FEEL ME 30: LOSE

495 28 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Agad itong bumangon at bumaling ng tingin sa akin na umiiyak. "Sorry kung naduwag akong sabihin ito sa'yo dahil sa natatakot akong mawala ka sa akin at natatakot din akong saktan ka uli. Balak ko naman talagang aabihin sa iyo lahat ang kaso lang noong makaharap kita ay nabahag ang aking buntot at napagtanto kong hindi mo deserve masaktan dahil mahal kita." Hagulgul na saad nito

"Tanginang pagmamahal na yan. Kelan ka pa natutung magmahal kung ang lahat sa'yo ay pawang laro lamang. Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Raymond na mayabang, sunod sa luho, mayroon na't lahat lahat. Ito lang ang masasabi ko sa'yo Raymond...hindi lahat ng tao ay madadala sa kapreskuhan mo at ito pa...sa oras na ito mismo ay magtatapos ang kung ano ang namamagitan sa ating dalawa." Salaysay ko sa kanya at dahil sa panggigil ko ay nasapak ko naman ito sa pangalawang pagkakataon. "Tapos na tayo Raymond!! Tapos na tapos na tayo!!! Tangina mo!! Sa'yo na yang pagmamahal mong huwad!!! At huwag kang magkakamaling sundan ako o magpakita pa sa akin kundi ay dudurugin ko yang mukha mo hanggang sa pumanget ka't wala nang magkagusto sayo. NGAYON MALAYA KANA ...HON!!!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong nanakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa itong napasigaw hindi dahil sa pagkakasuntok ko kundi sa pakikipaghiwalay ko sa kanya.

Patuloy ako sa pagtakbo at iyak hanggang sa makaramdam ako ng pagod at napahinto ako kaagad sa aking ginagawa. Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng tulay habang pinagmamasdan ko ang daloy ng tubig sa ilog.

Masakit ang aking nararamdaman ngayon dahil sa nasaktan akong muli. Pagkabigo, pagkamuhi, paghihinagpis, at kalungkutan ang aking nararamdaman dahil sa lintik na pagmamahal na 'yan.

Maihahalintulad ang aming sitwasyon ni Raymond sa karayom at sinulid. Ako ang sinulid at si Raymond naman ang karayom dahil sa pilit kong isinisiksik ang aking sarili sa butas na hindi naman ako magkakasya, kumbaga langit siya habang ako ay lupa na nahihirapang abutin ang nasa itaas ko. Sana ay isang makina na lamang ako para madali kong mabubura sa aking system ang aking nararamdaman ngayon yung tipong isang pindot lang at magrereset na lahat ng sakit na idinulot ng pagmamahal sa akin.

"LOSE"

Quicke_Ow

Part 30

8:30 pm

Malakas at maingay ang agos ng ilog dito sa tulay at bahagyang dumadampi sa aking balat ang malamig at preskong hangin na naglalaro sa paligid. Parang nakikiramay ang hangin dahil sa pakiramdam ko ay inaalis niya ang luha sa aking mga mata sa pamamagitan ng pagpapatuyo nito sa patuloy na pag agos ng masasaganang luha na nagmumula sa aking mga mata. Ang mga luhang ito ay produkto ng pinaghalo-halong lungkot, pagdadalamhati, at pagkalugmok dahilan ng pangyayaring nagmalupit sa akin. Napatingala ako sa langit at dito napagmasdan kong mabuti ang mga talang walang humpay sa pagkislap nito wari'y nagbibigay ito ng hudyat na ang bawat kinang nito ay nagbibigay ng panibagong pag asa.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon