3rd

1.2K 69 3
                                    

Thinking

Sofia's Point of view

ARGHH! Mabilis akong nagmartsa palayo sa desk ng gagong yun!
Ugh! Nakakainis sya! Sobrang sungit! Mabuti nalang at gwapo sya. Ah basta! Nakakainis talaga sya! Kung hindi ko lang talaga sya professor nasapak ko na yun! Fuck him!

I can say na buong araw akong wala sa mood habang nasa klase, pasalamat nalang ako at hanggang pakilala lang ang naganap.

"Oh? Bakit nakabusangot ka dyan?" Natatawang tanong ni David.
Di ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala ang tukmol na to.

"Tss! Tawa pa! Happy ka na?" Naaasar kong tugon.

Bahagya namang sumeryoso ang mukha nya.

"Di nga, seryoso ako. What's wrong with you and why you look so upset?" Seryosong tanong nya.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Don't worry.. I'm fine" tanging sambit ko.

Bigla nya akong inakbayan.
"Cheer up! Bestfriend kong napakaganda!" Alu nya sakin.

"Thank you bestfriend kong pogi!" Sigaw ko sa kanya.

"HAHAHAHA!" Tumawa kaming dalawa.

"Oh andyan na pala si Manong Canor!" Sabi ni David.
Nilingon ko ang gate ng BLU at nakita ko nga ang SUV namin.

"Sabay ka na sakin?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman sya at ngumiti.
"Di na.." aniya.

"Sigurado ka ha?" I asked.

Hinaplos nya ang buhok ko at bahagyang inalo.

"Ano ba?! Magugulo yong buhok ko!" Sumimangot ako.

"Hahaha.. sumakay ka na dun.babye!" Aniya kaya tumalikod nalang ako.

Bago pa ako tuluyang pumasok sa SUV kinawayan ko muna si David.

Napangiti nalang ako.
Sana nandito si Julia...

Buong gabi akong tulala. Kahit nasa kainan na kami.

Ang dami paring pumapasok sa isip ko.

Bakit kasi professor ko sya? Ugh! Nakakainis!
Ewan ko kung anong labis na ikinagagalit ko.
Sayang talaga. Hala! Anong sabi ko? Sayang? Eww.. mag hunos-dili ka Sofia! Kahit ang gwapo gwapo ng sir mo, bawal parin yun.
Tss!Hindi kasi. What I mean is sana estudyante nalang sya... E di sana walang punishment..
Arghh! Naalala ko ang mukha nya kanina. Ang boses nya.. at ang kilos nyang puno ng awtoridad. Yung tipong wala kang kawala! Bwisit sya! Bakit sa lahat ng pwedeng ipunish ganun pa. Pwede namang ipa Jug nya ako ng one whole sheet of paper back to back with "Sorry Sir. I will not do it again" on it. Bakit ganun pa ang naisip nya! Secretary? Ano daw? Biddle? Taga check ng attendance? Tapos pag malate ng pasa another job? Wtf! Nag-aaral ako hindi nag-aapply ng trabaho.
Eh ikaw din kasi Sofia! Ba't kasi bigla kang naging masungit kaninang umaga eh mabait ka naman ah!Hays. Bahala na nga. Pasalamat sya at gwapo sya. Hanudaw? Harot mo!

"PIYANG!!!"

"Ay talong ni Sir!!"

"Anong sabi mo anak?" Tanong ni Mamay.

"Wala. Bakit kasi kayo nanggugulat Mamay?! Papay?!" Tanong ko.

"Eh kasi kanina pa kami talak ng talak at tanong ng tanong sayo dito pero wala kaming sagot na natatanggap mula sayo."ani Mamay.

"At ano yung sabi mo Piyang? Crush mo yung sir mong gwapo?" Dagdag naman ni Papay..

Para naman akong nasamid.

"Anong crush?! Sinabi ko ba yun?" Tanong ko.

"OO SINABI MO KANINA!!" sabay nilang sigaw.

"Mamay! Papay! Low down your voice! At syaka. Hindi ko sinabi yun noh? Bakit naman ako magkakacrush sa kanya? Kay Sir? No freaking way! Gwapo nga sya, ubod naman ng kasungitan!" Sigaw ko.

Pahamak ka talaga sir!!

"Ganun ba... Ah basta, sinabi mo talaga yun kanina" ani Papay.

"Wala po talaga akong crush Papay..." Pangungumbinsi ko sa kanya with matching pout pa.

"Oo na! Kumain ka na dyan!" Anila. Tapos na pala sila tapos ako? Di ko pa nagagalaw ang pagkain ko! Ikaw may kasalanan nito Sir! I hate you! I really do!

****

Ps; vote😍

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon