25th

834 37 0
                                    

Probinsya

NAGISING ako kinabukasan dahil gininsing ako ni Mamay. Aniya'y mag impake na daw ako ng gamit ko dahil pupunta na kami ng probinsya nila. Well, Sem break na kaya ayun, magbabakasyon kami. At syaka Sabado ngayon at sa Martes and birthday ni Lola Mari kaya pupunta talaga kami.

Hinalughog ko ang kabinet ko, kumuha ng mga damit. Kumuha rin ako ng ilang mga swimwear kasi alam kung sa ilog na naman ang settings ng birthday ni Lola, just like the old years.

"Ready ka na ba, Pia?" Tanong ko.

"Oo naman ate Piyang! Sana ay magustuhan din ako ng Lola at Lolo mo!" Tumango ako sa sinabi nya.

"Ofcourse!That's for sure."sambit ko at sabay na kaming bumaba ng hagdan.
Naabutan namin sina Mamay at Papay na naghahanda ng breakfast.

"Kumain muna kayo pagkatapos tutungo na tayo" ani Mamay.

Umupo kami ni Pia dun at nagsimula ng kumain.
Last year dun din kami nag bakasyon, maganda talaga dun!

Andun kaya si Chris? Ah baka wala! Tatlo'mpong taon ang nakalipas ay umalis na sila doon,anila'y sa Manila na sila maninirahan. Wala na tuloy ang excitement ko tuwing pumupunta ako dun, kasi wala na ang kababata ko. I am 20 years old now. So, I was 7 years old back then, at 12 years old si Chris.

Summer non ng pumunta ako sa ilog, ang lugar kung saan kami palagi ni Chris, pero ilang oras na ang paghihintay ko pero walang Chris ang dumating. Umiyak ako ng umiyak nun. Kasi akala ko dadating sya at maliligo kami. Tapos gagawa kami ng bola gamit ang buhangin at hihintayin na tumigas ito.
Hapon na pero wala parin sya, nakatunganga lang ako dun habang naghihintay sa kanya. Nauumay na ako kaya umalis nalang ako doon.

"Lola!Lola!Hindi dumating si Chris!"Pagsusumbong
Ko kay Lola habang umiiyak.

"Diyos ko namang bata ka! Pinag-alala mo kami!Kumain ka na dito!" Aniya.

"Lola, Puntahan po natin si  Chris" pagmamakaawa ko

Bumuntong hininga si Lola"Tumawag ang Lola nya sakin kanina. Sabi niya luluwas na daw sila ng Maynila at dun na maninirahan. Apo" namilog ang mata ko at humagulhol pagkatapos.

Napailing nalang ako sa naalala. Nang mag highschool na ako lumuwas na din ako ng Maynila pero hindi ko na talaga nahagilap si Chris.

Sumakay na kami sa SUV namin at nagsimula ng magmaneho si Manong Canor.

Anim na oras ang byahe patungo doon kaya umidlip na muna ako.

"Hi Wifey, I miss you.." nakangiting sambit ni Jacob.

"Jacob!" mabilis ko syang yinakap. "I miss you too, natagalan ka?" Tanong ko.

"May pinakuha pa si Lola sa probinsya eh." Aniya.

"Ganun ba? Pasok ka na, hinihintay ka na ng mga anak mo." Sabay kaming pumasok sa mansyon.

"Daddy!"sabay na sigaw ng kambal.

"Oh, my babies!" Ani Jacob at dinaluhan ang mga anak.

Naalimpungatan ako sa isang yugyog.

"Ate, Kain daw muna.." ani Pia.

"Uh. Sige,"

"Bakit ka nakangiti ate? Napanagipan mo crush mo no?" Natatawang sabi nya.

What the hell? Anong klaseng panaginip yun? Si Sir at ako mag-asawa? At may anak kaming kambal?Fuck. When I was a kid, I always dreamed about being an princess on the palace like Cinderella and Snow White. But now? Why I always dreaming something about being with someone. It started when I was on BLU. And of all people, Why my professor is always on my dreams?

Noon, sabi ng mga matatanda kapag daw nananaginip ka, naliliwaliw daw ang kaluluwa mo sa kung saan o kung nasaan ka sa panaginip mo.So, Does that mean even my souls are hungry of his presence? Does that mean I really dreamed of him? Of being with him?

Oh girl, you should stop thinking now! You sounds so obvious!

Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa byahe. Ilang oras pa ang lumipas at narating na namin ang probinsya.

Naaamoy ko na ang sariwang hangin ng probinsya.

We're here.

(A/N: baka magkatoo ang panaginip mo Sofia ha? Chos! Jusmeyo, ilang beses ko ng napanaginipan si crush pero wala parin nangyayaring kahit isa dun!HAHAHA joke lang. Wala akong crush,Share ko lang.)

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon