Day 15
Hard Feelings
Franz's POV
Binuksan ko yung room at agad naman akong pumunta sa upuan ko. Nilagay ko yung head phones sa tenga ko at naghanap ng magandang kanta para kay Caxton.
Napansin kong may pumasok sa room pero wala akong pake alam. May sumundot sakin kaya agad ko siyang tinignan with my disturb face.
"What?" Tinangal ko yung earphones ko at tinignan siya ng maiigi. Bigla siyang pinawisan.
"K-kasi..."
"Kasi what?"
"Nay favor sana ako sayo."
"At ano naman yun?"
"Pwede bang kumanta ka ng Apology song para kay Zyrues." Ehh, aba...sino naman siya para gawin ko yun?
"Who are you?"
"Please Franz...i know that were are not close but please. I need your help."
"Sorry, i have a song to play later."
"Para kanino naman yan?" Hays...hindi talaga titigil. Sarap suntukin pero wag lang baka mapagalitan pa naman ako.
"Kay Caxton." Lumuhod siya sa harap ko at kasama yung namakaawang niya mukha.
"Franz please...sige na, kailangan ko kasi ito eh. Alam kong ikaw nalang yung chance ko upang makuha ko ulit siya." Teka, inlove siya kay Zyrues? Aww...ok ganyan pala.
"Kung gagawin ko yang pabor mo, hindi mo na ako gugulohin?"
"Opo, hindi na." Pinatayo ko siya at pinaupo sa tabi ng upuan ko. Kinuha ko yung notebook ko at ballpen.
"Anong kanta yung gusto mong ikakanta ko?"
"Yung Apology song."
"Hmmm...may nagawa ka bang mali?"
"Opo." Oo nga pala, what a dumb question Franz.
" How about Sorry."
"Kahit ano basta magustohan niya lang." Aba napaka bubu naman nito. Tinatanong ko kung anong kanta tapos ako pa yung bahala.
Caxton's POV
Hindi ko alam kung bakit si Zyrues natulog sa bahay ko at ngayon ay sabay kaming naglalakad papasok sa room. Pagdating namin ay nakita naming nag-uusap sina Franz at Tristan.
Tinignan ko si Zyrues at agad naman siyang pumunta gilid ng pinto dun sa last row at dun siya umupo. Wierd umupo ako sa upuan ko at agad namang pumunta si Trista at umupo sa kanyang upuan.
"Anyare kay Zyrues?"
"Long story pero gusto kong isama mo siya sa Auditorium mamaya."
BINABASA MO ANG
Falling For Him
RomanceBL Series 1: Falling for Him. Si Franz ay isang Guitarist at Singer sa isang Universidad at sa isang KTV bar. Nung dumating yung isang transferre sa school niya ay agad namang nag-iba yung sarili niya. Tuklasin yung story ni Franz at Caxton sa isang...