Day 18

126 5 0
                                    

Day 18

Roadtrip

Caxton's POV

Habang naghihintay ng text mula kay Franz ay may kumatok sa pinto ko. Binuksan ko ito at isang matandang babae na humihingi ng tinapay.

"Teka lang po Lola, ah."  Pumunta ako sa kusina at kumuha ng anim na piraso ng tinapay at agad ko namang binigay kay Lola.

"Ang bait mo iho, someday you'll find someone that can give you back the kindness you gave to me."

"Sige po Lola, mag-ingat ka po." Ngumiti naman siya sakin at agad namang siyang umalis. Pagtinigin ko.

"Ang bait mo pala."

"Bakit ka nandito? Akala ko text mo lang ako?"

"I got bored texting...its more wonderful if i see you in person." Sambit niya sakin at agad naman siyang pumasok sa apartment ko.

"Kumuha ka ng mga damit mo..."

"Bakit?"

"May pupuntahan tayo." Sambit niya at agad ko namang kinuha yung maleta ko at nilagyan ng mga damit. Maleta lang yung walang gamit sakin kaya ito yung magagamit. Pagkatapos kong maglagay ng mga damit ko ay agad naman niyang binuhat yung maleta ko at nilagay sa van niya.

May Van pala siya. Tinignan ko yung Van ay may pangalan pa niya at nung pagpasok ng maleta ko sa Van. May pangalan din niya sa gilid.

"Hindi mo ba ito ninakaw?"

"Binigay ng may-ari ng KTV bar ito kaya no need to worry." Sambit niya sakin at agad naman akong pumasok sa loob.

Nagsimula siyang magmaneho at agad naman siyang pumunta sa bahay ni Tristan. Pagkita namin ay nandito din si Zyrues sa loob. Nag-guitar.

"Ano yung gusto niyo?" Tanong niya at agad namang lumapit si Zyrues samin.

"Gusto niyo bang sumama?"

"San?"

"Sa beach."

"Teka lang."  Sinara niya yung pinto. Medyo maingay sila sa loob at nung pagbukas ng pinto ay ready na silang pumunta sa Beach.

"San tayo na beach resort? I heard na maganda daw yung resort malapit sa city hall." Suggest ni Zyrues pero hindi naman sumang-ayon si Franz.

"Pupunta tayo sa isang lugar na hindi owned ng tao."

"What do you mean?"

"Basta...you'll see." Pumasok kami sa Van at agad ko namang kinuha yung back seat. Tinignan ko si Franz at binigyan niya ako ng sign na dun ako sa tabi niya uupo kaso hindi ko siya pinansin at agad naman akonh umupo.

"Bakit hindi mo sinama sina Jake at Kurt?" Tanong ni Tristan.

"I want to know my Boyfriend's friends." Sagot niya at agad namang nagpakita si Kyristal. "Who invited her?" Tanong ni Franz at agad namang tinaas ni Zyrues yung kamay niya.

Falling For Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon