FEEL ME 37: NEW LIFE BEGINS

466 27 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Mahirap ipaliwanag at tanggapin ang ganitong mga pangyayari ngunit para sa akin ang kailangan mo lang gawin upang makausad ay ang intindihin at tanggapin ang bawat detalye ng impormasyon. Hindi madali ang ganitong pagsubok sa akin ngunit susubukan ko itong yakapin alang alang sa tagumpay at katahimikan ng bawat isa sa amin.

Hindi kayang masolusyunan ng galit ang ganitong mga tagpo lalo na't sa ilang mga taon ay pawang kasinungalingan lamang ang kanilang ipinakita sa akin ngunit alam kong may kalakip itong pagmamahal at walang kaso sa akin iyon dahil ang mahalaga ay ang pagmamahalan namin sa isa't isa.

Sa buong gabing yaon ay tanging labis labis na kaligayan lamang ang namumutawi sa buong bahay at sa gabi ring iyon ay tumawag si Mrs. Elaine na sa isang linggo ako tutuloy sa pudir nila simula bukas na sinang-ayunan naman nila mama.

Tila yata nakompleto at nabuo na rin sa wakas ang aking pagkatao na ang tanging nawawalang piraso sa akin ay nasa sa kanila. Ang bawat tao ay may kanya kanyang aspeto sa buhay upang mabuklod ang kanyang pagkatao ngunit ang sakin ay tanging apat lamang na aspeto ang bumubuo sa aking pagkatao nariyan ang pagmamahal, pagtanggap, pagpapatawad, at ang katotohanan. Katotohanang siyang kumompleto sa aking pagkatao at labis na kaligayahan ang kapalit nito.

"NEW LIFE BEGINS"

Quicke_Ow

Part 37

Thursday, 8:00 am

"Magiingat ka doon anak. I love you." Saad ni mama sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Opo mama, magiingat ako para sa inyo." Tugon ko sabay halik ko sa kanyang pisngi.

"Ingat ka anak." Saad ni papa sabay yakap sa akin at hinalikan ko din ito.

"Paki sabi na lang po kay kuya na nakaalis na po ako. Nakapagpaalam na po ako sa kanya kagabi." Saad ko sa kanila at hindi pa ako nakontento ay niyakap ko ulit silang dalawa.

Agad na akong nagtungo sa kotseng sumundo sa akin kahapon at pumasok dito bitbit ang aking mga gamit.

"Good morning po sir." Saad nong lalaking malaki ang katawan sa akin.

"Mal nalang po kuya." Nahihiya kong saad.

"Okay po sir...I mean M-Mal." Nauutal nitong turan na labis kong ikinatuwa.

Kasaluluyan naming tinatahak ang daan papunta sa bahay ng aking totoong mga magulang at magtatagal ako ng isang linggo sa kanila ayon sa kanilang napagusapan. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing ako ay haharap sa kanila, hindi ko pa rin lubos matanggap na ang aking totoong mga magulang ay mayaman at kilala sa larangan ng negosyo. Malaking pagaadjust ito para sa akin kung maituturing dahil sa panibagong kapaligiran ang aking makikita't makakasalamuha.

Tuluyan na nga nawala ang labis na pangamba at pagtataka sa aking isipan dahil nabigyan na ito ng kasagutan. Pinagmamasdan ko ang paligid at habang umaandar ang sasakyang ito ay siya namang panibagong buhay ang aking kahaharapin. Nasa ganoong pagmamasid ako nang buksan ni kuyang driver ang stereo ng kotse at saktong isa itong tugtug. Tumugtug ang stereo sa saliw na Today my Life Begins ni Bruno Mars at dito ako ay nakinig.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon