24th

815 38 0
                                    

Kinikilig

HUMINGA ako ng malalim pagkapasok ko sa aking kwarto.

Dammit! Kinikilig ba talaga ako?!

Mabilis kong inayos ang sarili ko at bumaba na. Ayokong isipin nyang bastos ako. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto andun sya sa labas ng kwarto ko. 30 minutes akong nasa loob, ibig sabihin 30 minutes din syang naghintay?

"Kanina ka pa dyan?!"

"Uhm. Yeah. Sabay na tayong bumaba?" Aniya.

"Okay.." holyshit!

Nakita ko ang mapanuring mata ni Trisha ng nakita kami.

"Bes!Uwi na kami ni David! Congratulations ulit!" Sabi nya at yinakap ako.

"You should tell me this next time" bulong nya sakin na halos di ko marinig.

"David! Ihatid mo si Trisha ha!" Ani ko. Hinawakan nya ang beywang ni Trisha.

"Ofcourse! You don't have to tell me." Natawa ako sa sinabi nya.

"Yeah, So? Uhm. Ihatid ko na kayo sa labas."sumabay si Sir sakin sa paglalakad.

"Bye Bes!" Sabi ni Trisha,pinandilatan nya pa ako ng mata. Oo na!Sasabihin ko next time!Pumasok na sila ni David sa kotse at kumaway ng huling beses bago lumisan.

Tila na awkward tuloy ang moment dito.

"Hey!Uhm.." tumikhim sya.

"Uuwi ka na?" Tanong ko. So rude right? I don't care.

"Yeah. Sige! Congratulations uli." Sabi nya at pumasok sa Porsche nya.

Tatalikod na sana ako pero tinawag nya ako.

"I hope we can be close like how you and Jonas got closer." Aniya.

"Uh hihi, nakakahiya namang maging ganyan sa PROFESSOR ko" diniinan ko pa ang salitang professor kaya napahilot sya sa kanyang sentido.

"You always really hurt me with your words Sofia."aniya.

"Bakit naman sir?  Totoo namang professor kita ah!" Nagpipigil ako ng ngiti.

"Damn! I like you okay? I even love you!" Sabi nya at mabilis na pinaharurot ang Porsche nya.

Naiwan akong laglag ang panga at tulala, what did he just say?

"Anak?" Napatingin ako sa pintuan namin. Naghihintay sina Mamay at Papay kaya isinarado ko na ang gate at pinuntahan sila.

"Close pala kayo ng sir mo?" Tanong ni Papay habang pareho sila ni Mamay na may mapanuring tingin.

"Hindi ho! Sabi nya gusto nya lang akong I congrats!"depensa ko.

"Alam namin, ngunit para kasing may iba sa mga mata nya sa tuwing tinitingnan ka nya." Ani Mamay.

"Huh? Wala po yun! Almond ang mga mata nya kaya baka guni-guni nyo lang yun!"

"Anak.. Hindi kami yung klase ng taong mahilig mag imagine ,okay?" Sabi ni Papay at inimuwestra ang loob kaya pumunta kami dun at umupo sa sofa.

"You know anak, He is your professor, kung may gusto ka'man sa kanya ay okay lang pero kung pati sya magkagusto sayo, mahirap na yun! Masisira ang pag-aaral mo dahil dyan anak" napatakip ako ng bibig sa sinabi ni Papay.

"Oh my god! Mamay!Papay! Anong gusto gusto ang sinasabi nyo. Wala po akong gusto sa kanya at mas lalong hindi sya magkakagusto sa akin! You are acting weird!" Hindi ko napigilan ang bibig ko.

"I'm sorry Mamay at Papay. I was just shocked because of what you two are thinking" ani ko.

"Its okay anak. Baka napressure ka namin! Baka nga magaan lang talaga ang loob ng sir mo sayo." Ani Mamay. Tumango lang ako.

"Magpahinga ka na anak. Congrats ulit" ani Papay. Humalik ako sa kanilang dalawa at dumiretso sa aking kwarto.

My heart is trembling so fast. It's like there's a contest inside it!

"Damn! I like you okay? I even love you!" Naalala ko ang sinabi nya.

Napakagat ako ng labi. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko...

Inalala ko ang lahat ng mga sinabi nya kanina.

Bigla akong dumapa sa kama at nagpagulong-gulong. Oh My God!kinikilig ako! Kinikilig nga talaga ako!

(A/N: Sorry sa short update anyways hope you like it and I hope na subaybayan nyo po ito hanggang sa wakas. Salamat!)

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon