Day 10
Out of place.
Caxton's POV
Sabi ni Franz na susunduin niya ako dito kaya kinuha ko yung bag ko at lumabas. Nilock ko muna yung bahay at naghintay sa labas ng gate.
Nandito ako ngayon at naghihintay sa kanya pero hindi siya dumadating. Medyo malamig din ngayon kaya pumasok ulit ako at kinuha yung jacket ko. Pagbalik ko sa labas ay wala parin siya.
"Caxton!" Tinignan ko kung sino yun at si Denise pala at tumatakbo papunta sakin. Pumasok sana ako kaso nalock ko na yung gate namin kaya nahuli niya ako.
"Hali ka...punta tayo sa mall, its been a while since we dated." Hinawakan niya yung kamay ko habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan. Teka lang? Ano sinabi niya? We dated? Ngayon ko pang nalaman na nagdadate na pala kami.
Inutusan niya akong pumasok pero hindi ko yun sinunod. "Sige kung ayaw mong pumasok. Your going on detention for one day." Ehh?! Pwede ba yun? Pumasok nalang ako kasi ayaw kong madetention ng isang araw. Bumyahe kami papunta sa mall at nung dumating na kami dun ay agad naman kaming pumunta sa isang restaurant.
"Order po kami ng mga masasarap niyong pagkain." Baliw ba siya? Lahat naman ng pagkain dito ay masarap. Sinensyahan niya akong umupo dun sa table at agad naman akong pumunta dun. Malamig pa din kahit dito. Buti nalang na may jacket akong dala.
Habang siya ay kumakain ay tinignan ko lang siya at naghihintay na may magtext sakin upang sunduin ako dito.
"Wag kang maging tanga diyan, kumain ka."
"Wag na...im full."
"Shhh...full full ka pa, bukas mo yang bunganga mo." Seriously? Is she treating me like a baby? Im not a baby...anymore.
"Ganyan...sige kumain ka na." Kinuha ko yung kutsara at nagsimulamg kumain. She seems very happy at tumayo siya.
"Pupunta muna ako sa CR ah...dito ka lang." Tumango ako at pumasok siya sa CR. Biglang nagring yung phone ko kaya tinignan ko kung sino.
*nasan ka na? Nandito na ako sa bahay niyo pero wala ka.*
"Nandito ako sa Mall kasama si Denise...please bilisan mong pagpunta dito kasi ako ay masusuka na dito."
*im on my way. Pumunta ka sa Exit ng Mall nandun ako maghihintay.* binilisan ko yung pag-ayos ng gamit ko at agad naman umalis.
"Hou Caxton, bumalik ka dito!" Shit...tinignan ko at nakita kong nahihirapan siyang tumakbo dahil sa heels niya kaya kinuha ko yung oppurtunity at binilisan yung pagtakbo ko.
Naririnig ko pa siyang sumisigaw kaya tignan ko siya muli. Nakita kong tinangal niya yung heels niya kaya mas mabilis siyanh tumakbo. Pagdating ko sa labas ay nakita ko si Franz kaya pumasok agad ako sa sasakyan niya at agad naman siyang umalis dun.
"That was close." Hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya. Bakit siya galit?
"Galit ka ba?"
"What do you think?"
"Sorry naman...siya yung kumuha sa kamay ko at dinala ako sa mall."
"You didnt hesitate to say NO?"
"Uhmmm...hindi po."
"Ughh...thats why, she wont stop until you said no." Galit parin yung mukha niya. Nagseselos ba toh?
"Galit ka pa ba?"
"Medyo." Umupo ako ng maayos at nung dumating na kami sa bahay niya ay hindi ko inexpect ito. Pumasok kami sa bahay niya at nakita kong daming guitar sa paligid.
"Welcome to my wonderful hell. I mean home." Tinignan ko yung paligid at puno mga tshirt, guitars, papel na may mga nota at lyrics at iba pang unnecessary na mga gamit.
"Dito ka muna." Pinaupo niya ako sa kanyang maliit na sofa at kumuha siya ng hot chocolate drink sa kanyang thermos.
"
If you expect that i live in a very crazy mansion, well...not every handsome people live in a mansion." Handsome daw?
"Pfft...^whisper^ *handsome daw.*"
"If im not handsome why did you fall for me?"
"Lahh, hindi naman sa ganun pero...hindi ka handsome." Lumapit siya sakin at hinawakan yung ilong ko. Medyo masakit pero feel ko manhid ngayon kaya hindi ako nagreact.
"Dito ka matutulog ngayon."
"Ehh? Wala akong mga damit na dinala dito. Kaninong damit yun gagamitin ko?"
"You can use mine...some of my tshirts are extra large so you can use them."
"How about my underware."
"Well...you can use mine. I dont mind." Hindi ako nakasagot sa kanya at tinignan ko lanh siya. Medyo nandidiri ako sa kanya kasi hindi ko alam yung ginamit niya sa kanyang underware.
"Pwede ba akong bumalik sa bahay kasama ka upang kunin yung mga damit ko." Kinuha niya yung susi at lumabas.
"Hindi ka sasama?" Tumayo ako at sumakay sa kanyang sasakyan. Nagsimula kaming bumyahe at nung nandito na ako sa bahay ay agad naman akong kumuha ng mga gamit ko lalo na yung underware.
Paglabas ko ay nakita ko sina Denise at Franz. Nagaaway. Pumasok siya agad nung pumasok na ako sa loob at umalis. Tinanong ko siyang tungkol kanina pero ayaw niyang sumagot.
Pagdating namin sa kanyang bahay ay agad naman niya akong dinala sa kanyang kwarto at kinuha yung isang mattress na nakalagay sa kanyang closet. Hindi ko alam kung paano yun nakapasok pero sa kanya ay parang magic lang.
"Dito ka matutulog."
Tumango ako at nilagay ko yung mga gamit. May napansin ako sa mga guitar na nakalagay sa gilid ng room ay may pangalan ni Denise tapos may heart pa.
"Kanino toh galing?"
"Kay Denise."
"Bakit may heart?"
"We've been dating on that time so...you know."
"Bakit kayo naghiwalay?"
"Uhmm...naghiwalay kami nung dumating ka at nilandi ka niya yung first day mo pa. I broke up with her and planned to ruin your life in this school but turns out you became my wonderful friend." May plano pala to sakin dati.
"Ginagamit mo pa ba ito?"
"Hindi na...minsan tinatago ko nalang yan sa closet."
Tumayo siya at kumuha ng papel na nasa sahig at guitar. Pumunta siya sa labas at inayos yung mga gamit niya.
"Dito tayo gagawa ng homework natin."
" bakit may dala kang guitar habang gumagawa ng homework?"
"Just for fun..."
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...