Memories
AGAD kaming nagtungo sa bahay nina Lola at Lolo. Hindi masyadong malaki ang bahay nila pero sapat na para sa kanila. Nagsilapitan sila sa amin at agad kaming sinalubong ng yakap.
"Ang laki laki mo na, Apo!" Sigaw ni Lolo ng yakapin ako. Nagmano ako sa kanya at kay Lola.
"Gwapaha ba aning bataa!" Sigaw ni Lola na agad akong natawa. Bisaya si Lola ko ngunit minsan ay nagtatagalog naman sya.
(Translation:Kay ganda bang batang to!)
"Salamat po,Lola!" Ani ko.
Inimuwestra nila ang loob kaya pumasok kami doon. may maliit na lamesa sa gitna na napapalibutan ng upuan. Hindi sila gawa sa bakal, it's a furniture! Gawa sa kahoy at kawayan, It's awesome! Umupo kami dun at masasabi kong matibay iyon.
One girl entered the house and when I saw her face who is directly on me, I smiled.
"Jessylyn!" Sigaw ko at mabilis syang yinakap. She's my cousin.
"Ate Sofia!" Sigaw nya.
Maya-maya pa'y sinenyasan ko si Pia na lumapit.
"Jessylyn, ito si Pia. Kaedad lang kayo. Pag amiga kayo ha?" Ang hirap magsalita ng bisaya HAHAHA.
Tumango naman sya at nagkausap sila ni Pia, Ewan ko kung nagkakaintindihan ba sila, tss.HAHAHA.
Lumabas si Lola galing sa kusina na may dalang pagkain. Natakam ako sa pagkain na dala nya, prutas ba yan? Nakalimutan ko ang pangalan ngunit namiss ko yan!it's been a year!
"Kumain muna kayo! Pasensya na at kamote lang ang naluto ko!" Ani Lola
Namilog ang mata ko. Oo nga!Kamote!
Lumapit kami dun at kumain. Napangiti ako, I miss this, masasarap pala talaga ang pagkain sa bukid. Mas magandang mamuhay dito. Kung wala lang talaga ang pag-aaral ko at kompanya namin dun sa Maynila,siguro ay andito parin kami.
Fresh air, Living peacefully.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako sa kanilang lumabas muna saglit. Sinama ko si Pia at Jessylyn.
"Saan tayo ate Piyang?"Tanong ni Pia.
"Basta, somewhere.."ani ko.
Balak kong pumunta sa malaking puno ng mangga.madadaan ito mula sa likuran ng bahay nila Lola.
Ng matanaw ko ito ay napangiti ako. Andun parin iyon, matatag hanggang ngayon, ang ipinagbago lang ay mas gumanda ang paligid. Isang swing lang ang nandun dati ngunit ngayon ay may tatlong swing na at may mga nag gagandahang bulaklak. Klase klase. May Daisy, Rose at Vietnam rose. Nakatanim ito sa gilid ng daanan.
"Wow!Ang ganda!" Manghang manghang sabi ni Pia.
Tumakbo agad ang dalawa sa swing . Pumunta ako sa upuan sa gilid ng puno. Memories flashed.
Nakita ko ang batang ako at si Chris.Umupo ako sa swing, wala sana akong balak mag swing ngunit bigla nyang itinulak ang swing ng pagkalakas-lakas kaya halos humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ng umindayog ito ng napakalakas.
"Kuya Chris! Oh My god!" Naghihisterya na ako, samantalang bumulalas lang ng tawa si Chris.
"Kuya Chris!ihinto mo na!" Sigaw ko, inihinto nya na iyon pero sumimangot sya
"Bakit ka nakasimangot,huh? Ikaw nga tong may atraso sa akin!"sigaw ko.
"I don't want you to call me kuya!" Asik nya.
"Ano?tagalogin mo bwisit!"
"Ayokong tawagin mo akong kuya, Chris lang ang itawag mo sa akin." Aniya.
"Yun lang ba, okay fine!" Ani ko.
"Ang pangit ng mukha mo kanina!"bigla syang bumulalas ng tawa kaya sinapak ko sya. Tumakbo sya ng tumakbo kaya hinabol ko sya. Naghabulan kami sa damuhan.
"Ugh!maganda kaya ako!" Giit ko ,naiirita.
"Hindi eh!" Aniya at patuloy na tumakbo.
Ng maabutan ko sya, pinag sasapak ko sya dahil sa inis.
"Oo na, maganda ka na!"aniya at bigla akong kiniliti.
"Chris!" Todo tawa ko. Hinihingal na ako.
"Tama na Chris!" Ani ko.
Tumigil sya at tumawa. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa pangingiliti nya.
Umupo kami sa damuhan at ginulo nya ang buhok ko.
"Sana magkaedad lang tayo!" Aniya.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman?"
Tumawa lang sya at umiling.
"Ang gwapo mo talaga ,Chris!pwede kang mag artista paglaki mo!" Turan ko.
"Hmm.. ayoko,mas gusto ko maging guro.."aniya.
Napangiti ako sa naalala.
Memories will always be there.
Kahit marami ng magbago, mananatili parin ang ala-ala.Ala-alang gusto kong balikan.
Sana, Chris. Guro ka na, kasi ako nag-aaral pa. Sana dumating ang araw na makita ulit kita. Hindi mo ba ako namiss? Hindi mo ba namiss ang kagandahan ko? Kasi ako?Miss na kita. Hindi ko na maalala ang mukha mo. Naalala kita kanina ngunit blurred ang mukhang nakikita ko. Sana ako naaalala mo pa, Para pag magkita tayo may makakakilala man lang sa atin kahit isa.Memories. Memories will bring us back to the times where happiness are all in us.
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]
CasualeAng simpleng babae na si Sofia Vienna Caronia at ang lalaking si Christian Jacob Villarieno ay matinding nagmamahalan, Kahit pa sa katotohanang ang kanilang pagmamahalan ay isang malaking bawal. Ngunit nang mabigyan ng pagkakataon na pagbigyan ang k...