Day 30
Daddy
Caxton's POV
maaga akong gumising dahil kailangan kong magluto ng pagkain para kay Franz at James. since kahapon ay timuring na namin si James bilang isang anak or minsan kapatid.
"Daddy Caxton." tinignan ko si James sobrang ayos ang araw niya.
"oh, James...ito breakfast mo." binigay ko yung noodles at yung natirang sisig kahapon. He gave me a warm hug at agad naman siyang kumain. gumising na din si Franz at umupo sa upuan.
"Uy nak...gising ka na pala." Sambit niya at ginulo yung buhok ni James. I just smiled looking at him. He would be a perfect father.
Binigay ko yung niluto kong fried chicken, binigyan ko din si James at agad naman silang kumain. Tinignan ko si Franz at sobrang saya niya tuwing masaya si James.
Nung natapos na kaming kumain ay agad naman siyang pumasok sa CR. Umupo lang si James sa sofa at nanood ng TV. Pagkatapos ni Franz maligo ay agad naman niyang kinuha yung damit niya na nakalagay sa likod ng kotse at agad naman siyang nagbihis.
Binigay niya din yung damit ko at inutusan akong maligo kaya agad ko namang kinuha yung towel na ginamit niya at yung damit ko.
Franz's POV
Pumasok na siya sa CR at lumapit ako kay James. Tinignan ko siya at medyo malungkot parin siya. Alam ko yung pakiramdam na ganito kasi...
Flashback...
I looked at Mom and Dad, They are fighting. Hindi ako lumabas ng kwarto at nung natapos na silang mag-away ay agad naman akong hinila ni Mom palabas.
"Kunin mo lahat ng mga gamit mo?"
"Bakit Mom?"
"Just do it!" Wala akong magawa kundi magimpake. Nung natapos na ako mag pack ay agad naman kaming umalis ni Mom sa kanyang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas at nakarating kami sa bahay ni Francine.
Pinapasok kami ng Mama ni Francine at agad naman kaming dinala sa playroom ni Francine. Hindi ko alam yung pinaguusapan nila pero hindi ako makalabas.
"Are you parents fighting again?"
"Yeah."
"Is it about money?"
"Maybe...i dont know." Binuksan ng Mama ni Francine yung pinto at wala na si Mom. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita at wala na din yung sasakyan. Iniwan lang yung mga gamit ko dun sa labas ng gate.
Tinignan ko sila at medyo naging Ok naman yung parents ni Francine pero hindi ko makakalimutan si Mom na iniwan lang ako ng ganito.
Flashback Ended...
I feel sorry for him everytime he misses his Family. Medyo masakit sa kanya kasi sinabihan siya na hindi na siya mahal ng mga magulang niya at iniwan lang siya.
Nung natapos ng magbihis si Caxton ay agad naman akong tumayo at pumunta sa kanya.
"Magbihis ka na agad...may pupuntahan tayo."
"Paano si James?"
"Sasama siya satin."
"Diba bawal yan dahil hindi tayo yung magulang niya?"
"Pshh...they dont care, so i dont care." Sambit ko at agad naman siyang pumunta sa kwarto na mukhang basement na dun sana kami matulog.
Lumapit ako kay James at umupo sa tabi niya. He looked at me with a complete no clue face.
"Ano po yung gusto mo Dad?"
"Gusto mo bang mag roadtrip tayo?"
"Mag road trip? Hindi ako nakapag-experience ng ganyan pero sabi ng kaklase ko ay sobrang saya daw." Kawawa talaga nito.
"So...this will be your first time on a roadtrip and I will promise you that you will have alot of fun today. So what do you say?" He smiled and nodded at me.
Nung natapos na si Caxton magbihis ay agad ko naman siyang inutusan na maligo. Agad siyang pumasok sa CR at naligo.
"Ano sinabi mo sa kanya? Excited na excited siya ah."
"Were going on a roadtrip."
"Roadtrip? Ehh...medyo nakakaboring naman yan Franz."
"Shh...its the kid's first time on a roadtrip so dont crush his expectation like that and besides...i will make sure that his roadtrip will be the most memorable thing in his 80 years of existance in this world." Tumango naman siya at agad namang umupo sa sofa.
Bumaba na si James mula sa kwarto niya at agad ko namang kinuha yung susi ng sasakyan ko. I looked at him and he is pretty excited habang si Caxton naman ay medyo...uhm, ok lang. Siya yung nagdala ng nga gamit ni James at nung napaandar ko na yung sasakyan ay agad naman silang nagsipasukan.
"Daddy, punta tayo sa Park." Tinignan ko si Caxton at tumango naman siya sakin.
"Sige...pero, bago tayo pupunta sa park ay dapat magpromise ka muna kay Daddy."
"Ano po yun Daddy?"
"Dapat hindi ka lalayo samin ni Daddy Caxton mo ah." Well, kailangan ko siyang protektahan.
"Sige Daddy, i promise." Sabi niya at tumango naman ako.
Caxton's POV
Nagsimula na kaming magbyahe at medyo nasasayahan naman si James nito. I looked at Franz and he is also happy seeing James happy.
Ngumiti naman ako dahil ang cute ng mukha niya tuwing nasasayahan siya. Minsan ko lang makikita yang mukha na yan kaya hindi ko pinaglagpasan at agad naman akong kumuha ng mga picture na hindi niya malalaman.
Hehe...blackmail, charot!
Pagdating namin sa Park ay agad naman niyang hinawakan yung kamay ko at yung kamay ni James.
Tinignan ko siya at bigla niya akong hinalikan sa labi. Putik may bata dito! Sige mukha kang girl ngayon.
"Franz...may bata oh."
"He wont mind." Sambit niya while smirking. Biglang bumitaw si James sa kanya at agad namang lumipat sa gitna namin at hinawakan yung kamay ko at kay Franz. Kasama din tong batang toh...aish, tinignan niya ako habang naglalakad kami.
"Daddy Caxton, pwede ba akong maglaro dun?" Tinignan ko yung tinuturo niya at isang swing pala. Tinignan ko muna si Franz at tumango naman siya sakin.
"Sure...sasamahan ka namin." Sambit ko at agad naman kaming naglakad papunta dun. Buti nalang na may upuan kaya hindi na ako magtatayo at maghihintay sa kanya.
"Bibili muna ako ng pagkain ah...intayin nyo ko dito." Sambit ni Franz at tumango naman ako sa kanya. Tumayo siya at pumunta dun sa isang stall.
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...