mata niya at hindi ko maiwasan na hindi maialis yung mga mata ko sa kanya.
"Wag mong kalimutan mamaya ah. Susunduin kita at maghintay ka sa gate kasi ayaw kong makita ka kasama si Denise."
Pinadaan niya ako at agad naman akong umalis. Tinignan ko yung paligid ko at hindi ko naman makita si Denise kung saan. Pumasok ako sa classroom at kinuha yung bag ko at dumiretso sa Dance room ko. Kelan pa kaya magrecuit si Sir ng bagong students dito?
Pagpasok ko sa loob ay puro petals yung paligid at sa gitna ay may malaking regalo na may note ng pangalan ko. Lumapit ako dun at binuksan yung regalo.
"Love you so much, Baby. Have fun dancing." Tinignan ko yung laman ng regalo at may extra tshirt at mga pagkain at tubig. Nilagay ko ito sa gilid at nilinis ang paligid. Amoy pabango yung room ko.
Pagkatapos kong magpractice ay lumabas ako dala yung bag ko at yung isang pagkain. Pagdating ko sa gate ay nakita ko yung sasakyan ni Franz papalapit sakin.
He parked his car infront of me. "Get in."
"Caxton...wag kang papasok diyan. Magshopping pa tayo diba?"
Binilisan kong pumasok sa loob at nung nakapasok na ako ay agad naman siyang nagmaneho. I looked back and i saw her stumping her feet like a baby.
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...