23th

822 35 0
                                    

(A/N:Sorry. Kakaload ko palang.by the way,Keep reading guys! And keep safe❤stay at home)

Moonstars

NAGKAROON ng salu-salo sa aming bahay nang gabing iyon. Hindi parin talaga ako makapaniwalang ako ang nakoronahan bilang Ms.BLU.
At masyado akong balisa sa mga inasta ni Sir or Jacob or whatever!

"Congratulations anak!" Sigaw ni Mamay at Papay sabay yakap sa akin.
"Pinakilig mo kami sa first answer mo ha!" Tawa ni Mamay.

"Salamat Mamay!Papay!"

Maraming mga kakilala at kaibigan ang yumakap para bumati agaran naman ang pagpasalamat ko sa kanila.

"Mamay, Papay, Pia,Trisha at David. Aakyat muna ako sa terrace, magpapahangin lang" paalam ko.

"Pwedeng sumama?" Ani Trisha.

"Sige!" Umakyat kaming dalawa doon.

Umupo kami sa isang upuan. Nakadungaw ako sa makulimlim na langit,bilugang buwan at mga bituin.

"You like it here?" Tanong nya.

"Yeah. Palagi akong nakatambay dito pag magpapahangin." Ani ko.

"Sabihin mo nga sakin Sofia, may problema ka ba? Para kasing hindi ka masaya" aniya.

"Okay lang ako. Gustong-gusto ko lang talaga ang tanawin dito. Sobrang relaxing.." saad ko.

"Okay, maiwan muna kita ha,parang gusto mo atang mapag-isa. pupuntahan ko lang si David" sabi nya kaya tumango naman ako.

Tinanaw ko ang kalangitan ng mapag-isa na ako.

" Hi Moonstars! Andito ulit ako, namiss mo ba ang kagandahan ko?"napangiti ako.
"I'm very bothered Moonstars, I can't breath properly, wala naman akong cancer. My beating is just abnormal. Parang pinipiga ang puso ko ngayon,alam mo ba yun?" may dumaloy na luha sa pisngi ko at agad ko itong pinahid.
"Bakit ganun? Bakit ganun sya kung umasta? Ano ba ang gusto nyang ipahiwatig? Moonstars, gulong-gulo na ako. Ang dali-dali lang mahulog sa isang tao noh?" May panibago na namang luhang tumulo. Hanggang sa wala ng katapusan. "At bakit kailangang may bawal na pag-ibig? Yun ang mahirap eh, kasi kung totoo man yung sinabi nya sa email na mahal nya ako talo parin talaga. Kasi kahit sa simula palang ng laban talo na kami, diba Moonstars? Marami namang iba dyan!Bakit sa kanya pa ako nahulog? Pwede namang kay Jonas na lang! Bakit sa kanya pang hindi pwede!Moonstars kailangan ko ang tulong mo, tulungan mo naman akong kalimutan sya oh? Kay hirap yata eh-"

"Ate?" Naputol ako sa pagsasalita ng may sumulpot kaya agad kong pinunasan ang luha ko.

"Pia?"

"Ate?"

"Pia?"

"Ate?"

"Ano nga Pia! Ginagalit mo ako eh!" Asik ko. Kainis tong batang to! Dinidisturbo ang pagkwikwento ko kay Moonstars!

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya.

"Hindi naman eh!"

"May bisita ka kasi, gusto ka daw nyang kausapin." Aniya at may kinawayan sa likod nya.

Nagulat ako na biglang nakita ko ang bulto ng taong nagpapagulo sa isipan ko ngayon.

"Ewan ko muna kayo ate! Enjoy!" Tumatawa nyang sabi. Inirapan ko lang sya at umalis na sya.

"Sofia?"

"Sir?"

"Sofia?"

"Sir naman eh!ginagaya nyo si Pia! Ano ngang sadya nyo?" Tanong ko.
Nagulat ako ng bigla syang umupo sa tabi ko.

"I just want to congratulate you.. you did well!" Nakangiting sabi nya.

Tumingala ako sa langit. Tingnan mo tong gwapong lalaking to Moonstars oh? Sya yung sinasabi ko sayo..

"Uhm. Salamat." Tanging nasambit ko.

"You supposed to be down there and celebrating.. Why you're here and why you looks sad? Aren't you happy that you won?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Happy! Ofcourse! Namiss na kasi ni Moonstars ang kagandahan ko kaya bumisita ako sa kanya rito.." paliwanag ko. Tumawa sya ng konti at kumunot ang noo.

"Moonstars?May tao dito? Asan?"Gulantang nyang tanong napahagalpak tuloy ako ng tawa.

"He don't know you Moonstars!" Sigaw ko sa kalangitan. At itinuro ang buwan at bituin. "Sila! The moon and the stars! Noon pa man pinangalan ko na silang Moonstars"

"You loved moon and stars?" Tanong nya.

"Oo!Sila kasi yung palagi kong sinusumbungan ng problema" sambit ko hindi alintana ang kaba sa aking puso.

"Why? You can tell your parents!They are so nice!" suhestiyon nya.

"Uhm. Sinasabihan ko naman sila pero yung  mga some small things. Ayoko kasi silang nakikitang malungkot"

"Like what you've said in your first answer.." tumango ako sa sinabi nya. "Well, the moon and stars are very relaxing!"

"Totoo yan!" Pagsang-ayon ko.

Moonstars, parang nakalimutan ko na ata ang drama ko kanina!

"You know what, My first impression on you is a spoiled girl and rude woman" humalakhak ako sa sinabi nya.

"Grabe naman kayo!"

"But then, I found out that you are a nice girl and lovable.." nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. "You blushed.."

"Huh? I'm not!" Sabi ko at tumayo.

"Where are you going?" Tanong nya.

"U-h,Punta muna akong kwarto tapos pupuntahan ko din kayo sa baba" sambit ko at agad na dumiretso sa kwarto.

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon