REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Ngayong nagkrus na ang aming landas ni Raymond ay tiyak kong susundan niya ako kahit saan ito magpunta. Sa susunod na buwan pa ang balik namin ni kuya pa espanya at sigurado akong hindi ako titigilan ni Raymond.
Ginusto ko ang nangyari sa aming dalawa ni Raymond sa loob ng banyo ngunit hindi ko pwedeng dagdagan ang aking pagkakamali ng dahil lang sa aking kaligayahan. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at mas lalo pa itong nagiibayo dahil sa tagpong nangyari sa amin kanina. Tila slow-mo ang naganap kanina dahil sa pareho kaming nalulunod sa matinding pananabik at pagmamahal.
Ayaw kong sirain ang kung ano ang mayroon si Raymond ngayon ng dahil lang sa akin. Masakit para sa akin na pakawalan ang taong labis kong minamahal ngunit marapat lamang iyon dahil sa hangarin ko ang lumigaya siya sa piling ng kanyang sariling pamilya.
Sana ay maging maayos ang aking pamamalagi dito sa pilipinas at maging makabuluhan nawa ito sa paglipas ng mga panahon sa aking buhay.
"IGNORING HIM"
Quicke_Ow
Part 47
Monday, 8:00 am.
"...The investment of the company still remain stable as of june 2022. Partner institutions of IA company were hands on and flexible in competing various industries with the help of the IA company vested some power for the common good.
Meanwhile, this graphic organizer illustrates the position of the company nationwide, and even worldwide. The said position of IA company still at its first rank in the market gaining an average sales in the market of 97% of production and descoveries to other tourism agencies and serving it as the contributions of IA company. For instance, tourist destinations, landmarks, airways, and establishments that are related to tourism industry which serve as the IA partner institution." Saad ni daddy habang nasa harapan ito ng board at naguulat ng kalagayan ng kompanya.
"Are there any progress for those on going establishments constructed in any countries across the globe?" Tanong ng isang miyembro ng board.
"Of course. Reagarding to the on going projects of IA company...it is balanced and well develop to serve in any airways worldwide. It has been said that the company reaches at its first rank thus, sooner or later the establishments will be built supported by the government in any country. If so, it will be possible to widen and boost the services and the development of the IA company." Tugon ni daddy dahilan upang magpalakpakan ang mga tao sa loob ng conference hall.
Nagtuloy tuloy ang pagpupulong hanggang sa matapos ito. Agad na nagsilabasan ang mga taong naririto habang ako ay nagpaiwan dito sa conference hall.
Lumipas ang dalawang araw na binubulabog ako ni Raymond simula noong maganap ang mga tagpo doon sa banyo namin. Nariyan na ang dinadalhan niya ako ng mga chocolates sa bahay, binibigyan ako ng mga bulaklak araw araw, at nadadatnan ko itong nagluluto sa kusina at naghahain ng umagahan bagama't sa kaloob looban ko ay labis akong nakakaramdam ng pagkakilig at mas lalo ko pa itong minamahal.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...