FEEL ME 15: AM I IN TROUBLE?

844 41 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Nang tumapat ako sa may kwarto nila mama ay tsaka ko lang napagalaman na dito nanggagaling ang mga mumunting talastasan sa loob.

"Bakit nandoon ito sa kwarto niya?" Rinig ko sa loob na sa tingin ko ay si mama.

"Hindi ko alam mama." Ang sabi ni kuya sa mababang boses nito.

"Dapat hindi niy-------- ang -----too." Putol putol na saad ni mama dahil sa ingay ng aso ng kapitbahay.

"Oo nga mama." Saad ni kuya.

At maya maya'y may narinig akong yabag na papalapit sa pintuan ng kwarto nila mama at sa tingin ko ay si kuya ang lalabas dito kaya dali dali akong nagtatakbo papasok sa kwarto ko.

Na marating ko ang kwarto ay napansin kong sobrang linis nito. At nqbaling ang aking tingin sa drawer na bahagyang nakabukas lumapit ako dito at tiningnan ko ang larawan ng dalawang babae na aking itinago dito ngunit wala akong makita ni kahit anong bagay.

Baka nailigpit ni manang kaninang umaga.

Agad akong nagtungo sa aking higaan at ibinagsak ko ang aking katawan sa aking kama at ramdam ko ang ibayong pagod. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko, at wala na akong natandaan pa.

"AM I IN TROUBLE?"

Quicke_Ow

Part 15

Monday, 7:20 am

Nagising na lamang ako nang biglang may sunod sunod na malalakas na katok sa pintuan na sinabayan pa ng aking alarm clock na walang magawa kundi ang mangbulabog sa mga natutulog.

Pinatay ko na ang aking alarm clock na patuloy paring tumutunog. Talagang kinakarer niya ang pangbubulabog dahil sa hindi ito mapatay patay. At ayon itinapon ko sa may bintana para tumahimik, magpapabili nalang ako ng bago.

"Anak bangon kana, may pasok ka diba?" Sigaw ni mama sa labas.

"Mamaya na ma anong oras palang oh, tsaka madaling araw palang naman." Wika ko kay mama na nasa labas pa at sige sa pagkatok.

"Anong madaling araw ka diyan. Alas syete y medya na kaya hala na bangon kana diyan." Sagot ni mama.

"Oh ang aga pa pala alas syete y med-----. Owimjiiii! Mama naman bakit hindi moko ginising." Pasigaw kong saad kay mama dahil sa pagkabigla.

Mabilis pa ako sa alas kwatro at agad akong nagtatakbo papuntang banyo upang maligo pagkatapos ay agad na akong nagbihis ng aking pangtrabahong kasuotan.

Agad na akong lumabas at agad na bumaba. Nadatnan ko si kuya na nakabihis at mukhang paalis na din ito dahil sa ayos at pustura nito.

"Kuya sasabay nalang ako sayo baka mas lalo pa akong ma late e." Wika ko na sinang-ayunan naman ni kuya.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon