68th

580 17 0
                                    

Starting point

PINASADAHAN ko ng tingin si Chris nang matapos na sya sa paghahanda. Nakaitim syang pantalon na pinaresan nya ng green polo shirt. Inayos pa nya ang kanyang buhok gamit ang daliri, Damn. He's cute with his messy hair.

"Let's go," he coldly said.

This is it, papunta na kami at naiiyak na ako.

Nagulat pa ko nang may isang black SUV na sa labas, aniya ay sa kanya iyon, ipinahatid sa kakilala.

"We don't have any choice, Ito lang ang sasakyan ko na wala pang sinuman ang nakakita." He declared.

I just shrugged my shoulders. I don't have any problems with that. We need to act fast.

"Nana," my heart beats fast as I heard him called me. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko pero pilit ko itong pinigilan. I always get overwhelmed everytime he called me that way. Mula noong mga bata pa kami, sya lang talaga ang tumatawag sakin ng ganyan. Others call me Sofia or Piyang. But he's different. Nakuha nya daw ang 'Nana' sa second name ko. That was Vienna.

"I'm sorry Chris, Ano man ang kahahantungan ng lahat ng ito lagi mong tatandaan.... Mahal na mahal kita." Hindi ko na napigilan sa pagbuhos ang luha ko.

Paulit-ulit na tinutusok ang puso ko sa tuwing naalala ko na maaaring hindi ko na sya makakapiling pa. I'm so desperate to save my family but Patricia is also desperate to get Chris from me.

Biglang inihinto ni Chris ang SUV at binaling sa akin ang kanyang atensyon. The warmth of his palm touch my cheeks. My eyes are all on him as so as him on mine. He wipe away my tears using his thumbs.

"We will save our family without letting go of each other," he paused. "Please... Hold on for me and I will fight for us." His voice are husky and almost begging.

Mariin akong pumikit at linasap ang init ng kanyang haplos sa aking pisngi. Gusto kong umasa sa sinabi nyang walang kasiguraduhan. Kahit ako naman, gusto kong lumaban pero hindi ko alam kung paano, Di ko alam kung kaya ko. Buhay na kasi ng mga mahal ko ang nakasalalay rito. We need to sacrifice.

He kissed me thoroughly, softly but devouring. My eyes are still close while enjoying the feeling of being kissed by Christian Jacob Villarieno. I guess, this will be the last kiss that I will received from him. And I will never let anyone kiss me, Sya lang.

Nang binitawan nya ang labi ko ay nagsimula na syang magmaneho ulit..

Wala pang isang oras ay huminto na kami sa tapat ng narra tree at doon na namin ipinark ang SUV. May nakita kaming daan na palagay ko'y daan patungo sa gitna ng kagubatan.

Mukhang pinagplanuhan talaga ito ni Patricia ng maigi. Naglakad pa kami ng ilang mga kilometro bago namin nasilayan ang isang abandunadong building sa isang bakanteng lote na kapag iyong nakita ay hindi mo aakalaing may ganito palang nakatayo sa gitna ng gubat.

Makikitaan mo na ng kalumaan ang building na ito, ngunit kahit marumi na ito ay mapaghahalataan parin ang kulay nitong kulay krema. Maganda sa paningin ang kabuuan nito ngunit hindi ko iyon kayang pagtuonan ng pansin ngayon.

When we're at the entrance of the building, Chris tried to hold my hand but I throw away his hand. Not now Chris... I saw how pain ran through his eyes, it broke my heart but I don't want to let my heart rule now. Isip ko dapat ang gamitin ko ngayon, hindi puso.

Pagkaapak ng pagkaapak namin sa unang palapag ng building ay umalingawngaw ang isang nakakairitang halakhak. That was black angel.

"Very, very good! You came! Nasa huling palapag kami guys hahaha dalian nyo!".

Hindi na namin sya pinakinggan, mabilis kaming tumakbo patungong hagdanan. This building is already abandoned and I know, the elevators here aren't working anymore. So we better run.

"Sige! Takbo pa hahaha! I will only give you 6 minutes papunta dito. Ay no, bigyan ko kayo ng discount. Kapag hindi kayo umabot dito before 5 minutes, May mawawala hahaha!"

Oh damn this woman!

"Timer start now! Run Sofia, run hahaha!"

Tumakbo kami ng mabilis. Halos hindi ko na maramdaman ang tuhod ko dahil sa sobrang bilis ng takbo ko. Sa tingin ko, There are 10 floors here all in all. And damn! Five minutes is... Oh shit! Takbo nalang. Dalian mo, Sofia.

Hindi ko na nga maramdaman si Chris dahil sa sobrang takbo ko. Umalingawngaw ulit ang demonyong tawa ni Patricia.

Bwisit talaga ang babaeng ito!

Sobrang pagod at hingal na ng makarating ako ng 5th floor pero hindi ako pwedeng magpahinga. Nagpatuloy ako sa pag tatakbo. Ngunit napansin kong humihina na ang takbo ko ng nasa 7th floor na kami mabuti nalang at hinila ako ni Chris, sya ang nagsilbing tagahila sa akin. Mabuti pa sya at mukhang hindi nakakaramdam ng pagod.

Nang makarating kami ng 8th floor ay nagsimula ng mag countdown si Patricia.

Ten..

Binilisan ko na ang takbo ko habang hinihila parin ni Chris.

Nine..

Oh holyshit! Lord naman, tulong!

Eight..

Seven..

Nakarating na kami ng 9th floor. Magkahalong pawis at pagod ang naramdaman ko nang makarating na kami ng 10th floor na sya namang pagkatapos ng countdown ni Patricia.

Yes! We did it!

Hinawakan ko ang tuhod ko habang nakatayo parin ngunit medyo iniyuko ko ang pang itaas kung katawan para hagilapin ang nanginginig kong mga tuhod, hinihingal at sobrang pagod. Nakita ko ang malademonyong ngiti ni Patricia.

"Long time no see, Sofia." She whispered.

Nakita ko rin si Daniel. Alam ko na may awa parin si Daniel kahit papaano. Alam kong nadala lang sya kay Patricia.

Pinasadahan ko ang huling palapag sa kabila ng pagod na naramdaman, Maraming mga nagkalat ng tauhan ng bruha. But no sign of my family.

I glanced at Daniel. "Daniel, nasaan ang pamilya ko?"

Patricia snapped her for fingers at mabilis na gumalaw ang kanyang mga tauhan at may pinuntahan sa isang kwarto.

Napabuntong-hininga ako ng malalim ng dala nila pagbalik ang pamilya ko at si Tito Nicolas, parehong mga may takip na tape ang bibig habang gutay gutay na ang mga damit. Tumulo ang luha ko ng makita ang mga hitsura nila.

Binalingan ko si Patricia."Anong ginawa mo sa kanila?!"

She just laugh at me that made my tears flow more.

Damn, Ito ba! Ito ba ang kabayaran ng lahat ng pagmamahal ko na inilaan kay Chris! Ito ba ang kapalit ng lahat ng kasiyahang natamo ko mula kay Chris! Ganito na ba ang pagkamuhi sakin ng mundo para kailangang idamay lahat ng mga mahal ko. Sana ako nalang. Sana ako nalang pala ang mawala, no scratch that. Sana pala hindi nalang ako isinilang!

Patricia again snapped her fingers that made her people came to us. Katulad ng pamilya ko, iginapos rin nila kaming dalawa ni Chris.

Oh! I guess, this is just the starting point. The starting point of this nonsense war.

***

Thank you for reading

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon