Day 4

265 17 0
                                    

Day 4

Bully

Franz's POV

"Franz, yung lalaki na binubully natin ay lumipat na ng school. Sino naman yung ibubully natin?" Tanong ni Jake.

"How about yung transferree? Diba partner mo naman siya?"

"Yeah partner ko siya."

"Maganda siyang ibully dahil bago pa."

"Medyo matigas yung utak nun."

"Paano mo nalaman?" Basta. Tumayo ako at bumalik sa upuan ko, dumating na si Caxton at tinignan ko sina Jake. May plano sila. Lumapit si Caxton sakin. "Mamaya ah, gagawin pa natin yung test." Tumango lang ako at umalis na siya.

Caxton's POV

Pumasok na si Sir at inutusan si Tristan na kunin yung mga test papers. Ayy, tapos na pala yung test? Kinuha naman ni Tristan yung sakin at nilagay sa pinaka-ilalim.

"May alam ka ba kung bakit tayo pinapagawa ng ganitong test?"

"Hindi...bakit?"

"May gustong student yung Guidance Counselor ngayon kaya gumawa siya ng ganyan na test upang malaman pa niya kung anong personality nung lalaki."

"Paano mo nalaman toh?"

"Nangyari na din ito dati at ako pa yung pinili niyang target." Sambit ni Zyrues at bumalik na si Tristan.

"Umm...ano pinag-uusapan niyo?"

"Wala...wag mo ng isipin." Umupo siya sa upuan niya at kumuha ng papel. Lumipas ang ilang oras at pumasok kami sa Canteen.

"Pupunta muna ako sa CR." Umalis ako at pumunta sa CR. Habang naglalakad may napapansin akong tumatawa.

Pumasok ako sa CR at napansin kong wala namang tao. Ginawa ko yung business ko dito at nung natapos na ako ay lumabas naman ako.

"Well, what a surprise." Sambit nung kasama ni Franz sakin at bigla namang lumapit yung isa niyang kasama.

Hinila niya ako at hinagis ako sa isang pader. Bumanga yung ulo ko at dumilim yung mga paningin ko.

....

"Caxton gumising ka. Hoy!" Dinilat ko yung mga mata ko at nakita ko si Denise na nasa tabi ng higaan ko. Nasan pala ako?

"Anong nangyari sayo?" Tinignan ko yung paligid at nasa clinic pala ako ng school. "Hoy sumagot ka?"

"Hindi ko maalala eh, naalala ko lang ay nasa CR ako at biglang dumilim yung paningin ko."

"May nakita ka bang mukha?"

"Meron pero di ko madescribe kung sino dahil nawalan ako ng malay."

Biglang pumasok sina Tristan at Zyrues aa loob. Agad namang umalis si Denise at lumuhod sa harap ko si Tristan.

"Anong nangyari sayo?"

Falling For Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon