REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Dito ay nagbalik tanaw akong muli ukol sa mga bagay na ipinagtapat sa akin ni Raymond ang kanyang pagmamahal sa akin.
PAGBABALIK ALAALA...
Una kitang makita sa may eskinita ay biglang nagiba ang tibok ng aking puso kaya't sinundan kita hanggang sa may fast food chain. Naalala mo ba noong papasok ka sa fast food chain at nakipagunahan ako sa pila noon at kung saan tayo nagaway? Ang totoo niyan ay sinundan kita noon, nang makita kitang papasok doon ay agad akong pumasok at agad na nagtungo sa counter. Sinadya kong makipaglandian sa babaeng nasa counter station upang ako'y iyong mapansin at nagtagumpay nga ako. At noong magalit ka ng sobra ay labis na paghanga ang aking naramdaman dahil sa iyong angkin na katapangan hanggang sa nagsagutan tayo't nasampal mo ako. Hindi ako nagalit sa iyo ng mga oras na iyon ipinakita ko lamang sayo ang ganoong emosyon ay dahil sa gusto kong malaman kung matatakot ka o hindi." Rebelasyon nito na labis kong ikinagulat ng sobra.
"At hanggang sa ikalawang araw noong natapunan kita ng kape sa damit mo ay sinadya ko iyon dahil sa desperado akong mapansin mo kahit na ang kapalit nito'y labis na galit at pagkamuhi mo sa akin." Maluha luha nitong saad na agad kong niyakap.
"Ang ikalawang pagkakataon naman ay noong ganapin ang job interview mo sa conference hall at mayroong camera sa harapan mo at kinukunan ka nito. Ang kamerang iyon ay nakaderekta sa smart tv ko na nasa office at doon kita pinanood. Doon ako lalong humanga sa iyo dahil sa galing mong makipagtalastasan sa mga board, mga achievements mo nung elementary, high school, at college ay labis labis kong hinangaan. Pagkatapos ng interview mo ay agad kong pinapunta si Ms. Suarez sa opisina upang hingin ang impormasyon mo at dito ko nalaman na may sarili pala kayong kompanya at isa sa mga tropa ko pala ang namamahala nito na kapatid mo which is Max. At dahil sa na love at first sight ako sa iyo ay agad kitang tinanggap dahil sa marami kang alam, nung mga oras na iyon ay tinawagan ka ni Ms. Suarez at sinabing tanggap kana, magkatabi kami nun at nakikinig sa mga magiging reaksyon at napapangiti na lamang ako na soon ay makakatrabaho na kita." Tuluyang naluha si Raymond sa kanyang mga sinabi.
END.
"LEAVING THEM"
Quicke_Ow
Part 41
8:30 pm
Ang mga alaalang iyon ay laging nakaukit sa aking puso't isipan dahil sa gusto kong pahalagan ang bawat mga tagpong iyon na minsan ng nagbigay sa akin ng kilig, tuwa, saya, at ligaya na hindi ko maikakaila sa tanang buong buhay ko.
Nais kong baunin ang mga ito kahit saan ako magpunta dahil sa naging parte na ito ng aking pagkatao kaya't ito lamang ang tanging paraan upang hindi na masayang ang mga pangyayaring naganap sa akin sa nakalipas. Maaaring maiwan ang mga taong nagpapahalaga sa akin ngunit ang mga pinagsamahan at ang mga alaala ay madadala ko kahit saang sulok ng mundo hanggang sa ako ay nakatakdang pumanaw ay mananatili ito sa aking pagkatao.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...