22th

846 39 2
                                    

Loading

Sofia's Point of view

"And our Ms.BLU 2018 is Candidate number.."kumabog ang puso ko. Okay lang kung hindi ako mananalo, atleast  I tried.
"Candidate number four!Sofia Vienna Caronia!"nanlaki ang mata ko sa gulat.

I won! Tears pooled from my eyes, happy tears! I didn't expect it!

Sinuot sakin ang silver crown. My crown! Sobrang saya ko.

"Congrats! Sabi na nga ba eh!" Sambit ni Mia. Ngumiti ako at yinakap sya.

"Thank you Mia!Congrats din! You made it to 3rd runner up!"

Marami pang dumalo sakin. Sina Mamay at Papay na parehong naluluha. Si Pia, Si Trisha and ofcourse si David! Naglahad din ng yakap si Jonas na pinaunlakan ko naman.

"You are so gorgeous!you deserve it!" Aniya.

"Salamat sa suporta at pagtitiwala Jonas!" Sigaw ko.

May narinig akong tumikhim sa aking likuran."Ms.Caronia." omg! I know this baritone voice.Humarap ako at nakita ko ang pinakagwapong nilalang na naglahad ng bulaklak.Tinanggap ko iyon. Nanginginig na ako sa kaba, kanina pa to eh. Pasalamat nga ako at di ako nadapa. 8 inches hills kaya yung sinuot ko.

"Congratulations! I know you will win.." aniya.

I'm bit confused. Na baka, nanalo ako dahil isa sya sa mga judges. Pinagdudahan ko pa tuloy ang kakayahan ko.

"T-thank you sir." Sabi ko.

"You seems bothered? Did you think that you won because of me?" Diretso nyang tanong.

Umuurong na ang aking mga paa. At tudo-tudo na ang kaba ko.

"Uhm" wala akong masabi.

"Isa lang ako. May tatlo pang judges. Walang panama yung akin kung iba ang binoto nila." Aniya. Tama nga naman."You won not because I favored you, You won because you can do it!You look like a goddess to me!You amazed me too much tonight Sofia.. And I'm so bothered by your many admirers" aniya.

Umiling ako. "Mga classmates ko lang ang mga yon." Hindi ko alam kung bakit gusto kong magpaliwanag.

"Still, They like you." Naestatwa ako sa sinabi nya.

Tumalikod ako at dinalohan sina Trisha. Di ako mapakali ewan ko.

Siniko ako ni Trisha. "Anong sabi?"

"Nag congratulate lang." Ani ko.

"Weh? Eh bakit parang balisa ka? Uyy!" Panunuya nya.

"Wala nga!" Sambit ko.

Dumalo nalang ako sa iba pang judges at nag picture taking muna kasama sina Mamay,Papay,Pia,Trisha at David.

"Sya naman at ang mga judges!"sigaw ng photographer kaya nabalisa ako.

Mas lalo akong kinabahan nang sya ang nasa tabi ko.

"You look nervous.." aniya.

"I'm not!" Agap ko.

Humalakhak lang sya at tumingin na sa camera..
Hindi ako makangiti ng maayos

"I know I am that handsome, but don't be nervous." Sambit nya pagkatapos,nasa likod ko.

Huminga ako ng malalim at hinarap sya.
"Ang yabang mo din no!"

Hinila nya ako papunta ng backstage, halos busy naman lahat ng tao kaya walang masyadong naka pansin.

"Ano ba?"Asik ko.

Ngumiti sya. Damn that smile!

"Why? Mas gwapo pa ba yung Montalba na yun?" Bigla nyang banggit.

"Huwag mong isali si Jonas dito!" Giit ko.

Umigting ang panga nya.
"At ngayon pinoprotektahan mo sya?"

"What are you talking about?huh. Sir?" Diniinan ko talaga ang sir. I need to stay calm kahit na hindi na mapakali ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito

Nalaglag ang balikat nya "You avoided me, you didn't even reply to my emailed. And you we're so closed with that boy, I'm going crazy Sofia." Parang may nagbara sa lalamunan ko sa sinabi nya.

"What's wrong with you?"

"Nevermind! Congrats again!" Nagbanta syang tumalikod kaya hinila ko ang kamay nya para ipaharap. Napatingin sya sa kamay ko kaya agad akong bumitaw.

"Please tell me, Jacob? What's wrong?" Ani ko,kinakabahan.

Humalukipkip sya sa harapan ko

"It's for you to find out" aniya at biglang umalis.

Naiwan akong laglag panga.

Hindi ko talaga sya magets!

(😚)

 

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon