REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Ilang sandali pa ay ako na ang bumitaw sa halikan namin sabay ipinakita ang balahibo ng manok sa kanya.
"Honey? What you gonna do with that thing?" Takot nitong saad sa akin wari'y alam na niya ang aking gagawin. Hindi ako sumagot sa tanong niya bagkus ay pinagmasdan ko ang balahibo ng nakangiti.
"Drop it baby...please." napabaling ang atensyon ko sa kanya na parang takot na takot ang mukha at agad ko itong nginitian.
"You have your revenge lately, right?" Tanong ko dito at tanging tango lang ang kanyang isinagot. "How 'bout if I have mine too? For the second time." Nakangiti kong tanong na nagpakunot ng noo niya.
Ilang sandali pa ay iginapang ko na ang balahibo sa iba't ibang parte ng katawan niya na nagpatawa sa kanya ng sobra. Nagpupumiglas ito ngunit hindi siya makawala dahil sa nakatali ang mga kamay at paa nito.
Sobra itong nakikiliti sa aking ginagawa at ilang sandali pa ay nakita ko ang pawis nito na tumutulo.
Dahil sa awa ko ay itinigil ko na ang aking ginagawa. Tinanggal ko ang tali nito at agad ko siyang niyakap hindi naman ito nagalit dahil nga sa may sira ang pagiisip ng isang ito e hahaha.
"I'm sorry honey" paghingi ko ng tawad sa kanya.
"It's okay hon. It's fun baby, I never thought that you are so naughty to the point you did something even crazier than ever." Ang natatawa nitong saad at maya maya'y nagtawanan kaming dalawa.
Niyakap ko ito at sumiksik sa dibdib nito at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
"THIS LOVE"
Quicke_Ow
Part 23
Sunday, 8:00 am.
"Happy 3rd monthsary." Bungad ni Raymond sa kabilang linya ng telepono habang tumatawag ito sa akin.
"Happy 3rd monthsary hon." Masayang bati ko sa kaniya.
Pangatlong monthsary na namin ni Raymond ngayon at masasabi kong patatag kami ng patatag habang lumilipas ang panahon.
Sa mga nakalipas na mga buwan ay naging maayos naman ang takbo ng buhay at relasyon namin ni Raymond ngunit ang mga pagtataka at pagdududa ay nariyan pa rin. Dalawang lalaki? Litrato? Bala ng baril? At mga tawag sa opisina? Transaction slip? Ilan lamang iyan sa mga nagpapagulo sa aking isipan na kung minsan kong masaksihan. Ngunit ibinabaling ko na lamang ang aking atensyon sa pagmamahal ko kay Raymond at sa ibang mga bagay upang mawala ang aking mga iniisip. Hindi ko pa din nasasabi kina mama ang mga bagay na iyan dahil sa ayaw kong magalala sila sa akin.
"Honey are you still there?" Nagaalalang saad ni Raymond sa kabilang linya.
"Uhm, ye-y-yeah." Nauutal kong saad. "May iniisip lang ako" dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...