Day 27
Moving in
Caxton's POV
While walking down the hallways with Franz holding my hand i cant help but wonder. Ano yung mangyayari samin after 5years? Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa daan. Medyo malalim yung inisip niya at di ko alam kung ano pero mas mabuti pang bigyan ko siya ng personal space niya.
Pagdating namin sa Room ay nakita ko na nandito na pala sina Zyrues at Tristan. Tinignan ko muna siya at hindi pa niya binitawan yung kamay ko. Kitang kita ko yung mata nilang dalawa na nakatingin sa kamay namin.
He gave me a kiss on the forehead and let me go.
"Study hard...i'll be watching you." I just looked at him at nung tumalikod na ako at papunta sa upuan ko ay naka-smirk lang si Tristan habang si Zyrues ay lumalaki yung smile.
"Uhmm...is there something that we need to know?" Tinignan nila ako habang naghihintay. I looked at Franz for a second and he is just playing with his Phone.
"He is moving in with me." They both gasp at agad namang lumapit si Zyrues sakin. Tinignan niya yung katawan ko. Nagtataka ako kung bakit nila ito ginagawa pero nung natapos na niyang tignan ay bumalik naman siya sa upuan niya.
"So, did you both do the deed?" The deed? Ano yan?
"You know...the Deed."
"Anong the Deed?"
"You know the Thing that People do when they are inlove?" Ano pinagsasabi nito?
"Kiss?"
"Not...more than a Kiss."
"Hug?"
"More than that." He gestured something and that made me realized na ang the Deed pala ay yung ano...yeah, you know what i mean.
"Wala pa." Tinignan ko si Franz at nakatingin lang siya sakin.
"Ahh, damn it."
"Bakit?"
"Wala...hahaha, gusto ko sabihin yun." He laugh very nervously at dumating na din yung iba kong mga kaklase. Hindi pumasok si Maam kaya nagsilabasan silang lahat.
"Caxton, sasama ka?" Tinignan ko kung sino yun at si Kyristal lang pala. Tumayo sina Zyrues at Tristan at sumama kay Kyristal. Sumama nalang ako sa kanila kasi hindi ko makita kung nasan si Franz. Habang naglalakad papunta sa Canteen ay nakita ko si Francine na nakatayo lang sa gilid.
"Ok ka lang ba, Caxton?" Tanong ni Kyristal habang sina Tristan at Zyrues ay nakatingin sakin.
"Ahh...opo, may pupuntahan muna ako ah." Tumayo ako at agad namang naglakad papunta sa Auditorium. Pagdating ko dun ay nakita ko si Franz na naglalaro ng Guitar niya. Nung nakita niya ako ay tumigil naman siya at agad namang lumapit sakin.
"Oh, miss me?" Putik?
"Hindi noh, nandito si Francine...parang may balak siya sayo." Mukha akong tanga dito.
"Ano? Natatakot ka sa kanya?" Hindi...pero hindi ako safe, putik parang babae na tuloy ako nito.
"Hindi...pero hindi ako sigurado na safe ako dito." He looked at my eyes while holding my face. He kissed me for a second and looked at me again.
"Dont worry, your always safe in my arms." He kissed me again and took his guitar.
"Alis na tayo dito...walang class ngayon dahil may event na pinuntahan yung mga teachers for three days." Sambit niya at agad naman kaming umalis sa Auditorium. Pagdating namin sa room ay hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit.
"Pwede mo na akong bitawan." I whispered.
"Fine but kunin mo lang yung bag mo at agad kang bumalik dito sakin ah." Sambit niya at agad naman akong binitawan. Kita ko sina Tristan at Zyrues na kinukuha yung mga gamit nila at nilagay sa Bag.
"San ka ba galing? Hinahanap ka namin sa buong Campus pero hindi ka namin makita." Sambit ni Tristan habang si Zyrues ay tinitignan lang siya.
"Sure ka? Natulog ka nga lang dito habang kami ni Kyristal ay naghahanap sa kanya." He just looked at me with a guilty face.
"Fine...naghahanap sila sayo."
"Tinignan niyo ba yung Auditorium?" Hindi sila nakasagot pero tinignan lang nila si Tristan.
"Uhmm...yun yung time na ako ay natulog." Sambit niya at agad naman silang bumalik sa kanilang mga ginagawa.
"Alam mo ba Caxton na walang pasok ngayon?" I nodded at agad naman niyang binigay sakin yung bag niya.
"San ka pupunta tapos nito?"
"Sa bahay lang, may gagawin pa ako dun eh." He nodded at nung natapos na sila ay agad naman silang umalis.
"Bye...ingat ka ah." I nodded at them at nagpatuloy silang naglalakad. Lumapit si Franz sakin at hinawakan yung kamay ko.
"Pwede mo ba akong tulungan?"
"Tulungan sa?"
"Magpack ng mga gamit ko." I nodded at agad naman kaming sumakay sa kanyang kotse at pumunta sa bahay niya. Pagdating namin dun ay binuksan niya yung pinto at lahat ng mga gamit niya ay nasa sahig.
"Ganito ba yung bahay mo pag-alis mo?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Tinignan niya yung isang tshirt niya at may mga butas na parang ginamitan ng gunting.
"Blank space theme siya." He looked at me very seriously at agad naman akong yumuko.
"Si Francine yung gumawa nito."
"Paano mo nalaman?"
"Lahat ng mga binigay niya ay puro nasira kaya siya yung gumawa nito." Tinignan ko yung Guitar niya na may pangalan ni Francine at nasira na din yun. Kinuha niya yung isang box at nilagay yung mga damit na natira. Tinulungan ko din siyang kunin yung mga gamit niya.
Kinuha ko yung shorts niya at binigay ko agad sa kanya. May nakita akong isang short na sobrang ikli kaya binigay ko agad sa kanya. Agad naman niyang kinuha yun at nilagay sa pinaka-ilalim ng box.
"Ano yun?"
"Gusto mo talagang malaman kung ano yun?"
"Wag nalang..." nung natapos na kaming magpack ay agad naman niyang nilagay yung mga gamit niya sa loob ng sasakyan. Pumasok ako at sumunod naman siya. Tinignan ko siya at medyo pagod na siya.
"Can you give me a kiss?"
"Bakit? Inubos mo na kasi yung kisses ko."
"Para may gana akong magmaneho." Tinignan ko siya and he just gave me his puppy eyes at wala akong magawa kundin bigyan siya ng kiss.
"Hahaha, i know that you cant stand against my Cute puppy eyes." Psshh...daming satsat.
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...