28th

792 31 0
                                    

Sya nga ba?

"I'm so fucking tired!" Reklamo ni Peter pagkauwi namin.

"Watch your mouth,Peter!" Asik ni Aleya,His sister.

Dumapa ako sa sahig na may nakalagay na kumot. Nakakapagod. Well, normal talaga,kapag magtatampisaw ka talaga sa ilog, manghihina ka pagkauwi.kinuha ko ang phone ko. Mabuti at may signal naman. Agad kong ipinost ang mga pictures namin kanina sa Instagram at Facebook.
With a caption:

'Happy 78th Birthday Lola!Family bonding worth treasuring'

Nagtabi kaming lahat magpinsan. Kaya tinago ko na ang cellphone ko.

"Nag-enjoy ako grabe!" Sigaw ko bahagyang nakapikit ang mata.

"Iba parin talaga basta pamilya ang kasama mo sa paglilibang!" Si Michael.

"Bakit? Sino ba madalas mong kasama?" Patuyang tanong ni Ate Em.

Tumawa ako ng bahagya.

"Si Jea." Aniya na ikinabilog ng mata ko.

"Your highschool crush?!Oh my god! Naging kayo?" Sigaw ko,di makapaniwala.

Tumawa sila. "Sila na nga. Sana lahat diba?" ani Peter.

"Oh? Bitter ka asungot?" Tanong ko.

"Di naman!"aniya.

"Si Lily. May boyfriend na yan!" Sigaw ni Jona.

Lilian is two years younger than me.

"Oh?Meron pala, sino?"Tanong ni Ate Em.

"Yung crush nya!si Erlon!"

"Sana lahat talaga!"Ako.

"Sino ba kasi crush mo?" Tanong ni Michael.

"Alam ko kung sino.."ani Lilian.

"Weh?Alam mo,Lily?" Tanong ko.

"Ofcourse! Its your childhood sweetheart and I know why you are bit sad now. Because he's not here" napangiwi ako sa sinabi nya. Bahagyang nasaktan.

"Si Chris?"sabay sabay nilang sabi.

"Let's not talk about it! I'm tired!"ani ko at tinulugan nalang sila.I am so tired to even bother my heartaches.

Madilim na ang labas ng magising ako. Tiningnan ko ang aking mga katabi at tulog parin sila.

Very tired,huh?

Lumabas ako at naabutan ko ang mga matatanda na nag-uusap.

"Bumibisita naman si Chris sa kanilang bahay paminsan-minsan" parang lumundag ang puso ko sa sinabi ni Tiya Lina. I hope anytime soon, bibisita ka dito,Chris.
Nanatili lang ako sa hamba ng pintuan.

"Ah. Kumusta na kaya ang batang yun. Hindi pa sila nagkita ni Piyang."sambit ni Mamay.

"Well, balita ko professor na daw sa Maynila ang isang yun." Ani naman ni Lola.

Professor na sya?Wow. Nakamit nya pala ang mga pangarap nya. Well, it's worth the leave.Bahagyang kumirot ang puso ko sa naisip.

"Ngayong sembreak na, sana makabisita sya dito para naman magkita na sila ng anak ko."ani Mamay.

"Oo nga! Alam naman nating lahat kung gaano sila ka close ng batang yun noon."ani Tiya Rosie.

Noon.. close kami noon.

Napasinghap ako at pumunta sa likod ng bahay na may mga upuan.

Nag ring ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag.

"Kamusta,Bes!" Tinig ni Trisha ang narinig ko.

"Okay lang!Ikaw?"

"Andito kami ng family ko sa Palawan. Ang ganda dito!" Napangiti ako sa sinabi nya.

"Wow!Sosyalan!" Tumawa sya.

"Tss HAHAHA.And you know what?" Aniya at tumili na para bang kilig na kilig sya.

"Ano?" Tanong ko,nabibitin.

"Andito din ang family nina David!"

Tumawa ako. "Edi kayo na ang destiny!"

"Parang may pinaghuhugutan ah!" Aniya. Ikinuwento ko sa kanya lahat lahat.

"Oh my god! May idea ako,ewan ko lang kung tama ba!"

"Ano naman?" Tanong ko ng nakakunot ang noo.

"Oh my god! Bes! Oh my god! Baka si ano sya! Diba sabi ng Lola mo professor sya sa Maynila. Baka yung professor mong gwapo!" Sigaw nya.

"Si Jacob? Paano nangyari yun? Chris tapos Jacob,ang layo!" Reklamo ko, ngunit ang isang bahagi ng utak ko umaasang sya nga, pero para sa'n pa,diba?

"Christian Jacob Villarieno! Look, Bes!" Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

Oo nga! God!

Hanggang sa natapos ang tawag, wala ako sa sarili.

Is it possible? Sya talaga kaya si Chris? Pero bakit di nya ako kilala?

Parang may punyal na tumusok sa puso ko ng narealize kong, kahit anong gawin ko!Kahit sya man si Chris! Nakalimutan nya na ako. At ang katotohanan na kahit magkakilala man kami ni Chris ngayon, kung si Jacob nga sya, hindi parin kami pwede! Hindi parin talaga pwede!

What a great lovestory!

Pero kumalma ako. Hindi pa naman sigurado na sya iyon! Malay natin! Time will run faster! If I will see who really him! I will assure him that we can. Pwede pa din, diba? Pwede namang hintayin hanggang sa makagraduate ako!

Hay naku, Sofia! Kung ano anong iniisip mo! Ang tanong, iniisip ka ba nya?

Probably not.

**

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon