Day 30.2
Park
Caxton's POV
Habang naghihintay kay Franz na bumalik dito ay nakita ko sina Tristan at Zyrues. Ano ginagawa nila dito? Tinawag ko sila at agad naman silang lumapit sakin.
"What a coincidence." Sambit ni Tristan at agad naman niyang inakbayan si Zyrues. Umupo sila sa tabi ko at biglang lumapit si James sakin.
"Daddy, sino sila?" Tinignan ko sina Zyrues at Tristan at aba...shocking?
"Siya ay si Tito Tristan mo at siya ay si Tito Zyrues mo."
"Magkapatid ba kayo Daddy?"
"Hindi, magkaibigan lang pero mas maganda tawagin mo silang tito." Tumango naman siya at agad siyang bumalik sa slide. Dumating na si Franz at binigyan niya ng isang hotdog si James at umupo sa tabi ko.
"Sabi ko nga ba...may tinatago kayong kababalaghan samin noh?" May sinabi ka ba? Sambit ni Tristan at agad namang tumingin si Franz sa kanya. Binigyan niya ako ng hotdog at bumalik kay Tristan.
"May ginawa ba kayo? Ano..." may ginawa? Tinignan ko ulit si Franz at parang guilty naman siya.
"Anong ginawa?! Wala kaming ginawa noh!" Sagot ni Franz and Tristan just giggled.
"Yung ano...making a baby, like that?" Shit, yun pala yun? Agad naman akong tumayo at umalis dun pero hinawakan ni Franz yung kamay ko at pinaupo ako ulit.
"Wag kayong mahiya...kami lang naman ito." Putik...pwede private na yun.
"Wala kaming ginawa." Sabi ko at tumango nalang si Tristan.
"Paano kayo nagkaroon ng anak, ehh...hindi ko naman nakita si Caxton na buntis." Tinignan ko siya ng masaya at magpeace sign lang siya sakin habanag nakasmile. Nice joke dumbass.
"Iniwan lang siya ng nga magulang niya samin kaya kami nalang yung nag-aalaga sa kanya." Sagot ni Franz sa kanya at agad naman akong hinila ni Zyrues paalis sa kanila.
"Wag na tayong makinig dun. Medyo madaldal talaga yan si Tristan." Lumapit kami sa pinaglalaruan ni James at agad naman siyang lumapit sakin.
"Daddy...nauuhaw ako." Sambit niya at agad ko namang kinuha yung waterbottle sa loob ng bag. Binigay ko sa kanya at agad naman siyang uminom at binalik sakin.
"Thank you Daddy." Bumalik siya sa Slide na pinaglalaruan niya. Tinignan ko sina Tristan at Franz at nag-uusap lang naman sila.
"You know...you are a really Father to him." Sambit niya habang hinahawakan yung waterbottle. Ano naman problema nito? Tinignan ko siya at medyo naiiyak siya kaya tinanong ko siya pero hindi siya sumasagot.
"Ano problema?"
"Wala...medyo natutuwa lang ako na yung kaibigan ko ay sobrang galing umalaga ng bata." Ehh? Babaw naman ng excuse.
Bumalik kami dun sa upuan namin at sumunod naman si James. "Daddy? Nagugutom na po ako." Tumango naman ako at agad niyang kinuha yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...