Day 5

249 16 0
                                    

Day 5

Auditorium.

Caxton's POV

Habang hinahanda yung mga notebook ko para sa isang subject ay napansin kong wala si Franz sa kanyang upuan. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko siya makita.

Hinintay kong dumating yung teacher namin ngunit hindi siya dumating dahil may meeting at aabot daw yun ng 4pm. Yung iba ay may planong umuwi sa kanilang mga bahay at yung iba ay pupunta sa mall.

"Caxton sasama ka ba samin mamaya?" Tanong ni Tristan. Sasama ba ako sa kanila?

"Ayy, sorry...practice pa ako mamaya eh."

"Diba sinabi ng teacher niyo na di ka raw muna magpractice dahil may injury ka?"

"Ok na ako ngayon...at hindi ko gustong sayangin yung oras ko sa loob ng classroom na walang ginagawa."

"If you say so..." umalis sila at pumunta sa Canteen. This is also a perfect time to tour around the Campus. Nagsimula ako sa Musical Arts, madaming guitars at pianos.

Pumunta ako sa room ng Visual Arts. Daming paintbrush at ibang gamit, nagtataka din ako kung bakit hindi nila ito nilock. Pumunta ako sa Vocal Arts at daming microphone at piano na nasa gitna ng room.

Naglakad ako at pumunta ako sa Gym. Ang laki pala ng Gym namin. May basketball court at yung mga bleachers. Pinatuloy ko yung paglalakad ko at dumating naman ako sa Campus Garden. Madami yung mga bulaklak pero bawal kumuha. Dumating naman ako sa Campus Tree. Di ko alam kung bat ito special ngunit nakalagay sa isang bato ay...

This tree was not touch during the construction of the Campus. Now it serves as a nice spot for students to study and to relax.

Umalis nalang ako at nakarating na din ako sa Auditorium. Pumasok ako ngunit sa hindi inaasahan ay nakita ko si Franz na nakatayo sa stage na may dalang guitar. Nagtago ako at sana hindi niya ako nakita. Narinig kong yung guitara niyang tumunog at agad naman siyang kumanta.

🎶"Say something im giving up on you."🎶 Hindi na ako nagtago kasi gusto ko siyang makita at medyo masakit na din yung likod ko kakatago dito.

🎶"I'll be the one if you want me to.
Anywhere, I would've have followed you.
Say something, im giving up on you."🎶 Naramdaman ko yung kanta ngunit bigla akong ngumiti na hindi ko alam kung bakit.

🎶"And i...feeling so small,
it was over my head.
I know nothing at all."🎶

🎶"And i...stumble and Fall,
Im still learning to love.
Just starting to crawl."🎶 Hindi ko maiialis yung tinigin ko sa kanya. Medyo may sinasabi sa utak ko na umalis na dito ngunit yung puso ko ay lagi akong pinipigilan na aalis.

🎶"Say something, im giving up on you.
Im sorry that i couldnt get to you.
Anywhere i would've followed you.
Say something, im giving up on you."🎶

🎶"Im sorry...im sorry, im giving up on you.
Anywhere i...would've followed you."🎶

🎶"Say something im giving up on us.
Say...something."🎶 natapos na siyang kumanta at bigla namang pumalakpak yung sarili ko. Nakita kong nagulat siya, kinuha niya yung bag ng guitar niya at umalis.

"Huy bat ka aalis?"

"Ayokong makita ka?"

"Bakit?"

"Basta..."

"Hindi moko gustong makita tapos hinatid moko kahapon? Ano ba yun?"

"Basta...pwede bang umalis ka na sa harapan ko?"

"Hindi ako aalis kung hindi mo sasabihin."

"Edi ako nalang yung aalis." Binitawan niya yung bag ng Guitar niya at umalis. Anong nangyari sa kanya? Medyo nagalit, sana hindi nalang ako nagpakita.

Sinundan ko siya kaso agad naman siyang nawala. Bumalik ako sa classroom ko at kinuha yung bag ko. Uuwi nalang ako, ako nalang yung natira sa classroom eh.

Habang naglalakad pauwi sa bahay ay may nakita akong isang familliar na sasakyan. Nilagpasan ko lang yun at pumasok sa bahay ko. Naghubad ako at kinuha yung towel at tinakpan yung ibabang parte ng katawan ko. Biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko at nakita ko si Franz na may dalang isang bag ng mga groceries.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Nakita ko na wala ng laman yung Fridge mo kaya ito. Para hindi ka mamatay sa gutom."

"Ehh paano mo nalaman?"

"Basta kunin mo nalang." Bigla siyang pumasok sa bahay ko at nilagay yung mga groceries niya sa mesa.

"Hmmm...medyo may hindi dapat akong makita dito ah." Tinigin niya sa katawan ko kaya agad ko yung tinakpan gamit mga kamay ko. "Ano tinitingin mo?"

"Hmmm...maligo ka na, ang baho mo na." Pumasok ako sa CR ko at naligo narinig ko siyang...is he moaning? Putik he is really moaning. Binilisan ko yung pagligo at pagbihis ko at agad akong lumabas.

"Why are you..." nakahubad siya ng tshirt niya at nakahiga sa kama ko. "Bat ka umuungol?"

"Streching lang." Ehh...kinuha ko yung tshirt niya at tinapon sa kanyang mukha. "Suotin mo yan...sabi kong bawal maghubad dito sa bahay ko."

"Aish, fine..." sinuot niya yung Tshirt niya at tumingin sakin ng masama.

"Bakit gusto mong umalis kanina dun sa Auditorium?" Hindi siya sumagot at tumingin sa ibang direksyon. Inulit ko yung tanong kasi hindi parin siya sumasagot.

"Wag mo na yung isipin...aalis na ako, mag-ingat palagi. Bye." Umalis naman siya at iniwan yung tshirt niya. Kinuha ko yun at pumunta sa labas ngunit nakapasok na siya sa sasakyan niya at umalis. Ano gagawin ko dito?

Bumalik ako sa loob pero may tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Denise na may dalang? Groceries?

"Caxton...i brought you something." Binigay niya sakin yung groceries niya pero hindi ko tinangap.

"May binili na si Franz para sakin at medyo madami nga yung binili niya."

"Wait?! Franz give you some groceries?"

"Yeah, bakit?"

"Kinuha niya lang yun sa mga regalo mula sa mga fans niya sa internet."

"Ano pala trabaho niya? Bakit may Fans siya?"

"Ayy...hindi niya ba sinabi sayo na isa siyang singer sa bawat Beer house dito sa city natin?"

"Ehhh, hindi eh..."

"Makikita mo siya bukas...dun sa isang KTV bar malapit sa mall."

"Sige...pupunta ako dun bukas."

"Sasamahan kita para may guide ka." Sambit niya at agad naman siyang umalis. Nakita kong iniwan niya din yung groceries niya at kinuha ko nalang. Sayang naman yun.

Falling For Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon