35th

782 36 0
                                    

Official

"Oh my god! kinikilig ako,Ate!" Natatawang nakatingin ako kay Pia na tumatalon-talon sa harapan ko at hinampas pa ako ng unan.

"Aray!" Daing ko ng natamaan ako sa mukha. "Sinisira mo ang beauty ko,sis!" Reklamo ko.

Tumawa lang sya at tumalon muli.
Nagkwentuhan kasi kami at nasabi ko ang tungkol sa amin ni Chris. Except syempre dun.

Nakahiga na ako sa aking kama at kakatapos ko lang sa mga assignments.  I feel inspired, pakiramdam ko noon hirap na hirap ako sa Math pero ngayon? Ang dali lang pala. Pfft! Pang mental na ata ako.

Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito

Chris;

You're going to sleep?

Feeling ko talaga ha? Feeling ko lang, sobrang baliw ko na. Kasi kahit sa simpleng text lang kinikilig ako. God!

Ako;

Hindi pa naman.

After a few seconds may reply na agad sya.

Chris;

Okay. Done with your homeworks?

Mas lalo akong napangiti. Pinapanindigan nya talaga ang pagiging professor nya.

Ako;

Yes sir :)

Chris;

What?!

Kinagat ko ang labi ko. I'm sure, his kind of pissed.

Tumunog ulit ang phone ko at this time tawag na.

"Hello?" Pigil tawa kong sagot.

"What did you just called me?" He said using his cold baritone voice.

"Bakit? Sir naman talaga kita ah!"

He smirked. "Baby, Call me baby."

My heart stumbled so hard because of that. Okay, Baby.

"Okay." Tanging sambit ko. I want to piss him more.

"Damn! You're making me frustrated!" Asik nya kaya hindi ko napigilang humagalpak ng tawa.

"Oh! Ang O.a naman ng Bebe ko!"

"Baby," mas mahinahon nyang ani.

"Hmmm."

"I miss you." Aniya. Wow! Kanina pa kami nagkita, miss na agad?

"Oh?" Pasensya na bebe ko, may tupak ako ngayon.

"Tss. Sabado bukas, let's go out." He said calmly.

"Opo sir."

"Sofia!" Reklamo nya, I can hear that his very frustrated. I can imagine his face that's very frustrated. Oh man! I think he's still cute at that.

"Oo na, sige see you, Bebe ko."sabi ko at binaba ang tawag syaka ako nagpagulong-gulong sa kama.

Can someone bring me to mental hospital? I think I'm really so crazy inlove with him.

Tumunog ulit ang phone ko sa isang mensahe.

Chris;

Ang pilya mo talaga!pasalamat ka mahal na mahal na mahal kita.

Look at this man! Ang galing magpakilig!

Ako;

I love you more,Baby.

"Uy, ang anak ko umiibig! Nanliligaw na yang si Chris sayo no?" Ani Mamay kinabukasan ng nagpaalam akong lalabas kami. Chris texted me na andun na daw sya sa lugar na aming pagkikitaan.

"Mamay!" Asik ko. hindi makaamin, hindi rin makatanggi.

Inaya ko pa si Pia para hindi masyadong halata, pero umayaw sya kasi alam kong naiintindihan nya ako.  Maswerte ako at pagod daw sya.

Nakatingin ako ngayon kay Moonstars habang hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Ang saya saya ko sa araw nato Moonstars! Grabe.

Marami kaming pinasyalan kanina ni Chris, sobrang nag enjoy ako. Nag rides kami,nanood ng sine, kumain sa restaurant. Pero ang pinakamasayang nangyari sa lahat ay nung nasa private restaurant kami for dinner.

Nagkalat ang mga rosas sa paligid tapos sa gitna may  isang mesang pandalawahang tao lang.
Nasa isang room kami ng restaurant which is private and exclusive.
May mga nagvi-violin sa gilid, may nagpiano pa sa harapan.  Habang tinutugtog ang kantang Photograph ni Ed Sheeran.

"You're so stunned." He declared with a smile plastered on his lips.

"Ofcourse! I mean sino bang hindi magugulat dito?" Sabi ko, may tumutulo ng luha sa aking mga mata.
But he wipe it using his thumb.

"I don't want my girlfriend crying." Mas lalo akong namula sa sinabi nya.

"Girlfriend mo ako?" Mas lalo akong nahiya sa tanong ko.

What the! Kailangan pa bang itanong iyon Sofia? You two even did that to the province right?

"Yes. I know you are bothered of what should our relationship." Aniya.

Kumain kami, sinubuan nya pa ako. Dammit! I'm going insane.

Bigla nalang may lumabas na mga lalaki na may kanya kanyang dalang balloon. Mas lalo akong nagulat ng makita ang nakasulat sa balloon.

W.I.L.L Y.O.U B.E M.Y G.I.R.L ?

Napatakip ako sa bibig at bumuhos ang napakaraming luha.

"I will define our relationship now. I want us. I want us together. I want us to be a couple." Aniya at hinawakan ang mga kamay ko. Dinala nya ang kamay ko sa leeg nya kaya pinulupot ko ang kamay ko doon.

I felt his hands on my waist. Then a slow sweet love music start. We started dancing.

"Sofia Vienna Caronia, Will you be my girl?" Tanong nya at may inilahad na isang silver bracelet.

"Yes! I'm more than willing to be your girl!" Anunsyo ko. Sa sagot ko palang halatang halata kung gaano ako kabaliw sa lalaking ito. Isinuot nya sa akin ang bracelet.Nayakap ko sya sa sobrang saya.

"I love you, Baby"he whispered.

"I love you more!"  I shouted that. He then kiss me lusciously.

Moonstars! Official na kami! As in official! May label na kami!

Tiningnan ko ang bracelet sa aking wrist at paulit-ulit na hinalikan iyon.

Kung noong huling araw namin sa probinsya sobrang saya ko, mas lalo na ngayon! Nag-uumapaw ang saya sa aking damdamin. Kasi ngayon ko talaga napatunayan na akin sya at kanya ako! Ngayong araw na ito, I'm Christian Jacob Villarieno's Girlfriend!

 Sana Pwede Tayo ✔ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon