REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Nasa ganoong paghihintay ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng emergency room (ER) at dito ay lumabas ang doktor.
"Doc, kamusta ang anak ko?" Tanong ni Mrs. Cortez ng may pagaalala.
"The patient got minor injuries cause of the impact hitting onto the trees. Luckily, there are no signs of internal bleeding which may lead to a certain complications of the patient. For now, the patient needs some rest to fully recovered and take some alternative ways in times of healing like medicines, resting, and even boosting his immune system to provide multiple energy loss during the accident. Excuse me!" Salaysay ng doktor at agad na bumalik sa loob ng ER.
Tila nabunutan kami ng tinik dahil sa maayos na ang kalagayan ni Raymond at walang mapagsidlan ang labis na kaligayahang aming nadarama.
Dito ko napagtanto na hindi ko pala talaga kayang mawalay ulit sa aking pinakamamahal. Sana ay noon ko pa siya tinanggap ulit sa aking buhay nung nagtagpo muli ang aming landas, talaga namang nasa huli ang pagsisisi dahil ang lahat ng mga bagay at sitwasyong dumarating sa isang tao ay kayang manipulahin ang mga kilos at desisyon ng kay napakabilis at walang kahirap hirap.
Tila mas lumalalim pa ang aking nararamdaman kay Raymond. Nananabik akong muling mahagkan at mayakap siya habang pinagsasaluhan namin ang tamis at pait ng mapanuyang tadhana.
Nais ko sanang sabihin sa kanya sa oras ng kanyang paggising na tinatanggap ko ng muli ang kanyang pagmamahal at handa akong sumugal para sa kaligayahan naming dalawa.
"TOGETHER AGAIN"
Quicke_Ow
Part 49
Tuesday, 9:00 am.
Kasalukuyan pa rin akong binabalot ng labis na pagaalala, takot, at pangamba, ni hindi ako makakilos at makapagisip ng maayos dahil sa hindi pa rin nagsisink in sa aking isipan ang lahat ng mga pangyayari.
Hindi ko akalain na mangyayari ang mga bagay na ito ng kay bilis, wala akong ideya na kahit ano mang oras ay pwede itong maganap. Sa isang kisap mata lamang ay nangyari na ang lahat at ngayon ay tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang kami ay magsama at susugal akong muli para sa kaligayahan namin ni Raymond. Hindi naman mahirap na kami ay magkabalikan dahil hanggang ngayon ay pareho pa rin kami ng nararamdaman.
Nais kong maramdaman ang ligaya at pag asa sa piling ng aking pinakamamahal at maranasang mamuhay at ialay ang aking pagmamahal sa ngalan ng pag ibig.
Kasalukuyan akong naririto sa tabi ng higaan ni Raymond at inaantay ko itong magising dahil sa sabik akong mayakap at mahagkan ito. Hindi magkamayaw ang aking puso sa pagtibok wari may kung anong labis na pananabik akong nararamdaman.
Pinabantayan na muna sa akin si Raymond ayon sa mga magulang nito na may lalakarin silang importante ngayong umaga at babalik kaagad.
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa magdamag ko itong binantayan at habang binabantayan ko ito kagabi ay naririnig ko itong umuungol at ang sabi naman ng doctor ay may posibilidad daw na magkamalay na ito ngayong araw kaya't labis akong nakakaramdam ng pananabik.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
Lãng mạnORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...