Day 19
New Cast
Caxton's POV
Isang week na ang lumipas nung naging kami na ni Franz at medyo normal naman yung relasyon namin subalit habang tumatagal ay medyo nag-iiba na yung ugali niya. Hindi na siya mapaalis sa cellphone niya at tuwing nagcecellphone siya ay mukhang problemado siya.
"May binibigay na letter si Franz para sayo." Sambit ni Denise at agad namang binigay yung letter na galing kay Franz. Kinuha ko yun at agad namang binasa.
"Meet me at the Auditorium this afternoon." Tinignan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Busy siya sa cellphone niya at mukhang problemado yung mukha niya. Maybe naglalaro siya tapos natatalo na kaya ganyan yung mukha niya.
Pumasok si Sir dala yung isang papel. Tinawag niya si Denise at pinasulat lahat ng nasa papel dun sa blackboard. Tinignan ko si Kyristal at mukhang ok naman siya. Pagkatapos nung pagsusulat ni Denise ay agad namang nagsilabasan lahat ng mga kaklase ko.
"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ni Kyristal.
"Gutom na siguro sila, hali...sama kayo sakin libre ko kayo." Sambit ni Tristan at agad naman kaming pumunta sa Canteen. Kita ko yung iba kong classmates.
Habang naghihintay kay Tristan at Zyrues na bumalik dito dala yung pagkain namin ay agad namang kinuha ni Kyristal yung tubig ko.
"Hoy, akin yan!"
"Pfft...im thirsty." Hindi na ako umangal at binigay nalang sa kanya yung tubig ko.
"May problema ka ba?"
"Wala."
"Well, you can tell me." Sabing wala.
"Wala nga eh."
Hindi niya ako tinigilan sa mga tanong niya. Gumawa nalang ako ng mga problema kaya nung hindi niya alam yung isasagot ay tumigil siya. At tatanong nanaman ulit. Inuubos mo pasensya ko tanginabitch ka.
Bumalik na sila dito dala yung mga pagkain namin at agad kong kinuha yung sakin. Tinignan ko si Franz at nandyan parin siya sa cellphone niya at yung mukha niya ay hindi nagbago.
Kumain nalang ako at tinignan sila Tristan at Zyrues na sobrang saya. Ganyan pala yung feeling na may nagmamahal sayo. Inubos ko yung pagkain ko at agad namang pumunta sa Room. Kinuha ko yung letter na binigay niya sakin at agad ng pumunta sa Auditorium. Pagdating ko dun ay wala pang tao pero after a few minutes ay pumasok na din siya.
"Bat ang aga aga mo dito? Diba sinabi ko sayo dun ay pagkatapos ng mga class?"
"Mas gusto kong maging maaga dito upang makita ka agad." Sambit ko and he giggled. He walks toward a chair at dun siya umupo, tinawag niya ako at dun daw ako sa kabilang upuan umupo.
"Franz?"
"Hmm?"
"May problema ka ba?"
"Wala, bat mo natanong?"
"Yung mukha mo nung nasa Canteen ka. Habang ginagamit mo yung cellphone mo ay mukhang problemado ka."
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...