36th

725 28 0
                                    

Mysterious girl

MAAGA akong nagising ng may nakasilay na ngiti sa aking labi.
Bumaba ako ng kwarto at napagdesisyonan na gumawa ng sandwich.

"Goodmorning,Anak!" Si Mamay, kasalukuyang bumababa sa hagdan.

"Good morning Mamay!" Nakangiting sabi ko.

Maya maya pa'y bumaba na din si Papay at Pia.

"Kumain muna tayo bago umalis!" Sabi ko, masigla parin ang tono.
Magsisimba kasi kami ngayon dahil linggo.

"Ang saya mo ata ngayon Piyang ah," sambit ni Papay.

"Siguro, linigawan ka na talaga ni Chris no?" Si Mamay, may nakablandarang nakakapanuyang ngiti.

"Masaya lang ang gising ko." Sambit ko.

"Baka naman masaya ka na talaga bago ka pa natulog , huh ate?" Sabi ni Pia na may halong sarcasmo.

"Hmmm..Masaya nga lang ako!" Giit ko.

Habang nasa simbahan hindi ako makapagconcentrate kasi nakita ko si Chris sa kabilang upuan. Looking at me intently. He then winked at me.
Kikiligin na sana ako pero nakita ko ang babaeng katabi nya na may ibinubulong sa kanya. Ngumiti naman sya at may sinabi sa babae.

I felt like my heart stabbed into pieces. Pain spread to my veins. All parts of my body is aching at what I saw.

Who is that girl?Huh Chris?

Pagkatapos ng misa nakita ko si David kaya binati nya ako. Nagkausap naman ang mama nya at si Mamay.
I greeted him but I'm not in the mood to even smile . I then saw again Chris na inakbayan nung babae. He smiled at me pero inirapan ko lang sya. Tsk!
Malandi ka! Kahapon pa nga tayo naging official nangangaliwa kana?

Ginulo ni David ang buhok ko kaya nakuha nya ang atensyon ko.

"Galing kang simbahan, Bakit ka nakabusangot?" Tanong nya. Nakalabas na kami at bumili muna kami ng icecream.

"Wala! Wala lang ako sa mood,"ani ko.
Hindi ko na nahagilap pa sina Chris. Magsama kayo!

"Kayo talagang mga babae, ang hirap nyong espelingin! Minsan bigla nalang ang ganda ng mood tapos bigla nalang di iimik" aniya.

Hindi mo ko maiintindihan,David.

"By the way, kamusta na kayo ng bestfriend ko?" Tanong ko, trying to divert the topic

"Okay lang naman kami, pero lately parang may nararamdaman akong mali sa ikinikilos nya." nakuha ni David ang atensyon ko doon.

"Bakit?"I asked.

"Basta basta ko nalang syang nakikita na ang lungkot ng mga mata, minsan naman nahuhuli ko syang may pinagmamasdan sa malayo" aniya.

"Kakausapin ko iyon, baka may problema sya David. Try to talk to her too" sabi ko.

Biglang tumunog ang phone ko sa tawag. Sinenyasan ko muna si David na sagutin iyon, tumango sya kaya lumayo muna ako doon.

My Chris calling~~

Nakabusangot ko iyong sinagot.

"Hello," his cold voice.

"Hmmm"

"Let's go out ,Later." Aniya. Hindi iyon tanong.

"Eh kung yung babae mo ang isama mo!" Asik ko

"Wala akong babae, ikaw lang." Nakasimangot ako na nakangisi sa sinabi nya.

"Tss, may pa akbay-akbay pang nalalaman." I coldly said.

"Ayaw mong sumama ganun? Kasi sa lalaki mo ikaw sasama?" He said.

What?

"Anong lalaki ang pinagsasabi mo?"

"Tsk! You even buy icecream together." He declared that made me rolled my eyes.

"Pinagseselosan mo si David! Eh bestfriend ko lang iyon. Tapos girlfriend iyon ni Trisha na bestfriend ko rin! Jusko naman Chris!" I almost shout , mabuti nalang at mukhang pumunta na si David sa kanyang mama.

"Eh bakit Ikaw? You are even jealous on my cousin." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kahihiyan.

"P-pinsan mo iyon?" I asked.

"Yes,Baby." Kumalma ako sa narinig.

"Okay.Lets go out,Later." Sabi ko syaka binaba ang tawag.

Pumunta kami ng restaurant, mall at sa huli pumunta kami ng bar, kasama si Trisha, David, at syaka si Sir Kendrick, I didn't know that they are close friend of Chris. But I bet he knows about us.

Hindi ako mapakali habang nasa bar kami, Chris assured me na walang makakahalata kasi marami kami.
Pero pakiramdam ko lang may pares ng matang nakamasid sa akin.
Luminga-linga ako sa paligid.

"Don't worry okay? We're going home now." Sabi ni Chris.

May nakita akong babae na sopistikada na mariing nakatingin sa akin. Iba ang pakiramdam ko sa tingin nya.parang galit sya sa akin. I find her mysterious girl.

Umuwi kami pagkatapos nun, it's 7 pm, maaga pa naman.

Binuksan ko ang messenger ko at namutla ako sa bumungad.

Acresia Bitchslap. I guess its an dummy account.

She send me so many pictures at mas nagulat ako ng makitang kaming dalawa iyon ni Chris with holding hands and kissing.

Acresia Bitchslap:

Bitch! Siguro naman ayaw mong nawalan ng trabaho ang sir mo. Well, mag-isip ka ng pwedeng idahilan kapag pinakalat ko ang holding hands picture nyo bukas. Akin lang sya, akin lang.

Yun lang ang laman ng mensahe nya pero kinabahan ako ng todo. Hindi pwedeng matanggal sa trabaho si Chris,matagal nya na iyong ipinangarap. Anong gagawin ko?

Pakiramdam ko ang babaeng ito at ang babaeng nakita ko sa club ay iisa.

Anong problema mo sa amin mystery girl?


 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon